Chapter 10 - Marry Me

11.2K 167 1
                                    

"Will you marry me?"


Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako sa ginawa niya. Pati yung kutsarang hawak ko, nabitawan ko sa sobrang gulat.

Siraulo itong lalaking ito! Umaarte lang kami, oo alam ko! Pero bakit hindi man lang niya ako binalaang gagawin niya ito sa harap ng Lola niya? Kahit sino namang babae, totoo man o hindi, mabibigla pag-tinanong ng ganyang klaseng tanong di ba?

"Hija?" Bumalik ang ulirat ko ng tawagin ng Lola niya.

Iniwas ko ang tingin ko kay Andrew at uminom ako ng tubig pampabalik ng katinuan. "Umm..."

A-anong gagawin ko?

At sumagi sa isip ko yung sinabi sa akin kanina ng lalaking kaharap ko ngayon.

"So, here's what I need you to do. Just ride along sa kung ano mang sabihin ko sa harap ng Lola ko, okay?"

Saka ko siya tinignan ng seryoso.

Ride along? Di naman niya sinabi kung OO o HINDI ang isasagot ko sa kanya! Ano ako? Manghuhula?

Kahit kaka-inom ko lang ng tubig, pakiramdam ko tuyo pa din ang lalamunan ko. Isa pa, sobrang bilis din ng kabog ng dibdib ko ngayon. Kinakabahan ako. Para akong pagpapawisan ng dugo.

"Uhm," for the last time tinignan ko ang Lola niya.

Tinignan ko sa mga mata si Andrew. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko at ang lakas din ng tama ng lalaking ito para gawin lahat ito at ilagay ako sa ganitong posisyon.

Just ride along sa kung ano mang sabihin ko sa harap ng Lola ko, okay?

Huminga ako ng malamim at lumagok.

"Yes?" sagot ko na may pag-aalinlangan.

"YES!" nahiyaw ang Lola ni Andrew sa tuwa. "See? I told you she'll say yes!"

Ngumiti si Andrew at tumayo. Kinuha niya ang isang kamay ko at isinuot niya sa daliri ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko par itayo ako nang bigla na lang niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at...

SSMMAACCKKK!

Nanlaki ang mga mata ko paglapat ng mga labi niya sa labi ko.

Paglayo niya, nakatulala na lang ako sa sobrang gulat, namula ang buong muka ko at napahawak sa labi ko.

Hinalikan niya ako?

...

...

Tapos niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit at tumingin siya sa mga mata ko.

"I love you... I love you so much..." ang sabi niya.

Sa labas ko, nakangiti ako. Kunyari masaya. Pero sa loob-loob ko, gusto ko nag gilitan ng leeg itong lalaking ito.

ANG WALANG HIYA!!!!

Gusto kong umiyak! Gusto kong sumabog! Gusto kong magwala! Gusto ko siyang pagsasampal-sampalin hanggang mawalan na siya ng muka dahil sa ginawa niya pero hindi ko magawa dahil nasa harapan namin ang Lola niya.

IKAW NA LALAKI KA!!!! HUMANDA KA SA AKIN MAMAYAAAAAA!!!!

"Aren't you a very good-looking couple?" Sabi ng Lola ni Andrew na tuwang-tuwa na nakatingin sa amin.

"Thanks, Lala." Sabi ni Andrew at hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko.

Binulungan pa niya ako na ngumiti daw ako.

ABA!!!! EH, KUNG TULUYAN NA KAYA KITA?!!!

Kinumutan ko ng maayos si Lala. "Magpahinga na kayo, masyado kayong napagod ngayon. Baka nakakalimutan niyong hindi pa kayo magaling?"

Playing MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon