Chapter 18 - How To Share

10.3K 158 5
                                    

Alas singko na at kumakaripas na ako papunta ng chapel ng resort nila Andrew, ang bestfriend ko. Siya yung kaninang nag-iwan ng message sa phone kaya dali-dali akong pumunta dito. Malas lang dahil naabutan ako ng traffic sa isang kalye kaya heto't humahabol ako bago pa magsimula ang ceremony habang inaayos ang gray suit na suot ko.

Sino ang best friend ko? Si Andrew lang naman. Haha!!

Si Andrew- ang childhood friend, slash best friend, slash halos kapatid ko na.

Sa Mexico kami unang nakakilala- did I mention na business partners ang parents namin nila Andrew kaya puwersado kaming pakisamahan ang isa't-isa noon? Well, kung hindi pa edi ayan, sinabi ko na.

Hindi kami magkasundo noong una- masyado kasing cold si Andrew at ang gusto niya lagi siyang mag-isa at ginagawa ang lahat ng sarili niya lang.

Ako naman gusto ko ng friends ang kaso nilalayuan nila ako dahil ang gusto ng mga parents kong maging kaibigan ko ay mula din sa high class na pamilya. But then, we found companionship on each other noong one time na iniwan kami ng parents namin sa isang horse riding club at tinakasan naming ang mga bodyguards namin. Nakakita kami ng lake and I went for a swim.

Pinulikat ako at nalunod. Akala ko katapusan ko na but Andrew saved me kahit sinabi na niya sa akin na "Pag napahamak ka papanoorin lang kita."

Since that day naging close na kami at sinabi ko sa sarili ko na hindi naman siya masama. May puso ang lahat ng tao kahit hindi halata.

Nung lumipat siya ng Pilipinas noong bago kami mag-high school I was left in Mexico. Lumipat na ako sa Pilipinas to study for college kasama si Andrew.

Tapos, I started my career in modeling and showbiz after that. Nagulat na lang ako nang biglang nagkaroon ako ng demands sa ibang bansa at na acquire ko ang pagiging international star.

Yan ang dahilan kung bakit kahit nasa iisang bansa na lang kami nahihirapan pa rin kaming mag-meet dahil sa dami ng ginagawa namin perho lalo na't doktor din siya.

Hassle magpa-sched kasi bigla-bigla na lang maca-cancel lalo na pag may emergency situations na kailangan siya. Kaya this is an opportunity to grab lalo na't importanteng araw din ito para sa kaibigan ko.

Pagpasok ko ng simbahan nakita ko si Andrew na nakatayo na sa harapan. Ayos! The fun isn't on yet!

Tinapik ko si Andrew sa likuran at napangiti kaming dalawa.

"Akala ko hindi ka makakarating sa oras." Sabi niya.

I smiled to him even wider. "Ako pa magpapahuli? Never! Nagkatraffic lang sa isang road na nadaanan ko kaya medyo late ng konti."

Napansin kong kinakabahan siya kaya bumulong ako sa tenga niya.

"Pare, alam kong natural lang na kabahan ka pagikakasal pero wag mo naman masyadong ipahalata, nagmumuka kang nata-tae, eh. Yung kagaya sa Paris. Haha!"

"Haha. Stop making fun of me. Ang sabihin mo kaya ka late ngayon dahil sa babaeng nagugustuhan mo."

Grabeh, di talaga siya mabiro kahit kelan! Hehe!

"I'm telling the truth! Natraffic nga ako kaya wag kang magselos diyan." Sagot ko. "Akala ko talaga hindi ka na maka-get over kay Gabby. Nakakagulat ka naman dahil di mo man lang sinabi na nagka-girlfriend ka na ulit."

"..." Napansin kong naging seryoso ang muka niya.

"So this time, sigurado ka na talaga dito right?" Nginitian ko siya. "Who ever this girl is... you love her more than Gabby that's why you're marrying her right?"

"Yeah." Sagot niya.

I see. Hindi naman haharap ng dambana itong tsong ito kung hindi niya mahal ang babaeng pakakasalan niya, eh. Kahit hindi ko pa kilala kung sino man siya- alam kong mabuti siyang babae at mahal niya rin ang kaibigan ko kagaya ng pagmamahal sa kanya ni Andrew.

Playing MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon