di kami magkasama ni jk sa isang bus. kasama siya dun sa bus ng section nila. and obvious naman, sasama sakin si joaquin. kinginer. di ako sanay na kasama siya ngayon. paano pag hinanap siya ng tropa niya? paano pag-heh bahala na.
sinuot ko na yung hoodie ko atsaka nag-headseat. sana nalang magbago isip ni joaquin at mapilitan siyang sumama 'kila nash. ipinikit ko panandalian ang mata ko pero maya-maya lang.
biglang gumalaw yung upuan sa tabi ko. oo, naandito na si joaquin. lord, di niyo naman ako tinulungan na palayuin 'to si joaquin sakin e.
"iniiwasan mo ba 'ko?" pagputol niya sa katahimikan. pero di ko siya sinasagot. kunwari di ko siya naririnig. aba, may headset ako. bahala siya diyan. "hoy, catherine. naririnig mo naman siguro ako diba?"
loob-loob ko, tawa ako ng tawa. pero hehe, pigil pigil din.
tinanggal niya yung headset ko at nag-deathglare siya sakin.
"pam'bwiset ka talaga, catherine."
"bakit ba? matutulog ako, nangungulit ka naman."
"isang tanong lang 'yon ayaw mo pang sagutin?"
"jusko," sabi ko. "hindi kita iniiwasan? iniwasan ba kita habang naglalaro tayo kanina? hindi diba? eto naman." sinalpak ko ulet yung headset ko tsaka pumikit ulet.
❁
letsugas na bus 'to. napaka-brutal sakin. ilang beses na kong inuuntog sa bintana. hays, okay lang. sanay na kong sinasaktan ng paulet-ulet. sanay na ko.
at dahil nga, breezyboi tong katabi ko, isinandal niya yung ulo ko sa balikat niya. umaakyat yung dugo ko sa pisngi ko. maling kiligin sa mortal na kaaway mo, catherine. mag-timpi ka diyan hoy! pero ang hirap magtimpi, sorry na.
he tucked my hair behind my ear and he pressed his lips on my temples.
"kahit kailan, cath. magi-intay ako. babawi ako sa lahat ng nagawa 'ko sayo." sabi niya. "mahal kita, catherine. walang makakapigil sa nararamdaman ko sayo."
hindi niya alam. hindi mo alam, joaquin. na merong hahadlang sa nararamdaman natin sa isa't isa. yung condisyon 'ko. sa dinami-rami ng pwedeng hilingin, joaquin. isa lang yung hiling ko, yun yung makasama muna kita ng matagal, makilala pa kita.
para pag nabagok ako at makalimutan ko na talaga ang lahat, masasabi sakin ni jk na, meron isang taong nagmahal at tinanggap ako ng buong-buo. at si joaquin lucas reyes yon. ang mayabang na chinito.
"ehem, cathquin for three!!" narinig kong may sumigaw. I assume, yung nasa unahan namin. napa-kunot naman ako ng noo at gusto kong sapakin 'yon.
panira kasi ng moment e, jusmiyo.
"pst, hoy, john! mahal mo pa ba buhay at kaluluwa mo?" narinig kong sabi ni joaquin. letsugas, lord. tulungan niyo kong magpigil dito huhu.
hindi man maging tayo hanggang sa huli, joaquin. masasabi 'kong ang swerteng babae na makakakuha sayo. nasayo na lahat e. gentleman ((awuwuwuw)), mabait at times, pogi, matangkad, magaling rin naman magbasketball kahit papaano.
naka-three points ka nga sa puso 'ko eh.
❁
tumigil na yung bus sa harapan ng campus namin. mabuti nalang, ginising ako ni joaquin. dahil baka, magdere-deretso na 'tong tulog ko jusmiyo. kinuha ko na agad yung bag ko tsaka bumaba ng bus.
![](https://img.wattpad.com/cover/38555127-288-k255937.jpg)
BINABASA MO ANG
ang mayabang na chinito
Losowe[completed] "mabuti na yung kahit mayabang siya, may natitira pang kabaitan sa puso niyan." 2014 // cshmr blythe's fanfiction