Elyn's note: Hi! This one is for you. Thank you for all the heart warming comments! ♡
*****
Stephen Montelaxa's POV
Habang kwinekwento niya sa 'kin ang mga totoong nangyari sa kanya at naging dahilan ng pakikipaghiwalay niya. Naisip ko na hindi lang pala ako ang nasaktan ng sobra. Kundi pati rin siya, na pakiramdam ko sobrang hirap ng pinagdaanan niya.
Hindi ko rin maiwasang hindi makaramdam ng galit sa sarili ko, dahil hindi ko man lang nagawang protektahan ang taong mahal ko noong araw na binaboy siya ng kaibigan ko. At ang mas kinagagalit ko, kaibigan ko pa ang gumawa nun. Pero wala na eh, wala na akong nagawa. Nangyari na ang dapat nangyari.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin ang tungkol kay Nathan? Alam mong mahal na mahal kita, at kaya kong akuin ang responsibilidad bilang ama niya" sabi ko ng nakaharap sa kanya.
"Alam kong iyan ang gagawin mo Stephen. Pero noong panahon na iyon, ayokong dinamay ka sa gulong napasukan ko, at ayokong sirain ang pangarap na meron ka dahil lang sa anak ko. Ayoko iyon Stephen" hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Sobra kung isipin niya ang kinabukasan ko, pero hindi niya alam na basta kasama ko lang siya, masaya na ako.
"Sabi mo sa 'kin dati na hindi alam ni Harris ang tungkol kay Nathan. May balak ka bang sabihin sa kanya?"
"Hindi niya alam ang tungkol kay Nate. Kung dati ayaw kong makilala siya ng anak ko, dahil sa mga ginawa niya sa 'kin. Pero, noong nabasa ko iyong sulat na ipinadala niya, narealize ko na hindi habang buhay maitatago ko sa kanya ang katotohanan. Na alam ko darating pa rin ang panahon na magkrukrus ang landas naming dalawa. At kung mangyari man iyon, hindi ko ipagkakait si Nate sa ama niya, kasi alam kong matagal na rin gustong makilala ni Nate ang ama niya"
Sa nakikita ko ngayon kay Melody, masasabi kong ang laki na rin ng pinagbago niya, at natutuwa pa rin ako dahil meron pa ring parte ni Melody na alam kong kilalang kilala ko at hindi pa rin nagbabago. Ang pagmamahal niya sa pamilya niya at pagiging mauunawain.
Hinaplos ko ang kamay ko sa pisngi niya, dahilan para mapatingin siya sa 'kin. "Akala ko wala na, akala ko nakamove-on na ako sa 'yo, at akala ko kapag nagkita ulit tayo wala ka ng epekto sa 'kin. Pero mali ako, maling mali, kasi hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita Melody. Nawala ito ng panandalian na parang namatay, ngunit ngayon, muli itong nabuhay. Sana Melody, bigyan mo ulit ng pangalawang pagkakataon ang relasyon na meron tayo dati. Please Melody, I still love you" sabi ko at pinagdikit ko ang mga noo namin. Alam ko na medyo nakakabading kapag umiiyak ang mga lalaki, pero hindi ko mapigilan. Mahal na mahal ko ang taong nasa harap at tabi ko ngayon.
"Hindi ko alam Stephen. Sa ngayon, hindi ko pa alam ang totoong nararamdaman ko, at hindi ko alam kung handa na ba ulit akong pumasok sa isang relasyon"
"Naiintindihan ko Melody. Maghihintay ako hanggang sa makaya mo ulit akong mahalin. Hindi na kita papakawalan pa" sabi ko sa kanya at saka ko siya niyakap ng sobrang higpit.
Napangiti naman ako ng maramdaman kong niyakap niya ako ng pabalik. Kahit na hindi niya pa ako binibigyan ng sagot, alam ko na meron pa rin siyang kunting nararamdaman sa 'kin. At gagawin ko ang lahat, mapasa-akin ulit siya. I won't let you go again, Melody
*********
Kinabukasan, maaga kaming umalis ng hotel ni Melody. Naikwento niya kasing nag-alala iyong pamilya niya sa kanya, lalo na iyong anak niya. Kaya naman nagmadali kaming umuwi ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
It is You [FIN]
أدب نسائي[Carreon Sisters Serie #1] Meet Melody Carreon, a single mother. Kahit na sobrang pait at sakit ang idinulot sa kanya ng nakaraan, nagawa niyang kalimutan ang naakaraang masasabi niyang kinamumuhian niya. Pero dahil na rin sa tulong ng isang anghel...