Chapter 14 - Doomed

10.5K 151 3
                                    

"Andrea! Okay ka na?" Sigaw ni Lloyd.

"H-hindi pa! Teka wag niyong bubuksan ang kurtina!" Sagot ko.

Nakakainis naman kasi. Sabi niya magmo-model lang at picture-picture lang ang gagawin kaya pumayag akong magpadala dito! Kaso hindi naman kasi niya sinabing ganito pala ang kailangang isuot! Nakakahiya!!

Biglang bumukas ang curtain ng fitting room kung nasaan ako.

"AAHHH PALAKA!!!" Napasigaw ako sa gulat. Buti na lang mabilis ang kamay ko at natakpan ko agad ang sarili ko gamit ang damit na kanina lang ay suot ko.

"Okay na siya, Lloyd." Sabi nung babaeng biglang nagbukas ng kurtina ko.

Tumingin sa akin yung babae, "Miss, labas na po magsisimula na tayo."

Tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan.

HALLLAAA!!! Magsisimula na dawww!!!!

--flashback--

"Lloyd? Ang aga mo ngayon, ah!" Sabi ng isang lalaking nakasalamin na may hawak na camera.

"Magpasalamat ka sa kanya." Sagot niya sa lalaki at ngumit si Lloyd ng malaki sa akin.

Napatingin yung Dudesy sa akin at nagtanong. "And who is she?"

"Kaibigan ko." Sagot ni Lloyd. "Siya ang gagawin kong partner ngayon, Dudesy. Okay lang naman di ba?"

"P-pero si Samantha kasi nandito n-"

"Dudesy?" Tinignan ni Lloyd ng naka-simangot yung lalaki.

"Fine! Kahit wag mo ng sabihing please!" Bigla niyang inisnap ang fingers niya. "Hija! Lapit dito!"

Tinuro ko ang sarili ko. "A-ako po?"

"Pwede rin? Gusto mo?" Ang sarcastic ng tono niya. Obvious na ayaw niya sa akin. Nagtatanong lang naman ako para malinaw ang usapan. Di naman niya kailangang tarayan ako di ba?

Kaya, lumapit na din ako.

"Ikot." Utos niya.

Umikot ako ng slow motion. Nakita kong natatawa si Lloyd sa akin pero sinubukan kong wag na lang pansinin kahit hiyang-hiya na ako sa balat ko.

"Tingala!"

Tumingala ako.

"Yuko."

Yumuko ako.

Ano bang ginagawa namin? Para na akong sira.

"Smile."

Ngumiti ako.

"Angry face!"

Naggalit-galitan ako.

"Sad face!"

Nag-emote ako.

"Koala face!"

"Ha?!"

"Hahaha!" Tumawa ng malakas si Lloyd.

At nakaramdam na ako.

Sabi na, eh. Dapat di na ako sumama sa kanya. Parang dinala niya lang ako para pagtripan. Sus!

Ngayon, totoong simangot na ang nakaburda sa muka ko.

Maka-alis na nga.

Lalakad na sana ako palayo nung bigla na lang nagsalita yung, Dudesy.

"You're in! Bihisan na yan!" Sabi niya. "Samantha bumalik ka na lang bukas. Bukas ka na lang pi-picturan okay?"

"But Sir D!" Nakita kong sumimangot ang isang babaeng maganda sa gilid.

Playing MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon