Carreon Family

195 21 22
                                    

Melody Carreon's POV

Kinabukasan, naisipan kong dalawin sila lala at lolo sa mansyon kung saan din nakatira ang mga kapatid ko. Saka sabi kasi sa 'kin ni kuya Adriel na ngayon sila dadalaw ng pamilya niya sa bahay ni lala at lolo.


Si kuya Adriel ang nakakatanda naming kapatid. Siya ang nagiisang lalaki sa 'ming limang magkakapatid. May sarili na itong pamilya, 3 years ago ng magpakasal sila ni ate Tina, at one year after their wedding, nagbunga ang kanilang pagmamahlan, at iyon si Gavin.


Medyo nahihiya nga ako noon, dahil sa aming magkakapatid, ako pa ang unang nagkaroon ng anak ng hindi pa ikinakasal. Kahit na ganun, hindi ko maikakaila na hindi nila ako pinabayaan iyong mga araw na pinagbubuntis ko si Nate.


Pagdating namin sa bahay nila lala't lolo, sinalubong agad kami ni lala. "Finally, you both here. We've been waiting for you two"


"Lala ganda!"


Agad na tumakbo si Nate papunta sa lala niya at niyakap niya ito ng sobrang higpit at tinapunan niya ito ng mga matatamis niyang halik. Natatawa naman si lala sa mga ginagawa sa kanya ni Nate.



"Mukhang sobra akong namiss ng apo ko ha"


"Ay sobra lala, kanina pa ako kinukulit iyan, tanong ng tanong kung malapit na nga ba kami"


Pagkatapos mag mano ni Nate kay lala, ay ako naman ang sumunod na gumawa pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya.



"Halina kayo sa loob. Kanina pa kayo hinihintay ng mga kapatid mo Melody"



"Nandyan na rin po si kuya Adriel?"



"Oo, kararating lang din nila. Kaya halina kayo sa loob"


Tumango lang ako at saka na kami pumasok sa loob. Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay rinig na rinig ko na ang malalakas na tawanan ng mga kapatid ko. Pakiramdam ko dito kami matutulog ni Nate ngayong gabi ha. Wala na namang katapusang chikahan ito eh.



Pagdating namin sa sala, agad bumungad sa paningin ko ang pinakamamahal kong pamilya. Tumatawa sila dahil aliw na aliw sila kay Gavin, anak nila kuya Adriel at ate Tina. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ko sila.



Naramdaman yata ni kuya Adriel ang presensya namin kaya napatingin siya sa gawi namin. Isang ngiti ang bumungad sa 'kin ng makita niya kami. "Looks like our florist sister and her big boy is finally here!"



Napalingon silang lahat ng marinig nila ang sinabi ni kuya. Sabay sabay silang bumati sa 'ming dalawa ni Nate. Kaya naman binati din namin sila at naupo kaming dalawa ni Nate sa tabi ni lala at lolo.



Lumipas ang ilang minutos, tanging tawanan at sigawan ang bumalot sa buong sala habang nagkwekwentuhan kaming lahat ng kung ano ano. Si kuya Adriel hindi napigilang hindi na naman asarin ang dalawang bunso namin. Dahilan para paghahampasin ng dalawa si kuya Adriel ng unan.



Maya maya, nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta ng kusina, para makapaghanda ako ng meryenda namin. Tutulungan sana ako ni lala kaso hindi ko siya pinayagan. Kapag dumadalaw kasi ako dito sa bahay nila, ang gusto ko ako iyong mismong gumagawa ng meryenda at gusto ko na kapag nandito kami, hindi sila mapagod sa pagaasikaso sa 'min, para naman makapagpahinga din sila at maenjoy nila ang pakikipagchikahan sa mga kapatid ko at apo nila sa tuhod.



Pagdating ko sa kusina, inumpisahan ko ng gumawa ng sandwiches. Iyon kasi ang alam ko na madaling gawin at ang iyon ang favourite nila lala at lolo. Ang Manchego, Quince and Toasted Walnut Sandwich ala Melody Carreon.



It is You [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon