Snow's Birthday Party

209 22 25
                                    

Melody Carreon's POV


Ngayong araw ang birthday ni Snow, at nandito ako ngayon sa flower garden ko at sinisiguradong naka-ready na ang lahat ng mga kinakailangan para sa event na dadaluhan ng team ko.


Tutal naman nakabihis na ako para sa children's party para mamaya, kaya hindi na ako magaalala pa sa susuotin ko. Pinipilit pa nga ako ni Miracle na huwag ko raw suotin iyong salamin ko para raw mas maganda, pero hindi ako pumayag.

[Elyn's note: Ayan po iyong dress na suot ni Melody

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Elyn's note: Ayan po iyong dress na suot ni Melody. Dito ko na lang po nilagay iyong picture dahil nag fafailed load po kasi kapag nilalagay ko sa taas. Cellphone lang po kasi ang gamit ko]

Children's party naman kasi ang pupuntahan ko at saka hindi ako nandoon para magpapansin sa kung sinuman, nandoon ako para samahan ang anak ko.


"Okay na ba ang mga pink roses? and those pink lilies?"


"Yes ma'am. Nilalagay na po nila lahat sa van."


"Okay thank you. Make sure everything's ready, okay? Ayokong pumalpak na naman tayo this time."


This time, I'll make sure that it won't be a disaster. Hindi ko na kayang paulit-ulit na nakakarinig ng mga bad comments sa client ko. Nakaka-hurt kaya ng feelings iyon. Kahit na hindi perfect ang maging resulta, basta maging maayos lang ang lahat.


"Come on sister, everything's going to be fine. Don't stress yourself. Sige ka papangit ka niyan, baka wala kang mabingwit na gwapo sa party. You'll be single forever."


"I'd rather be single forever, than being in-love again."


"You sounds like a bitter person ate."


"Whatever Miracle. Just don't mess up this time."


"Don't worry I won't."


"I hope so. Kung hindi, malalag--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may tumawag sa 'kin.


"Nanay ko!"


Napalingon kami pareho ni Miracle, at sumalubong sa paningin namin ang anak ko na patakbong papunta sa 'kin. Ng makalapit siya sa 'kin, agad akong lumuhod para mapantayan ko siya.


"Wow, ang gwapo naman ng baby ko"


"Of course nanay ko, nag-mana ako sa 'yo eh"


Napangiti naman ako sa sinabi niya, at napayakap na lang ako bigla sa kanya nang sobrang higpit. Mas lalo akong napangiti nang maramdaman ko ang mga maliliit niyang mga braso sa likod ko.


It is You [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon