nadaanan 'ko yung bulletin na malapit sa guidance's office. and yun na nga, di ako nakapasa sa scholarship ko sa germany. nag-retake kami. and, di naman pala ako nakapasa hays. si jk, nakapasa siya. and masaya ako para sakaniya.
pero may bago daw organization na tutulong daw sa mga students na gusto pa ulet mag-try makakuha ng scholarship sa germany. walang masama naman siguro kung susubukan 'ko na makakuha ulet diba? pangarap ko yon eh.
kumuha 'ko ng slip sa box na malapit sa bulletin at binasa lahat ng details. may examination sa biyernes, kailangan ko ulet mag-exam. desidido na 'ko.
"mage-exam ka ulet?" lumingon ako at nakita ko si joaquin na sobrang lapit ng mukha sakin. abe maria napupuno ka po ng grasya. "iiwan mo ko dito?"
i kissed the tip of his nose at dahan-dahang umalis sa posisyon na 'yon.
"quin, pangarap ko na kasi 'yon e. yung makapunta ako sa germany. alam mo 'yon? gusto ko sanang sabihin na magexam ka. para malay m-"
"ayoko." cold na sabi niya.
nalaglag yung puso ko. anong nangyayare, mga bes?
"uh, quin gal-"
"hindi ka aalis, cath. di ako papayag."
"quin, susubukan 'ko palang. di tayo sigurado kung makakasama ako." medyo naiinis na sabi ko. "quin. sarili mo nanaman ang iniisip mo."
"sarili ko nanaman? kasalanan ko nanaman? paano kung, makahanap ka ng iba don? yung mas pogi sakin? yung mas matangkad? mas may-"
"imposible." sabi ko. "ikaw lang laman neto." dagdag ko pa't tinuro yung right side ng dibdib ko. ((yung puso kamo ha?)) naglakad na kami papunta sa third floor kung nasaan yung classroom namin at sinusubukan ko siyang pa-tawanin.
nanlumo siya pagkatapos niyang malaman na magta-try ako.
"di mo ba ko susuportahan sa pangarap ko, quin?"
"susuportahan." sabi niya. "k-kasi, alam kong parte narin ako ng pangarap mo, diba? diba? diba?" ulet ulet niyang sabi. jusmiyo, puso ko, joaquin.
"alam mo naman pala, ngayon, manahimik ka na."
pumasok na kami ng classroom. umupo na siya sa tabi ni olivia at ako naman umupo sa pinaka-likod. nagseselos parin ako. ha? ano? joke lang 'no. siyempre, pinsan niya yan. wala akong karapatan na kwestiyunin 'yon, hahaha.
I opened my journal at nagsulat ulet ng poem and thoughts. masama bang mainlove sa penmanship ko kaya sinisipag akong magsulat ng poem?
at some point you have to stop
listening to excuses
your heart constantly makes up.
❁
di ko manlang nakita anino ni brace at ni jk. nasaan na ba yung mga lalakeng 'yon? kung kailan kailangan ko tulong nila. pero, si brace. alam kong di talaga ako tutulungan non. diba nga, simula 'non, di niya na 'ko pinansin.
jk: umuwi na po ako. see you soon nalang.
ay, panira naman. kung kailan kailangan ko ng magbubuhat dito sa mga libro ko e. hayae na, sarili ko nalang tutulong sakin. sanay na naman aking nagiisa, diba?
"cath," narinig kong may tumawag sakin, si joaquin. "naandito ka lang pala, jusko. kanina pa kita hinahanap sa third floor eh." sabi niya't tinulungan ako magbuhat.
"naks naman, hahaha. pauwi na rin ako eh. deadline na ng projects bukas, alam mo naman. malapit na bakasyon, pero kailangan parin gumawa ng school projects and such things." I said and we both laughed.
di niya pa alam yung tungkol sa flight ko papuntang germany.
wala na 'kong balak na sabihin yon sakaniya. dahil, magagalit lang siya. sakin. kay mama. magbubuhos nanaman yan ng galit sa lahat ng tao dito. kilala niyo naman siguro si joaquin, pag iniiwan, nananakit.
ayokong maulit yung pinaggaga-gawa ni joaquin nuon. natatakot na ako na baka kung ano pa pala ang magawa niya. hindi natin alam. its unpredicatable.
"quin,"
"hmm?"
"imagine if kunware, pumunta ako sa ibang bansa. hanggang makapagtapos ako ng highschool. at para magpagamot na rin, anong gagawin mo?" tanong 'ko. siyempre, di ko pinahalata na yun naman talaga ang mangyayare.
"simple lang," sabi niya. "susundan kita. hahanapin kita. at, kung gusto mo duon na kita sa ibang bansa pakakasalan. aba, para tapos na la-"
"quin, seryoso ako dito."
"cath, seryoso din naman ako eh." he mumbled. "teka. seryoso ka na aalis papuntang ibang bansa?!" oh no, galit nanaman siya. I looked away at binilisan maglakad. ayokong umamin. ayokong sabihin sakaniya. di ako handa.
"cath, sagutin mo tanong k-"
"wala akong isasagot, quin."
"cath!" sigaw niya. i dropped my wallet and my phone at di ko na rin namalayan na may luhang tumutulo sa mata 'ko. "nakaka-bastos yang pagiwas mo ha?!"
"quin..." my breathe hitched. "please lang, hayaan mo na 'ko. hayaan mo nalang muna 'kong tuparin yung pangarap ko. para sakin 'to. sayo. satin."
"paano ako? iiwan mo ko dito? naka-tanga?"
I gripped on his wrist at leshe. naaamoy 'ko yung pabango na gamit niya ngayon. shet, manahimik ka nga. drama to oy. I tried to clear my throat and pinigilan na bumagsak ang bawat luha 'kong gustong gusto nanamang kumawala.
"ikaw na mismo nagsabi, quin." sabi ko. "na hahanapin mo ko, iintayin mo ko. quin, aasahan ko na hahanapin mo ko. iintayin kita." bulong 'ko.
"iintayin mo ko?"
"iintayin kita."
"mahal kita, catherine."
"mas mahal kita, quin."
"diba ayaw ko ng may naglilihim sakin?"
"q-quin, im really sorry..."
"hindi, catherine. yung sakit mo? yung pagpunta mo sa ibang bansa? nilihim mo sakin. tapos ano, mamaya may lihim na relasyon pala kayo ni jk?"
"quin, please stop. please?"
"nagdududa na 'ko, cath. nagsisimula na ko magduda. paano kita papalayain, kung dito palang naglilihim ka na at nagsisinungaling ka na sakin?!" sigaw niya.
naiinis na ako. parang kahapon ang saya namin, ngayon, away nanaman. tumalikod na ako tsaka naglakad palayo. pinapabalik niya 'ko pero di ko 'to sinunod.
pagod na 'ko sa lahat, quin.
wag mo na sana kong bigyan ng dahilan para sumuko sayo.

BINABASA MO ANG
ang mayabang na chinito
Rastgele[completed] "mabuti na yung kahit mayabang siya, may natitira pang kabaitan sa puso niyan." 2014 // cshmr blythe's fanfiction