Chapter 7 - Say Yes

12.9K 158 2
                                    

"Can you act?" tanong niya.

Nandito ako ngayon at nakaupo sa isang mamahaling restaurant na sa totoo lang ay hindi ko alam kung saang lupalop.

"Ha?" natigilan ako dahil sa tanong niya at tinignan ko na din siya sa mga mata.

"I'm asking you if you can act." kinuha niya yung kape na nasa harapan niya at saka uminom nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Hitsura pa lamang ng pananamit niya, tindig, pati pagkapino ng bawat kilos niya, alam na alam mong galing siya sa mayamang pamilya. Pamilyang malayo sa estado ng buhay na meron ako.

Teka sandali. Ano nga uli ang sabi niya?  'Act' as in arte? Hmmm... umekstra na ako sa pelikula dati bilang taga-serve ng kape bilang raket. Oo, pwede na siguro iyong ganun.

"Oo," sagot ko.

"Then are you willing to work for me?"

Work? As in trabaho?

"Eh, ano namang klase?" tanong ko.

"Act as my girlfriend until I say so."

"ANO?!" napasigaw ako.

Lahat ng tao napalingon sa direksyon ko.

"Can you please keep it down?" ang sama na ng tingin niya sa akin ngayon. Kahit hindi niya sabihin alam kong nahihiya na siyang kasama niya ako.

"A-anong sinabi mo?" inilapit ko yung muka ko sa direksyon niya para bumulong. "Nagkamali ata ako ng dinig."

"Ang sabi ko magpanggap kang girlfriend ko." inulit niya na parang mentally retarded ang kausap niya.

"OH MY GOD!" tinakpan ko ang bibig ko.

Lahat nang mata sa loob nh resto napatingin sa amin pati na ang mga staff.

"Ssshhhh!!!!" nagsalubong ang mga kilay niya. "Tumahimik ka nga!"

Gusto kong mag-react pero hindi ako maka-react. Tinignan ko siya na para na siyang nababaliw.

Kung sabagay baliw na itong taong ito. Walang matinong tao ang makakagawa ng ginagawa niya ngayon.

"Is there a problem, Sir?" mukang manager ata yung nagtanong.

OO MERON! ITONG LALAKING KAHARAP KO!

"N-no! Nothing." umubo siya at ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "We're sorry."

"Oh, okay." sabi ng manager na nagaalinlangang umalis. "Just call me if you need anything, Ma'am, Sir."

Pagtingin ko sa mga ibang tao sa restaurant tinitignan pa rin nila kami. Kasalanan kasi netong mokong na to, eh!

"Ano? Pumapayag ka ba?"

Inilapit ko ang muka ko sa muka niya para bumulong, "Adik ka ba?"

Hindi nag-iba ang seryosong expression ng muka niya.

"Baliw ka ba?" tanong ko uli pero tinignan niya lang ako.

"May sapal ka sa utak?" hindi pa rin niya ako kinibo.

"Kakalaya mo lang sa mental?" kumurap lang siya at pinandilantan ko siya lalo ng mga mata.

Mga ilang segundo lang kaming face to face pero sumuko na rin ako agad kasi nangawit na yung leeg ko kaka-extend na parang turkey.

"Pumapayag ka ba?" tanong niya uli.

Ay, nako! LORD! GIVE ME THE STRENGTH TO CARRY ON!

"P-pero- bakit?" tinanong ko siya ng seryosong-seryoso.

Playing MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon