Melody Carreon's POV
"Nothing at all. I'm just waiting for Nathan, your son"
Bigla akong napatigil sa pagaayos ng gamit ko at tumingin sa kanya. "At bakit mo naman hinihintay ang anak ko?"
"Relax Melody, I'm not going to do something bad. I just wanna hand to him this toys I brought, noong araw na hinatid ko siya galing sa party ni Snow, nalaman kong he really likes cars. So, I promised to him to bring some of my cars, tutal naman marami naman ako nito eh. Kaya ibibigay ko na lang iyong iba."
Hindi ko inaakala na hanggang ngayon mahilig pa rin siya sa toy cars. Natatandaan ko dati, noong pumunta ako sa bahay nila, merong isang kwarto kung nasaan nakadisplay lahat ng mga collection niya na kotse. Kaya nga, dati, kapag birthday niya lagi ko siyang nireregaluhan ng laruan na kotse. Hindi ko alam kung nandoon pa rin sa kwartong iyon lahat ng mga niregalo ko.
"Maya maya pa iyon makakauwi. Kung gusto mo iwan mo na lang sa 'kin at ako ang magbibigay sa kanya"
"No, it's okay. I can wait. Besides, I want to give it to him personally, ako mismo"
"Sige, ikaw bahala. Maiwan muna kita ha, magluluto pa kasi ako ng lunch ni Nate"
"Sige"
Binitbit ko na iyong mga gamit ko at unti unti na akong naglakad papalayo sa kanya. Pagkapasok ko sa loob ng bahay dumiretso, nilapag ko sa lamesa sa sala iyong mga gamit ko at dumiretso na ako agad sa kusina at nagluto ng makakain ng anak ko.
Kare-kare ang naisip kong lutuin, isa kasi iyon sa favourite din ni Nate, lalo na kung may kasamang ginisang alamang. Grabe! Nagugutom ako sa mga pinagsasasabi ko ha.
Ilang minutos ang lumipas, nakaluto na ako't naihanda ko na ito sa lamesa. Kulang na lang ang mga taong kakain dito. Ng masigurado kong okay na ang lahat sa lamesa, ay lumabas muna ako ng bahay para tignan kong nandoon pa ba si Stephen. For sure, umalis na iyon. Hindi uso doon ang salitang PATIENCE eh.
Ng makalabas ako, nagulat ako ng hanggang ngayon nandoon pa rin siya. Nakaupo siya sa bench kung nasaan kami kanina habang may tinitignan sa cellphone niya. Mukhang madami na talagang nagbago sa kanya.
Pero matigas pa rin ang ulo niya, sobra! Sinabi ko naman kasi sa kanya na iwan na lang niya sa 'kin iyong paper bag na dala dala niya at ako na ang magbibigay kay Nate eh. Argh, bahala nga siya dyan maghintay.
Papasok na sana ako ulit sa loob ng bigla na naman akong pinasukan ng konsensya ko. Ang sama mo naman Melody kung hahayaan mo ang bisita mo dyan sa labas. Ays! Nakakainis naman ito oh! So, I think I have no choice kundi papasukin na lang siya dito sa loob ng bahay.
Napabuntong hininga muna ako bago ako unti unting naglakad papalapit sa kanya. Naramdaman niya siguro na may taong papalapit sa kanya kaya naman unti unti niyang inangat ang paningin niya at tumapat ito sa 'kin.
"Sa loob ka na lang ng bahay maghintay. Nandito na rin ang mga iyon maya maya"
Habang sinasabi ko iyon sa kanya, ay hindi ako nakatingin sa kanya. Ayoko kaya siyang tignan. Feeling ko kapag nakatingin ako sa mga mata niya, ay hindi ako makapagsalita ng maayos at nauutal ako.
"Hindi na, okay la---"
"Pwes hindi okay sa 'kin. Sige na sa loob ka na lang ng bahay maghintay. Huwag ng matigas ang ulo"
BINABASA MO ANG
It is You [FIN]
ChickLit[Carreon Sisters Serie #1] Meet Melody Carreon, a single mother. Kahit na sobrang pait at sakit ang idinulot sa kanya ng nakaraan, nagawa niyang kalimutan ang naakaraang masasabi niyang kinamumuhian niya. Pero dahil na rin sa tulong ng isang anghel...