"Don't even think about backing-out," bulong ni Andrew sa tenga ko.
Napangiwi ako at di ko maiwasang mapatingin sa kanya.
Hala? Nababasa ba niya ang isip ko?
"A-ako? Huh!" tinaasan ko siya ng tingin. "Magbaback-out? H-hindi ah!"
"Good. Naninigurado lang," tapos inunahan niya ako sa paglalakad.
"Andrew, Hijo! Welcome back!" sabi ng matandang babae kay Andrew.
Lumapit si Andrew at niyakap siya, "I brought her here just like what you want," tapos ngumiti siya.
Ahh... So, marunong naman palang ngumiti itong lalaking ito kahit paano. Akala ko hindi, eh.
Ang ganda nilang tignan na magkasama. Na miss ko tuloy ang Lolo ko.
"Hija! It's good to have you here," nagulat ako nang napansin kong ako pala ang tinutukoy ng matandang babae, "Come."
"H-hello po," bati ko.
Tinignan ako ni Andrew para senyasang wag akong magpahalata na ninenerbyos ako.
Oo na. Sige na. Pero di ko pinapangako na garantisadong mapapaniwala ko ang Lola mo. Ginagawa ko lang naman ito dahil babayaran mo ako, eh. Pero one time lang ito ha!
Hinawakan ako ng matanda sa kamay. Ang init ng mga kamay niya. Parang may magic na nakakapagpa-relax. Grabeh. Ang sarap siguro maging Lola siya.
"Inday? Your name is Inday, right?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti.
"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.
"Ah- Eh hindi pa po, eh."
"Sakto! You're just in time for dinner. Halika na sa loob," sabi niya na obvious ang excitement.
"Andrew, apo," Sinenyasan niya si Andrew. "Tara na sa loob dali. Baka gutom na si Inday."
Tumango siya sa matanda at ngumiti, tapos saka niya ako nilapitan at tiningnan.
"Lika na," hinawakan niya ako sa bewang at naglakad kami papasok.
Ang laki ng bahay nila grabe. Nakakamangha. Yaman kung yaman ang batayan. Yung sahig nila parang nakakahiyang tapakan. Ang linis-linis kasi sobra.
"Feel at home, Hija," sabi ng Lola niya.
"Sabi ni Andrew busy ka daw kahapon kaya hindi ka nakapunta," sabi ng Lala ni Andrew. "Pasensya na kung biglaan at wala man lang akong pasabi pero buti na lang at nagkaroon ka ng time ngayon."
Kumakain kami ng hapunan sa pagkaputi-puti nilang dining table. Hindi ko nga alam kung anong tawag dito sa kinakain ko, eh. Basta masarap siya. Masarap siyang isuka. Kaya nilalaro ko na lang ng tinidor.
Di naman sa maselan ako sa pagkain pero ang pangit talaga ng lasa ng nakahain ngayon sa harap ko. Hindi na rin ako nangahas pang magtanong kung ano ba ang taeag dito.
"Sorry po, La. Late na po kasi sa akin nasabi ni Andrew na gusto niyo po pala akong makilala," tinignan ko si Andrew.
Natawa ako sa expression ng muka niya dahil alam niyang ipinapasa ko sa kanya lahat ng sisi.
"So, ano nga palang ginagawa ng family mo for business?" tanong ni Lola sa akin.
"Uhm..." napakunot ako ng noo at napakagat ng labi.
Ano bang isasagot ko sa tanong niya? Deads na po sila?
"They are doing a clothing line business, La." sagot ni Andrew.
Napangiti ako sa loob ko. Ahh... sabi nga pala niya siya na ang bahala sa lahat, sasakay na lang daw ako sa mga sasabihin niya. Ayos. Presensya ko lang pala ang kailangan dito.
"Really?" at tinignan ako ni Lala na parang na-amaze siya sa narinig niya.
"Opo," tumango si Andrew. "Nagsisimula pa lang ang business nila kaya hindi pa masyadong kilala."
"Oh? Edi kung ganoon- why not merge with our company?" tanong ng matanda sa akin. "Sa ganoong paraan mas bibilis ang magiging paglago ng kumpanya ninyo."
Tinignan ko si Andrew.
Hoy, lalaki! Dahil sinimulan mo, tapusin mo!
"La," sabi ni Andrew. "Hindi naman po porque may relasyon kami dapat pati mga negosyo ng mga pamilya natin magka-kabit na rin. Right, babe?" ngumiti si Andrew sa akin at hinawakan niya yung kamay ko.
Sa ginawa niya, napa-ubo ako sa gulat habang kunyari ngumunguya pa ako ng pagkain.
Tinignan nila akong dalawa.
Si Andrew naman, hinimas pataas baba ang likuran ko para mawala yung samid ko. "Hey, are you okay?"
Tumango na lang ako. "O-oo! Ahem! Ahem!" saka ko kinuha yung tubig para uminom.
Babe? Tinawag niya akong BABE? Anong tingin niya sa akin? Baboy?! Kakapanood ko pa lang naman kagabi ng "Babe the Pig in the City"!
Sobrang relax lang ang itsura niya. Hindi halatang nagsisinungaling lang siya sa bawat salitang sinasabi niya.
Hindi tulad ko na kulang na lang aminin ko na lang sa Lola niyang hindi totoo na mag-on kami gaya ng kanina pa sinisigaw ng mga kilos ko.
"Alright. May point ka diyan apo," uminom ng tubig ang Lola niya. "But aren't you forgetting something?"
Ngumiti ang Lala niya.
Nagkatinginan silang dalawa ni Andrew ng ilang sandali. Tumayo siya at lumakad palapit sa akin. Di ko tuloy maiwasang magtaka.
Huh? Anong meron?
Sinubukan kong hanapin ang mga sagot sa mga mata niya pero wala- wala akong nakuhang kahit konting hint.
Tumingin ako sa Lola niya at nakita kong nakangiti siya aming dalawa.
Ano bang nagyayari?
Napatakip ako ng bibig sa gulat sa mga sumunod na ginawa niya. Kinuha niya ang isang maliit na kahon sa bulsa niya, saka lumuhod sa harap ko at binuksan ang kahon ng singsing.
"Babe," sabi niya habang nakatingin siya sa akin.
OH MY GOD!!!! ANONG NANGYAYARIIIII!!!!!
Bigla na lang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Tumingin siya ng seryoso sa mga mata ko pero uung akon, nanlaki habang nakatingin sa kanya.
"Will you marry me?"
BINABASA MO ANG
Playing Married
RomanceShe needs his money just as much as he needs her to save his ass. Author's note: This is not, in anyway, based on the movie, 'Bride for Rent'. This story was completed way back May of 2012, published numerous times on Wattpad and have been deleted f...