Hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak ko.
"Inday." Ang sabi ni Julius habang sinusubukang patahanin ako. "Relax lang. Magiging okay din ang Lolo mo."
"Oo nga Inday. Wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano," sabi ni Janice.
Gusto kong maniwala sa mga sinasabi nila. Gustong-gusto. Pero bakit may kung ano sa dibdib ko na hindi mapakali kahit anong style ng pagpapaniwala sa sarili ko na magiging okay rin ang lahat.
Paglabas ng doktor sa emergency room automatic na napatayo din ako at napatakbo sa harapan niya.
"Doc? K-kamusta na po ang Lolo ko?" tanong ko sa kanya na nanginginig pa ang mga kamay.
Please, sabihin niyo pong okay lang ang Lolo ko.
Lord! Kahit ilang manok gigilitan ko ng leeg at iaalay ko sa inyo wag niyo lang pong kunin ngayon ang Lolo ko please!
Hindi makatingin ng diretso sa akin ang doktor. Wag mong sabihing-
"Sorry hija. Wala na ang Lolo mo."
Halos three hours na akong naghihintay sa labas ng emergency room. Sanay na ako sa mga emergency situations pero hindi sa ganitong posisyon. Madalas kasi ako ang nasa loob ng operating room at nagsasalba ng buhay. Ibang-iba talaga kapag ikaw ang kailangang umupo sa bench na katabi ng pintuan ng ER.
Paglabas ng doktor napatayo ako agad at lumapit sa kanya.
"Doc? Ang Lola ko po? How is she?"
Okay lang. Alam kong okay lang siya. Pero ang gusto kong malaman ay kung anong nangyari at nagcollapse siya at ano na ang lagay niya ngayon.
Halata ang frustration sa muka ng doktor.
No. Ayokong mag-isip ng masama dahil sa totoo lang hindi ko matatanggap kung mawawala ng basta-basta si Lala.
"You can relax now, Hijo. She's okay for now. She had a heart attack but she's stable now."
I sighed in relief.
BINABASA MO ANG
Playing Married
RomanceShe needs his money just as much as he needs her to save his ass. Author's note: This is not, in anyway, based on the movie, 'Bride for Rent'. This story was completed way back May of 2012, published numerous times on Wattpad and have been deleted f...