Chapter 6 - Who is He

12.2K 167 4
                                    

Hindi mo makukuha ang abo ng Lolo mo hanggang 'di mo nababayaran ang utang mo! Naiintindihan mo?

"Tanghaling tapat bakit nakabusangot yang muka mo?" tanong ni Julius habang nakaupo ako sa lupa at nakapangalumbaba.

Ilang araw na din mula noong lumabas ako ng ospital dahil sa pagkaka-untog ko ng malakas. Buti na lang matigas ang ulo ko kaya hindi ako natuluyan.

Noong naka-confine pa ako sa ospital, hindi ko man lang nalaman na pina-cremate pala ang bangkay ng Lolo ko nung matabang babaeng pinagkakautangan namin ng malaki. Kinuha niya si Lolo at tinago para sigurado daw na hindi ko siya tatakasan at magbabayad ako.

Pwede ko na bang kasuhan yun ng hostage taking kahit abo na lang si Lolo?

Ang daya naman kasi. Patay na nga si Lolo tapos ganito pa ang nangyayari. Kawawa naman ang Lolo ko.

Paano ko gagawan ng paraan ito? Kahit siguro bente kwatro oras akong magtrabaho at di kumain sa loob ng isang taon hindi pa rin sasapat para maka-ipon ako.

"Sino ba namang hindi magiging ganito?" buntong hininga ko. "Nawalan na nga ako ng Lolo, may problema pa akong ganito kabigat. Pati pa itong bahay namin kinuha din nung babaeng yun masigurado lang nababayaran ko siya. Ang sama niya."

Tinignan ko ang pintuan ng bahay namin na kasalukuyang naka- kandado. Di ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga uli.

"Inday," napalingon ako kay Janice. "Pwede ka naman sa bahay namin pansamantala. Kahit forever pa nga, eh! Malaki-laki rin naman ang bahay namin ang kaso luma nga lang."

"Di na, Janice. Ayoko nang guluhin pa kayo. Magagawan ko na ng paraan ito."

"Sino pa bang magtutulungan? Tayo-tayo din di ba?" sabi ni Julius.

"Ang gusto ko na lang ngayon eh- mabawi ang abo ng Lolo ko sa kahit anong paraan."

"Inday-"

Hindi natuloy ang sasabihin sana ni Julius nang biglang may nagpark na magarang itim na kotse sa harapan namin. Deadma lang ako ang kaso biglang tumili si Janice.

"BEST! FRESH MEAT at 9 o'clock! OHMAGHAD!"

"Ha?" tanong ko.

Hinawakan niya ang ulo ko at iniliko sa direksyong sinasabi niya.

Sa kotseng itim bumababa ang isang lalaking naka-gray shirt at black shades.

"Yummy!" sabi ni Janice.

Oo nga. May hitsura. Ang tikas pa ng tindig. Pero... bakit parang nakita ko na siya?

"HALA BEST! PAPALAPIT DITO SI SUPER HOTTIE!" sabay yugyog ni Janice sa akin. "AAAAAAHHHHHH! Ano? Maganda ba ako? Sexy ba ako? Okay na ba buhok ko?"

"A-aray!" sinubukan kong alisin yung makadurog buto na hawak ni Janice sa akin pero di ako nagtagumpay.

Hanggang sa pagtingala ko, nakita ko na lang yung lalaking tinitilian ni Janice na nasa harapan namin.

"Excuse me," sabi niya.

"Englishero," sabi ni Julius sa akin. "Ikaw na kumausap diyan! Di ko kayang banggain yang mga ganyan."

Tinignan ko siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Do you know any Inday here?" sa tono niya mukang importante ang pakay.

Walang sumagot ni isa sa amin. Nagtitigan kaming tatlo at kahit walang nagsasalita sa amin... alam kong iisa lang ang nasa isip namin.

Ano kayang kailangan ng lalaking ito sa akin?

Playing MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon