Three Sweet Words

93 4 0
                                    

Melody Carreon's POV


Natapos ang wedding ceremony nang maayos. At pagkatapos nang mga ilang picture taken, saka kami dumiretso lahat sa reception area. 


Pero para sa akin hindi ako naging maayos. Kasi naman hindi ako masyadong makapagconcentrate at pilit kong naaalala iyong mga titig na binigay ni Stephen sa akin nung kumakanta kami. Para kasing may mga bagay na gusto niyang sabihin sa akin na hindi ko naman alam kung ano. Hindi naman kasi ako manghuhula para mahulaan ang mga iyon noh!


Feeling ko any minute mababaliw na talaga ako ng tuluyan. At idagdag mo pa na, nasa iisang lamesa pa kami ng inupuan, na mukha namang sinadya nilang gawin. Ays!


Nagsimula ang program nang wala pa rin sa matino ang pag-iisip ko. Present nga ang katawan ko, pero ang isip ko sinasakop ng kung ano anong mga tanong o alaalang ayokong maalala.


Nahinto lang ako sa malalim kong iniisip nang magsalita ang anak ko “Nanay ko, can I go and play with the other kids?” He asked.


“Sure big boy. Go ahead.” sagot.


Nagpasalamat siya sa akin at niyakap muna ako bago na siya tumakbo papunta sa isang mini playground na pinadesign nila Aisha para sa mga batang bisita niya, para raw hindi naman maboring ang mga bata sa mahaba-habang program na meron sila.


Nagsimula na ang program at nabalot ng tawanan at hiyawan ang buong reception area. At sa buong program, tahimik lang ako pero minsan nakikipagtawanan din.


Dumating ang paghagis ng bulaklak, at may iilang tao na pinipilit akong sumali sa mga babaeng nagkukumpulan na handa nang sumalo sa bulaklak. Pero, pilit ko ring tinatanggihan sila. Sabihin na nilang KJ ako kaso sadyang nahihiya akong makipag-agawan sa kanya. At hindi ko nga sure kung may magtatangka pang magpakasal sa akin.


At gaya ko, hindi rin sumali si Stephen noong paghagis ng garter. Nakailang pilit ang ginawa ng magasawa sa kanya pero pinili niya pa ring huwag nang sumali. Ewan ko ba dyan! Gaya gaya yata.


Lumipas ang oras, dumating na ang pinakahihintay ko, ang oras ng kainan. Sa sobrang haba ng araw na ito para sa akin, kailangan ko nang kargahan ng pagkain ang tiyan ko.


Natapos ang kainan, nagkaroon ng picture taking ulit hanggang sa dumating ang oras ng sayawan sa gitna. Nagpaalam ulit sa akin si Nate na maglalaro na naman sa mini playground kaya pinayagan ko naman siya.


Naiwan akong kasama si Stephen dito sa lamesa, habang pinagmamasdan ko ang mga taong nagsasayaw sa gitna.


“Melody?” nagtatakang napatingin ako kay Stephen nang bigla niya akong tawagin. Na ikinagulat ko nang nakatayo na ito at nakalahad ang kamay niya.


“Can I have this dance?” He asked. Hindi ako makapagsalita, na pakiramdam ko napipi ako bigla. At tanging titig lang ang naibibigay ko sa kanya. “Please?” sabi pa nito nang hindi pa rin ako sumasagot.


Kawawa naman siya Melody kung hindi mo tatanggapin ang alok niya. Maawa ka naman! My mind shouted, making me scolded myself.


Huminga muna ako ng malalim bago ko unti-unting tinanggap ang mga kamay niya, dahilan para unti-unti rin siyang mapangiti.


Tumayo na ako at naglakad na kaming dalawa papunta sa gitna. He grabbed me in my waist pulling me closer to him. And I just put my hands in his shoulders and we started to move.


It is You [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon