Melody Carreon's POV
Isang linggo na ang nakalipas simula noong nagkita kaming muli ni Stephen sa birthday party ni Snow. Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na kami muling nagkita ni Stephen. Buti na rin iyon, dahil sa totoo lang, kahit na masaya akong nagkita ulit kami, hindi ko pa rin maiwasang hindi maging comportable na nakikita siya. Ewan ko ba.
Noong time na umalis agad ako sa party nun ay sinundo ko si Miracle at inihatid ko din ito sa bahay nila lola. Pinipilit pa nga niya akong doon muna daw siya matulog sa bahay namin, pero hindi ako pumayag. Dahil nga ayokong magkita sila ni Stephen, kapag ihahatid niya ang anak ko, and worse, ayokong makita niyang magkasama si Stephen at Nate.
Kilala ko si Miracle at alam ko ng husto kung anong tumatakbo sa utak niya. Kaya hindi ako magkakamali na magisip iyon ng kung ano ano tungkol sa 'min ni Stephen. Lalo na't hindi pa alam ni Stephen ang totoo.
Nawala ako sa pagiisip ng kung ano ano ng magsalita ang isa sa empleyado ko. "Ate Melody, meron po tayong bagong client"
"Ah sige, salamat"
Sinabihan ko muna si Joshua, isa sa empleyado ko, na siya muna ang magpatuloy sa ginagawa kong pagtatanim. Kaya naman, inalis ko na iyong gloves ko at pumunta na kung nasaan ang sinasabi ni Anika na bagong client namin.
Naaninig agad ng mga mata ko ang isang babaeng tumitingin tingin sa mga bulaklak na nakadisplay sa garden ko. Habang papalapit ako sa kanya, mas lalo kong nakikita ang mukha niya. Ang ganda niya, para siyang isang anghel.
"Good afternoon ma'am, my name is Melody. How can I help you?"
Nabaling sa 'kin ang atensyon niya ng magsalita ako. Inabot ko ang kamay ko para makipagshake hands. Ngumiti ito sa 'kin at tinanggap ang kamay ko.
"Good afternoon Melody, I'm Aisha. Actually, I'm looking for something that really fits on my wedding day. One of my special friend recommended to me this flower garden of yours. So, I hope you can help me decide what flowers really do fit on my wedding day"
"Don't worry ma'am, I assure you that my team will help you. But first of all, what is your wedding theme? I mean, it will be a church wedding, beach wedding or garden wedding?"
"It will be a beach wedding"
"Okay ma'am. What types of flowe--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita sa likod namin, dahilan para mapalingon kami pareho.
"I'm sorry I'm late"
Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang lalaking kararating lang. Lumapit ito kay Aisha at hinalikan ito sa pisngi. Nagiwas ako ng tingin at nagkunwaring may tinitignan sa cellphone ko.
"I really hate you, you know? I thought you wouldn't show up. Busy na nga iyong magaling mong pinsan, tapos malalate ka pa. Argh, nakakainis kayong dalawa!"
"I said sorry okay? Natraffic lang ako. Please forgive me Aisha, alam mo namang love na love kita eh. Kaya hindi ko magagawang hindi sumipot "
Iyong totoo? Hindi ba nila ako nakikita dito sa tabi nila? Kung pwede lang akong umalis dito ngayon na, gagawin at gagawin ko na talaga. Kaso ayokong iwan ang client ko, baka ito pa ang dahilan para mawalan ako ng customers.
Saka, bakit kaya nandito siya? At kaano ano niya itong babaeng nasa harapan ko? Hindi kaya... girlfriend niya, o kaya fiance?. Ewan ko pero parang hindi ko gusto ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
It is You [FIN]
أدب نسائي[Carreon Sisters Serie #1] Meet Melody Carreon, a single mother. Kahit na sobrang pait at sakit ang idinulot sa kanya ng nakaraan, nagawa niyang kalimutan ang naakaraang masasabi niyang kinamumuhian niya. Pero dahil na rin sa tulong ng isang anghel...