Chapter 17 - Fine

10.1K 149 2
                                    

"AAAHHHH!!! Bitawan niyo nga ako!"

Isa-isa kong pinagpapalo ang mga kamay na pinagtutulungan akong hawakan.

"Wag ka nang lumaban." Sabi ni Andrew mula sa likuran ng pintuan ng kuwarto. "Para namang mananalo ka sa anim na yan?"

Kung may kakayahan lang akong kumitil ng buhay gamit ang isip kanina ko pa ginawa iyon sa Andrew na to.

"TULONG! TULONG! KUNG SINO MANG TAO ANG NAKAKARINIG SA AKIN! TULONG!!!!!!!"

At hinampas ni Andrew bigla ang pintuan para mapatahimik ako. "Pwede ba wag ka ngang maingay?!"

"Miss, wag ka nang malikot. Lalagyan ka na namin ng make-up." Bigla intake ng isang babaeng may brush ang pisngi ko.

Tinulak ko siya papalayo. "AAAHHH!!! LUMAYO KA SA AKIN!"

Tapos may isa na namang babae ang humawak sa mga braso ko para pigilan akong makagalaw.

"Pag-ayaw madala sa paki-usapan, daanin niyo sa paspasan." Sabi ni Andrew mula sa labas.

"Aba't itong lalaking ito! Walang hiya! WALANG HIYA KA TALAGA!!" Sigaw ko.

Nakakainis! Kung may nakakakita lang siguro sa akin ngayon, malamang kanina pa nila ako binuhusan ng nagye-yelong tubig dahil kanina pa ako umuusok sa galit.

"Pasensya na Ma'am, trabaho lang po." At naglabas ng malaking gunting ang babae.

Nanalaki ang mga mata ko at napatingin ako sa hawak niya."A-anong gagawin mo?"

Walang anu-ano, hinawakan niya ang t-shirt ko at ginupit para lang maalisan ako ng damit.

"AAHHHH!!! TUULOOONGGG!!!!" Montik na akong maputukan ng ugat sa lalamunan sa lakas ng sigaw ko.

"Suotan niyo na ng gown dali!" Sigaw ng isa pang babaeng nakasalimin sa mga kasama niya.

"HINDEEE!!! AYOKO!!! AYOKONG MAGPAKASAL!!! AYOKOOOO!!!"

-------

Kanina pa ako nakatayo sa harap ng pintuan ng kuwarto kung saan inaayusan ng make-over team na hinire ko yung babaeng iyon. Alam kong magiging mahirap ang gagawin ko pero sana- sana lang magtagumpay ako.

Ang kaso... nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at lumabas si Inday ng naka-black jacket at pajamang suot din niya kanina nang sunduin ko siya.

Galit na galit ang muka niya at alam kong sa oras na hinayaan kong makalabas siya ng pintuan ng kuwartong ito- tapos ang maliligayang araw ko dahil malalaman ng Lala kung ano ang totoong nangyayari.

"Where are you going?" Tinanong ko at hinatak ko ang braso niya para mapigilan siya.

Mga nanlilisik na mga mata ang isinagot niya sa akin at sinamahan pa ng mga salitang, "Uuwi na! Hindi pa ba halata?"

Paglingon ko sa kuwartong pinaggalingan niya, nakita kong nakahiga lahat sa sahig ang mga taong binayaran ko para bihisan siya. Ibang kalse. P-paano niya nagawa yun?

"PWEDE BA? BITAWAN MO NA AKO?!!" sigaw niya sa muka ko, sabay alis ng kamay ko sa braso niya.

"Listen!" I yelled behind her. "Magpanggap ka lang na asawa ko at magpakasal sa akin. I swear there will be no strings attached. Peke ang documents ng magiging kasal natin pati na ang pari. So in the eyes of the law and in the eyes of God, hindi tayo magiging mag-asawa. After a couple of months, pwede nating sabihin na our marriage didn't work out o kaya kumuha tayo ng kunyaring annulment. Just tell me kung magkano ang gusto mong bayad. I swear, basta magpanggap ka lang. I'll do anything just to make you agree to this."

Playing MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon