Kilig

102 6 1
                                    

Elyn's note: Hey there! This one is for you. Thank you for the long and sweet feedback! God bless! ♡

Melody Carreon's POV

Ilang minutos pa kaming nagstay doon, hanggang sa nagpaalam na rin si Aisha dahil may mini party din daw na prinepeared sa kanya ang mga kaibigan niya with her mother and Enrique’s mother. Isinasama pa nga kami ni Nate, kaso tumanggi ako dahil balak kong ipasyal si Nate at gusto raw kasi nitong magswimming kaya pagbibigyan ko na.

Nang makalabas kami sa cottage, agad naming nilibot ang buong resort. Minsan napapahinto kami sa mga souvenirs shops at bumibili kami ng kung ano ano. Minsan naman napapahinto kami sa mga iba’t ibang mini show na meron.


Napapangiti na lang ako habang tinitignan ko ang dalawang lalaking kasama ko na sobrang saya at nageenjoy. Para nga silang magama kung titignan mo. Dahil sa pagod ng maglakad ang aking anak, nagpakarga ito kay Stephen, ako na sana, kaso ayaw ni Nate, gusto raw kay Stephen. Kaya wala na kaming nagawa.


Matapos naming libutin ang buong resort, napagpasiyahan namin kumain muna. Kaya pumasok kami sa isang seafood restaurant at doon kumain.


Pagkatapos kumain, dumiretso kami sa kanya kanyang kwarto namin para makapagpalit kami ng panligo namin at makapaghanda ako ng sandwiches para baunin.


Pinasuot ko lang ng swim trunks si Nate. Samantalang ako naman, dahil sa hindi ako sanay na magsuot ng revealing na swimwear, ay isang simpleng rashguard swimwear ang suot ko.


Nang matapos kaming magbihis, agad na kaming lumabas ng anak ko. At tamang tama rin ang paglabas namin, dahil iyon din ang paglabas ni Stephen sa kwarto niya.


Hindi ko alam kung bakit, pero pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng isang simpleng short and white sando. And with that, his so hot.


I heard him cleared his throat, kaya napatingin ako sa kanya. Feeling ko namumula na ko ngayon dahil alam kong nahuli niya akong pinagmamasdan ko ang katawan niya. “Let’s go?” yaya niya. Tumango lang ako at naglakad na kami palabas ng hotel at papunta sa swimming pool.


Pagdating namin sa swimming area, agad na akong hinila ni Nate papunta sa kid’s swimming pool. Buti na lang kinuha sa akin ni Stephen iyong bag na dala ko bago pa ako tuluyang hinila ni Nate.


Nagtatawanan kami pareho ni Nate habang naglalaro kami sa tubig. Kitang kita ko ang saya sa mukha ng anak ko, kaya hindi ko maiwasang mahawa sa mga ngiti niya.


Si Stephen naman nakaupo lang sa isang bench habang nakatitig sa aming dalawa. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa siya lumalangoy eh.


And suddenly, a playful idea came into my beautiful mind. Lumapit ako kay Nate. “Nate, come here. May sasabihin si nanay” sabi ko kay Nate.


“Ano po iyon nanay ko?” nagtatakang tanong niya ng makalapit ito sa akin.


“Pagkabilang ko ng tatlo, sabay nating babasahin ang tito Teptep mo ha” bulong ko sa kanya. Nakangiting tumango naman ito sa akin. Ayan ang gusto ko sa anak ko, sinusuportahan ang kalokohan ng nanay! Haha!


Lumapit kami sa kinaroroonan ni Stephen. Hindi naman kasi ganun malayo iyong bench na inuupuan niya sa swimming pool kaya tamang tama lang na mababasa siya kapag nagwasik kami ni Nate ng tubig sa kanya.


Nakita kong nagiba ang itsura ni Stephen at nagtatakang tumingin sa amin.


“Is there something wrong?” tanong nito sa amin.


It is You [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon