Melody Carreon's POV
"I heard you have met Stephen again"
"W-where did you get the i-idea, l-lala?"
"I heard it from Miracle"
Bigla naman akong napatingin sa lugar kung nasaan si Miracle. Kahit kailan talaga, itong babaeng ito napakadaldal. Tignan mo nga nan, ang saya saya niyang tignan ngayon, samantalang ako, ito hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay lala. Naku! Humanda iyang si Miracle sa 'kin, matatamaan siya.
"Huwag mong patayin ang kapatid mo dyan sa utak mo Melody"
Nagtatakang napatingin naman ako kay lala sa sinabi niya. "I'm not killing her. I just hate her right now for telling to you about Stephen."
"Come on Melody. Tell me, kailan pa kayo nagkita ulit ni Stephen?"
Mukhang wala na akong lusot dito ha, at kailangan ko ng sabihin kay lala ang tungkol sa pagkikita namin ni Stephen. Sasagot na sana ako ng may higlang nagsalita sa likod ko, dahilan para umpisahan akong kabahan.
"Nagkita kayo ni Stephen? Kailan pa Melody? Bakit hindi mo sinasabi sa 'kin ang tungkol dito!"
Pasensya na po kayo, talagang OA lang ang aking gwapong kuya. Napatawa ako ng mahina ng biglang batukan ni lala si kuya. Napakamot naman ito sa batol niya.
"Huwag ka ngang OA masyado Adriel John Carreon! Saka magkwekwento na siya eh, bigla ka na lang dyan sumulpot"
"Sorry naman lala, nacarried away lang. Oh siya sige. Magexplain ka na Melody, dali!"
Napapailing na lang ako sa inaakto ng gwapo kong kuya ngayon habang nagkakamot pa rin ito sa batok niya. Mukhang napalakas yata ng pagbatok si lala kay kuya.
Huminga ako ng malalim bago ko pinaliwanag sa kanila lahat, kung saan kami nagkita ni Stephen at iyong tungkol sa wedding preparations ng bagong client namin, which is fiancé niya or I don't know kung totoo ba iyong sinabi niyang kaibigan lang niya. Ay ewan!
"So, ibig sabihin parang lagi na kayong nagkikita dahil related siya doon sa bago mong client? Saka pumupunta siya sa bahay niyo para ipamigay kay Nathan iyong mga car toys niya?"
"Nadale mo kuya. So, kapag lovelife ko pinaguusapan, atentong atento ka ha"
"Of course! Ex mo 'yan noh"
"Ewan ko sa 'yo kuya"
"Pero maiba tayo apo, anong balak mo ngayong nagkita kayo ulit?"
"Nothing lala. Saka hindi ko na rin naiisip iyong mga bagay bagay tungkol sa aming dalawa. May okay na akong friends na lang kami ngayon"
Sa totoo lang, kahit naman nagkita na ulit kami, hindi ako umaasang magkakatuluyan ulit kami. Dahil ramdam ko na hanggang ngayon, may sakit pa rin siyang nararamdaman tungkol sa nagawa ko sa kanya dati. Saka, katulad ng lagi kong sinasabi. Maayos na ang buhay namin ni Nate, at hindi ko na rin kailangan pa ng isang taong makakapiling ko habang buhay.
Ayokong magsabi ng bagay ng patapos, dahil baka mamaya pagsisisihan ko ang mga sinabi ko. Siguro, kung talagang kami talaga ang para sa isa't isa, gagawa at gagawa ng paraan si God. Kaya sa kanya ko na lang ipinauubaya kung ano man ang kapalaran ko. Sa ngayon, si Nate muna ang tanging inaalala ko.
BINABASA MO ANG
It is You [FIN]
ChickLit[Carreon Sisters Serie #1] Meet Melody Carreon, a single mother. Kahit na sobrang pait at sakit ang idinulot sa kanya ng nakaraan, nagawa niyang kalimutan ang naakaraang masasabi niyang kinamumuhian niya. Pero dahil na rin sa tulong ng isang anghel...