0.4 ; "...boyfriend mo daw siya!"

86 5 1
                                    

Dahan dahan akong pumasok sa classroom namin. baka kasi mamaya may revenge pala sakin si Joaquin. ayoko namang saktan ng mga yon. natatakot na 'ko.

"ayan na si catherine oh." sabi nung tropa ni Joaquin, yung may dimples. "cather. nail cather. halika dito." dagdag niya pa't nag-hand gesture na lumapit ako sakaniya. may mga kasama siyang babae, yung isa chinita, mejo maliit. pero maganda in all fairness.

"bakit, dimples? ano kailangan mo?" mahina kong sabi na parang medyo paos. may hang-over pa ko sa pag-iyak ko kagabi. bakit? masama ba? lmao.

"kuhanin mo yung libro namin sa library."

"ha?" pagtataka ko. "wala yon sa listahan na biniga-"

pero biglang tinakpan niya ng kamay niya yung buong mukha ko.

"wag ka na magreklamo. kung ayaw mong parusahan ni Joaquin."

agad kong hinawi ang kamay niya, at padabog na lumabas ng classroom namin. ano ba tong pinasok mo, catherine? tinamo nga 'yang nanyayare sayo. mukha ka ng yaya. losyang. ni hindi ka na nga rin nakakasama sa mga kaibigan mo dahil diyan sa mga Reyes na yan.

nang makarating na ko sa library namin, dahan dahan kong binuksan yung pinto at agad akong hinampas ng malakas na hangin nung aircon. jusko, para kong nasa antartica.

"uhm, sir troy?"

"hmm?"

"nasan po yung mga libro ni Mr. Joaquin Reyes? pati narin po nung mga tropa niyang abno?"

napatingin siya sakin ng masama pero ngumiti nalang ako. di ko nanaman napigilan ang kasamaan ko. jusko ka, catherine. chill lang. chill.

"wala na yung mga libro nila." sabi niya't tumayo sa kinauupuan niya. "yung kay arquiza nalang yung naiwan dito." sabi niya't may hinilang mga libro sa bookshelves malapit sakaniya.

6 na libro yung binigay niya sakin. pare-parehong Brace Arquiza. sino ba yon? nung buksan ko yung libro para icheck kung may infos about sakaniya. may picture na 1x1 na nakasingit.

singkit. maputi. may dimples.

lagot ka sakin, nyeta kaaa. ihahampas ko tong mga libro sa mukha mo.


pabalik na ko ng classroom ng may narinig akong parang may sumisigaw. mukhang may boxing or wrestling nanaman na magaganap dito ah. hindi muna ko pumasok ng classroom at nakinig sa pagaaway nila kahit na ang bigat-bigat ng libro ni kuyang may dimples.

"loko ka ba, brace? bakit mo inutos yon kay catherine?"

"ang alin ba?"

"yung kuhanin yong libro mo!" sumilip ako sa bintana namin at nakita kong si brace at joaquin lang pala yung tao sa loob at mukhang nagkakainitan pa.

"bagay lang sakaniya yon. bakit ba bigdeal yon sayo? tsaka diba napagusapan na natin na pwede rin siyang utusan ng barkada naten? wag mong sabihin na nakalimutan mo, quin?"

tinulak niya si brace at muntik ko pang mabitawan yung librong bitbit ko.

"wala kong sinabing ganon, brace! wag na wag mo ngang pinapahirapan si catherine!"

"ano ka, quin? hilo? eh ano ba sa tingin mo ginagawa mo? diba, pinahihirapan mo din siya? sinasaktan? inuutusan? pare-pareho lang tayong may mali dito."

ano bang problema ng mga 'to? bakit ba nila ko pinagaawayan? .__.

"ang sakin lang, wag mong palabasin na paparusahan ko siya pag di niya ginawa yung utos niyo!" sabi niya. "pinalalabas niyo kong mayabang, bossy at masama sakaniya e!"

"bakit di mo sinabi na bulag ka, Joaquin? matagal ka ng mayabang! hindi porke't na-bully ka nuon e gagayahin mo na yung mga bagay na ginawa nila sayo noon!"

joaquin's jaw clenched so does his fist. napa-hagod siya sa buhok niya at bigla niyang sinapak si brace. pakiramdam ko nangangatog ng yung tuhod ko sa takot. napatumba niya si brace pero agad din tong tumayo at bumawi ng suntok kay joaquin. (oha tinawag ko na din siyang brace.)

pumasok ako ng classroom at sumigaw ng darna este, "joaquin! brace! itigil niyo nga yan!" pero hindi paawat si brace. sinuntok niya parin si joaquin. "nyeta, ano ba kayo!"



"umalis ka na dito, cath! wag ka ng makisali!" sabi ni joaquin.

"di ako aalis hangga't di kayo tumitigil!" hinila ko nalang si Joaquin at tinulak si brace. "tama na kasi, diba? ano bang pinuputok ng mga budhi niyo?!" sigaw ko pa ulit. wews.

"ayan na, joaquin yung yaya mo. masaya ka na?"

hindi ko alam kung matatawa ako sa dalawang 'to e. nagaaway sila dahil sa inutusan ako ni brace at yaya daw ako ni joaquin. lord naman, wag niyo pong sabihin na merong menstruation tong dalawang 'to. kasimple-simpleng bagay pinagaawayan nila.

"eto na yung libro mo, brace manahimik ka na diyan." sabi ko't tinuro yung libro na ipinatong ko muna sa lamesa ko. "at ikaw, joaquin? hindi ka pwedeng magpakita kay ma'am shie nang may pasa diyan sa mukha mo. pumunta muna tayo sa clinic."

"hindi na."

"ay oh. gusto mong dagdagan ko pasa mo?"

"oo na. tara na." kinuha niya yung backpack niya't lumabas na kami ng classroom. sobrang gulo na ng buhok ko, haggar much lmao. pero si joaquin tinamo, tagaktak ang pawis niya. mukha siyang bagong ligo. buti nalang mabango parin siya.

nang makarating kami sa clinic, nanlaki yung mata nung nurse.

"jusko, Mr. Reyes. ano nanaman nangyare sayo?"

"nauntog lang p—"

"anong nauntog?" angal ko. "nakipag-away po siya sa tropa niya, ma'am. e sabi ko po, dito nalang po muna siya sa clinic hanggang sa matapos po yung time ni ma'am shie."

habang nilalagyan ng betadine yung sugat niya sa labi tsaka sa cheekbones niya, aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan yung wrist ko. our eyes met at nakikita ko na parang ayaw niya kong paalisin. "wag ka munang umalis, cath."

"hindi pwede, joaquin. diyan ka na."

"iiwan mo rin ako?" sabi ni pa't napatigil ako sa paglalakad.

"sino ka ba para samahan ko? di naman kita kaibigan." sambit ko tsaka dere-dertsong lumabas ng clinic. di ko naman talaga siya kaibigan. ayoko na, last ko na 'tong pagiging alila no'ng joaquin lucas reyes na 'yon. mas pipiliin kong unahin ang sarili ko kesa sa ibang tao.


Pagkabukas ko ng gate, agad akong sinalubong ni mitchu-pitchu. oo, aso ko po yun mga bregs. binuhat ko nalang siya at pumasok na agad sa bahay namin.

"anak, may bisita ka!" pambungad ni mama pero dre-dertso lang akong umakyat ng kwarto ko. hindi naman kasi humaharap sa bisita ng naka-uniform e. nagpalit ako ng oversized shirt then pyjamas. baka hindi ko na harapin yung bisita ko.

"ate cath, may bisita ka." sigaw ni art na nasa labas ng kwarto ko.

"ugh, sabihin mo pagod na!"

"ate kailangan ka ni mama sa baba!" sigaw pa ulit niya at tuloy-tuloy na kumakatok sa pintuan ng kwart ko. "ate, sabi niya kasi boyfriend mo daw siya!"

nyemas ano daw?!?

ang mayabang na chinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon