Chapter 5 - Series of Unfortunate Events

13.3K 178 1
                                    

"Hijo, wake up!"

Bumukas bigla ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Lala at liwanang ng araw ang bumati sa kawawa kong mga puyat na mga mata.

"Good morning, La," bati ko habang pinupunasan ang muka ko gamit ang mga kamay ko.

Wala pa akong mumog, suklay, ligo, deodorant, shave o kahit anong hakbang para ayusin ang sarili ko. Paano naman kasi, stressed out at puyat pa rin ako dahil sa trabaho at dahil sa pagbabantay kay Lala sa gabi.

Kinuha ko ang juice sa side table para inumin pagbalik ko sa kuwarto ni Lala, pagkatapos kong mag-banyo.

"Nasaan si Inday?" tanong ni Lala.

"Wala po dito ang maid niyo," sagot ko, sabay inom ng orange juice na hawak ko.

"Hindi yung katulong natin. Yung soon to be wife mo apo,"

PFFFSSSSKKKKHHHHHH!!!

Nabuga ko yung iniinom kong juice sa gulat at napa-ubo pa ako. Kasabay noon ang panlalaki ng mga mata ko. "What? S-soon to be wife?"

"Yes, apo!" ngumiti si Lala ng pagkalaki-laki. "Hindi mo na naaalala?"

It was like on cue, nag-playback sa utak ko lahat ng nangyari at ang tinutukoy ni Lala. Mula dun sa abnormal na babae na napunta sa kuwarto namin one night, hanggang sa dali-dali ko siyang inilabas palayo. Inilapag ko sa table agad-agad yung basong hawak-hawak ko. Mahirap na. Baka kasi bigla ko pang mabitawan. Kahit kakainom ko lang, pakiramdam ko tuloy, tuyo pa rin ang lalamunan ko nang dahil sa mga salitang sinabi ni Lala.

"I'm looking forward on a formal introduction to her before you get married, okay?" sabi ni Lala ng may malambing na ngiti. Bumalik ako sa ulirat dahil sa sinabi ni Lola.

Introduction? Kanino? Sa babaeng iyon? Paano ko naman gagawin 'yon?

Inalis ko ang pinakataas na butones ng polo ko para makahinga ng mas maayos mula sa tensyon na nararamdaman ko. Ang aga-aga ito agad ang ihahain sayo. Problema agad.

"Uh- ahem! Umm... Sure, Lala." I smiled to her. I can already feel cold sweats running down my spine.

"Kelan- kelan niyo naman gustong mangyari yan?" tanong ko sa kanya. I silently hope that she changes her mind.

"As soon as possible!" sagot niya agad. "Kung puwede i-invite mo siya for dinner ngayon since idi-discharge na ako today. Siguradong papayag iyon. Sabihin mo na lang na it's a celebration dahil buhay pa din at malakas ang Lala mo ngayon. Sino ba namang soon to be Gutierrez ang tatangging makilala ang Lola ng mapapangasawa niya? Haha!"

  Napahawak ako sa ulo ko.  This is really stressing me out.  

This can't be happening. Seriously?

First, she is forcing her self acting like her usual hippy attitude kahit alam kong hindi kaya ng katawan niya at pinipilit niya lang. I saw the results of her lab tests last night before I went back to sleep and they weren't good. At kagabi ko rin narinig sa doktor niya ang pinakamasamang balita na narinig ko sa talang buhay ko na anytime I can loose her and it's only a matter of time now.

Second, why is she acting like that? She's happy because of the chance of meeting a girl na akala niya girlfriend ko? Now, what should I do?

"Uhh..." hinihintay niya ang sagot ko. Hanggang ngayon lito pa rin ako kung tama ba itong ginagawa ko but last night I made up my mind na kahit ano gagawin ko para kay Lala even if it kills me.

Ngumiti ako kay Lala. Lumapit ako sa bed at hinawakan ang kamay niya. "Sure, Lala. I'll ask her to come over tonight."

Ngumiti si Lala sa mga salitang sinabi ko. "Thank you very much, Hijo." She sniffed at pinahiran ang mga luhang lumabas sa mga mata niya.

Are those tears of joy?  I'm not very sure. Kaso ang problema ko ngayoon ay kung saan ko naman hahagilapin ang babaeng iyon? Ni pangalan niya hindi ko alam.

-------


"Inday? Is that even a name?" tanong ko sa sarili ko habang nakaupo sa hospital lobby. Minasahe ko ang temple ko para ma-relax ang sarili ko at nag-isip kung ano ang susunod kong gagawin. "Ang panget ng pangalan niya."

After a few minutes ng pag-iisip ng plano. Oras na para gawin ang first step. Lumapit ako sa reception area at lumapit sa isang nurse na busy sa pagta-type sa harap ng computer.

"Excuse me miss. Can I intervene?"

"Yes sir? How may I help-" natigilan siya ng makita niya ako. "- you?"

In an instant, she was at daze by just staring at me. It was exactly as I planned, so I smiled inside.

"I need a list of patients who obtained head injuries last few days. Can you please help me?" Tinanong ko siya.

"Uh- eh," nakatulala pa din siya at nakatitig sa akin.  "Sorry pero confidential records po kasi ang mga hinihingi niyo, Sir," nahihiya niyang sabi.

Tinignan ko siya straight in the eyes at hinawakan ang kamay niya. "Hindi ba talaga kayang gawan ng paraan?"

Namula siya sa ginawa ko at parang magha-hyperventilate sa kinauupuan niya.  Pati ibang nurses na on duty narinig kong nagbubulungan sa likuran. Lahat nililingon ako.

"Ang gwapo! Panalo!" sabi ng isang nurse sa likod.

"Oh, my God! Sana ako na lang nasa posisyon ni Mayla!" narinig kong sabi pa nung isa.

"S-sige, susubukan ko po, S-Sir..." sabi ng kausap kong nurse as her cheeks turn red.

Sweet.

I smiled secretly. Ilang minuto pa, binigyan niya ako ng papel na may nakalagay na mga pangalan, complete addresses at contact numbers.

Ito ba ang sinasabi niyang confidential? Kulang na lang i-priny niya lahat ng records sa database ng ospital. Kung sabagay ito naman ang gusto kong mangyari di ba?

Alam ko naman iyon. Alam kong bawal na kung kani-kanino binibigay ang mga records ng patient dahil doctor din ako. Ang kaso- kailangan kong matunton kung nasaang lupalop ba ang Inday na iyon para kay Lala. Nangagailangan din ako. Di naman siguro kalabisan kung gagamitin kong advantage ang muka ko di ba?

Pagtalikod ko she suddenly called my name. "S-sir!"

"Yes?" I asked. Naglabas siya ng memo pad at ballpen saka inilapit sa akin.

"C-can I have your number?" Tanong niya.

I hesitate but then I gave in after giving it a second thought. Di bale na, tinulungan niya naman ako, eh.

Kinuha ko ang pen at nagsulat ng random numbers mapagmuka lang na contact number ko ito.

"There you go." Binalik ko sa kanya ang pen at pad. "Thanks for your help. I truly appreciate it," tapos nginitian ko siya and I counted inside my head.

 Three... Two... One...

"AAAAAAAHHHH!! MY GOD!! ANG POGI!!!!!!!" sigaw ng mga babaeng nurses pati patients na nakakita ang pagngiti ko mula sa likuran.

"Thanks, Sir Andrew!" sigaw nung nurse humingi ng number ko.

I sighed.

I promise, I will never to do it again. I swear.

Well, maliban na lang kung kinakailangan ulit talaga.

Playing MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon