Kanina pa bumabaha ng laway sa loob ng sasakyan dahil dito sa babaeng natutulog sa tabi ko. Nakakainis pero kailangan kong tiisin. Wala naman kasi akong ibang pagpipilian.
Alam kong kamumuhian ako ng Inday na ito, but there's no turning back for me now that I already have her wrapped around my finger. Salamat na lang talaga sa malaking utang niya.
Akalain mo posible palang magkaroon ng more than a million debt ang isang kagaya niya?
Saan naman kaya niya ginamit ang ganun kalaking pera? Hindi kaya drug lord ang babaeng ito, o kaya pusher, or user?
Hay, ewan ko. Nasa muka naman niya ang ebidensyang all of the above ang sagot sa tanong ko.
Wala na akong pake kung ano mang klaseng tao siya, basta ang mahalaga ay ang kooperasyon niya para maisagawa ang mga bagay na dapat kong gawin.
Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip ng mg pwedeng mangayari sa mga susunod na araw nang bigla na lamang napasandal ang ulo niya sa balikat ko.
Napakunot ako ng noo at tinulak ko siya palayo sa akin gamit ang mismong braso ko kung saan nakapatong ang ulo niya.
Booog!
Umugong pa sa loob ng sasakyan ang malakas na tunog ng pagtama ng ulo niya sa salamin. Hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagtulak ko pero nakapagtataka lang kung bakit hindi man lang siya nagising.
Kahit tulog siya, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit panakaw ko pa siyang sinusulyapan ng tingin. Siguro baka ayaw ko lang na mahuli niya akong nakatitig sa kanya kapag bigla na lang niyang imulat ang mga mata niya?
Hay nako, sira ka Andrew! Nagdra-drive ka kaya! Go on and keep distracting your self nang makita mo ang hinahanap mo at di ka n makarating sa pupuntahan mo ng buhay!
I sighed in dismay of myself again until something caught my attention from the corner of my eyes. Nanlaki ang mga mata ko nang may mapansin ako sa balikat ko. Without me noticing, I took my eyes off the road to glare at her.
Darn it! Nilalawayan na niya ang polo ko! Ang dugyot talaga ng babaeng 'to!
I was then again, rattled when a loud honking sound filled my ears.
BEEEPPPP!!! BEEEEPPP!!!
Ibinalik ko agad ang paningin ko sa kalsada at halos malaglag na ang puso ko nang mapansin kong wala na pala sa tamang lane ang kotse ko.
Kumanan ako agad at buti na lang hindi nagbungguan ang kotse ko at ang kotseng kasalubong ko.
"GAGO! Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw nung driver habang palayo kami s isa't-isa.
Napabuntong hininga ako at tinignan ulit ng masama ang babaeng katabi ko pero sa pagkakataong 'to, mula sa rear view mirror na lang.
Tignan mo nga siya. Muntik na kaming maaksidente pero ang sarap pa din ng tulog! Mas masahol pa sa mantika kung matulog!
Hindi na siya nakadikit sa akin kaya nakapagmaneho na ako ulit ng maayos. Wala pang limang minuto, umikot ulit siya at hindi lang sumandal sa akin. Niyakap pa niya na parang unan ang braso ko.
I can't help but yell at her. "Oy! Ano ba! Bitawan mo nga ako!"
Inalog ko siya pero mas humigpit lang ang hawak niya sa akin at mas lumapit pa ang ulo niya sa muka ko.
"I said let go!"
I looked at her sleeping form from the rear view mirror.
Ang sarap talaga ng tulog niya. Nakakabuwisit.
BINABASA MO ANG
Playing Married
RomanceShe needs his money just as much as he needs her to save his ass. Author's note: This is not, in anyway, based on the movie, 'Bride for Rent'. This story was completed way back May of 2012, published numerous times on Wattpad and have been deleted f...