"Inday! Gising!" Narinig ko ang boses ni Julius.
"Umm...? Ayoko!" Tinalukbungan ko ang sarili ko ng kumot.
"Inday! Andito yung babaeng pinagkaka-utangan mo. Gising na!"
"Ano ba?" Sinandwich ko ang ulo ko gamit ang dalawang unan. "Wala akong utang. I'm free!"
"Sira! Gumising ka na! Andit-"
BHHAGHHH!
Bumukas bigla ang pintuan ng kuwarto na tinutulugan ko sa bahay nila Julius.
"Hoy! Babae!" Sigaw ng pamilyar na boses ng babae. "Magbayad ka na ng utang mo kung hindi-!"
At bumukas ng kusa ang mga mata ko.
D-di ba yun yung...?
Inalis ko bigla ang lahat ng nakataklob sa akin at napatingin sa kung sino man ang umabala sa matiwasay kong pag-tulog.
Speaking of the fat devil. May hinihithit pa siyang sigarilyo at naka-amba sa pintuan na parang handang-handa siyang ipachop-chop ako ng buhay sa mga tagatinda ng barbeque sa baba.
Ang ganda naman ng umaga ko.
"Julius! Bakit pinapasok mo dito?!" Tanong ko sa kanya.
Gulo-gulo pa ang buhok ko at may natuyong laway pa ang pisngi ko.
"Eh- pumasok na lang bigla! Anong magagawa ko? Ikaw ba naman dambahan ng biglaan makakalaban ka pa kaya?!"
Nanlilisik yung mga mata ni Aling Pacita, pangalan nung matabang babae na pinagkaka-utangan ko.
"Asar naman, oh!" Binato ko si Julius ng unan.
"Mag bayad ka na!" Sigaw nung babae habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin.
"Wa- wala pa po akong pera!" sagot ko sa kanya at kinuha ko yung unan ko.
Barricade!
Binarikadahan ko nang mga unan ang paligid ko para hindi siya makalapit.
Pero biglang sumagi sa isip ko yung perang kinita ko nung nakaraan kasama si Lloyd. Bentemil din iyon at malaki-laki na ding halaga.
Alam kong kulang pa pambayad ng interes ito pero- bahala na!
Inilabas ko yung envelope mula sa drawer na katabi ng kama ko.
"Eto po pala! Pasensya, bagong gising lang, eh." Iniabot ko sa kamay niya at dali-dali niyang hinablot ito.
"Ano? Ito lang?" Mas lumaki lalo ang mga mata niya.
NYAY! KATAKOT! ANG PANGET NIYA TALAGA!
"Pumunta ako dito para makuha ng buo ang bayad mo kaya bibigyan mo ako ng ganitong halaga lang?"
Nila-lang niya lang ang twenty thousand pesos? Grabe siya! Hindi naman basta-basta napupulot ang ganyang halaga ngayon, ah?!
"Wala na po akong pera!" Pagkasabi ko hinugot niya bigla ang buhok ko at kinaladkad ako palabas ng bahay nila Janice at Julius.
"Aray!" Sinubukan kong alisin ang pagkakahugot ng kamay niya sa buhok ko.
Halos lahat ng tao napatigil para makiusyoso sa nangyayari. Grabe! Ni hindi man lang ako tulungan?!
"Masakit po! Aray!" Mas hinigpitan pa niya ang kapit sa buhok ko. "Bitawan niyo po ako!"
"Bibitawan kita pag binayaran mo na ako ng buo ngayon!" Sigaw nung manang Pacita.
"Wala na nga po akong pera! Ang kulit niyo!"
"Edi! Uubusin ko itong buhok mo!"
Niyugyog niya ng niyugyog ang napakasakit ko ng ulo.
BINABASA MO ANG
Playing Married
RomanceShe needs his money just as much as he needs her to save his ass. Author's note: This is not, in anyway, based on the movie, 'Bride for Rent'. This story was completed way back May of 2012, published numerous times on Wattpad and have been deleted f...