Invitation

261 22 27
                                    

Melody Carreon's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, agad kong narinig ang mga sigawan ng magtita na parang nag-aaway sila. Napapailing naman ako sa nangyayari. Alam ko kasing mag-aaway na naman sila sa carbonara, pareho kasi nilang favourite iyon eh.



Pagdating ko sa dining area, hindi nga ako nagkamali. Nag-aaway sila sa carbonara na nakahain. Hindi naman kasi ako gumawa ng madami eh, kunti lang. Hindi ko din naman kasi balak magluto ng carbonara, wala na akong time para magluto ng ibang putahe kaya ayan lang ang naluto ko.



"What's going on here?" pareho silang napatingin sa 'kin.




"Nanay ko, si tita po kasi, ang dami-dami niyang kinuha na carbonara." malungkot na pahayag ng anak ko. Napatingin naman ako sa plato ni Miracle, at laking gulat ko nang makitang sobrang puno ang plato niya.



"Hindi ha, kunti nga lang kinuha ni tita, baby Nathan." depensa nito sa sarili.




"Grabe ka naman Miracle! Para kang hindi kumain ng ilang linggo ha. Bigyan mo naman ang anak ko."



"Ays! oo na ito na oh. Saka pwede ba ate sa susunod kapag balak mong magluto ng carbonara, dami damihan mo rin paminsan minsan para hindi naman ako nabibitin." reklamo nito, dahilan para mabatukan ko ito at mapadaing ito sa sakit.


Siya na nga pinapakain, siya pa may ganang mag-utos at mag-reklamo. Akala mo naman siya may-ari ng bahay na ito ha. Pasalamat siya kapatid ko siya, kung hindi, kanina ko pa ito pinalayas.

"Eh kung mag-aral ka kayang magluto para mapagluto mo ang sarili mo't hindi ka lagi pumupunta dito sa bahay namin para kumain lang."



"Alam mo namang kahit anong gawin ko ate, hindi ako matututo noh."



Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at lumapit sa anak ko, na busy'ng kumakain ng carbonara niya. Pinagmamasdan ko lang siyang kumain, hanggang sa kinuha niya ang plato ko at nilagyan niya ito ng carbonara galing sa plato niya.


"Here nanay ko, kain na po kayo."



"No baby, sa'yo na lang ito, baka kulang pa 'yan sa 'yo. Saka hindi pa naman gutom si nanay eh."




"No nanay ko, this is enough for me. You can have that. Kung hindi pa po kayo gutom, itatabi ko na lang po muna para may kainin kayo mamaya."



Napatango na lang ako sa kanya bilang sagot. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko sa sinabi ng anak ko. Hindi ko lubos malaman kung bakit may mga iilang ina na sinisisi nila ang mga anak nila sa mga ginawang hindi magaganda sa kanila ng ama ng anak nila.



Dahil para sa 'kin, walang kasalanan ang mga bata. Kung may ginawa man ang ama nila, dapat hindi natin dinadamay ang sinuman, lalo na sa mga anak natin. Alam ko kasing may dahilan ang lahat ng bagay at alam ko din na sa kabila ng mga hindi magagandang bagay na nangyayari sa 'kin, may katumbas itong mga aral na natutunan ko at nagbigay din, kahit paaano, ng kasiyahan.



"You're so blessed to have baby Nathan, ate."



Nabaling ang tingin ko kay Miracle ng magsalita siya. Tanging ngiti lang ang naging sagot ko sa kanya. Alam ko hindi lang ako ang sobrang na-bless sa pagdating ni Nate sa buhay ko, kundi pati ang pamilya ko. Damang-dama ko iyon, kung paano nila minahal at inalagaan si Nathan. At kung paano nila ako tinulungan para mapalaki nang maayos ang anak ko.



It is You [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon