Chapter 2- Lisa

278 8 2
                                    

Ako si Lisa-- simple, karinyosa at bungisngis. Sanay na ako sa payak na pamumuhay. Si Nanay nagtitinda ng kakanin sa tapat ng paaralan namin tuwing recess at sa hapon naman, nag-a- alsa balutan siya sa kabilang kanto doon naman sa paaralan ng mga mayayaman. Parang Mara-Clara ang drama ano? Pero buti na lang walang Clara sa buhay namin at ang Tatay talagang pinakamabait na ama sa lahat. Ang masaklap nga lang napagbintangan siyang pumatay sa boss niya kaya ayun nasa bilangguan ng dalawampung taon. Labinlimang taon na lang at lalaya na siya. Ay!!! Tagal pa pala non. Kaya ang nanay, ina na , ama pa sa buhay naming 3 magkakapatid. Panganay ako sa tatlo. Ang sunod sa akin ay si Lester at ang bunso ay si Daniel. Ayaw sana ng nanay na magtrabaho ako pero pinilit ko siya para makatulong at makaipon din ako. Magka-college na kasi ako sa susunod na pasukan. Kaya naman namasukan akong Internet Cafe assistant tuwing Biernes, Sabado at Linggo malapit sa Blue Ridge School. Ito yong sinasabi kong school ng mayayaman.

Simple lang kaligayahan namin. Pagkatapos kumain ng hapunan at gumawa ng homework, manonood ng paboritong teleserye sa bintana ng bahay ni Aling Choleng, matutulog na para pumasok kinabukasan. Umiiba lang yata ang daloy ng buhay pag may birthday kasi alam ko ang nanay magluluto yan ng pansit o spaghetti at minsan punta kami ng park para magpahangin. Tuwing Pasko naman, bumibisita kami sa tatay.

Kaya ako, kahit na ano kasalat kami sa lahat ng luho, naging maganda ang pananaw namin sa buhay. Tawag ng mga kaklase ko sa akin nga bungisngis at tigasin kasi di ako patatalo sa mga mayayaman at maaarte. Ang mga lalaki sa school, di umaalma sa akin kasi sinisindak ko sila. Kaya ngayon wala masyadong nagkakamaling manligaw kasi tingin ko sa kanila lahat--utol! Ekanga ako, one of the boys lang.

"Lisa, andon ka ba sa internet cafe mamaya?", tanong ni Rod habang hinahabol ako. Palabas na kasi ako ng school.

"Didiretso ako ngayon don at hanggang alas nuebe ako.Bukas at Linggo, 9-5 ako. Bakit?"

"E kasi", may dinudukot siya sa bulsa niya at kinuha ang flash drive, "ito o-- project ng grupo natin. Kung may time kang i-print. 35 pages yan, puede ba?"

"Puedeng-puede kaya lang, nagtatrabaho lang ako don. Hindi ko pag-aari ang printer at saka yong tinta ng printer. Kailangan nyo pa ring bayaran yong print services. Tingnan ko kung pueding magdiscount."

May dinukot siya uli sa kabilang bulsa, "Ito o, kasya na ba ang singkwenta. Yan lang ang kaya ng grupo. Baka gusto mo na rin i-proofread nang konti kaya di ka na namin singilin ng contribution mo."

"Okay", kinuha ko ang flash drive at ang pera.

"Sige salamat, Lisa."

Yan si Rod-- kababata ko since Grade 1. Mabait naman siya at naging kalaro ko noong maliliit pa kami pero parang nalason din yata ng mama niya ang utak niya sa pagiging matapobre. Ang nakakatawa lang ay mayaman ang kanyang madrasto pero sa public school pa rin siya nag-aaral. Pero ayun naman sa sabi niya, tatapusin na lang niya ang high school at saka na mag-college sa magandang kolehiyo. Ganyan naman kaming lahat sa school, halos magkakakilala mula noong bata pa kaya minsan nakakasuka rin ang pagmumukha namin sa isa't isa. Hahaha

Minsan, naiisip ko, kelan kaya magkaroon ng konting "twist" ang buhay ko? Yong maganda. Ang huli yatang twist ay yong bumaha sa lugar namin at kailangan naming tumira sa school at syempre walang pasok ng isang linggo. Ayoko ng ganoong "twist". Kaya ako'y nangarap na lang sa bituin sa langit--- sana naman......sekret yun kaya di niyo mababasa dito. (wink wink)

Habang papauwi ako nang gabi noon galing sa trabaho, nakita ko yong kumukuti-kutitap na mga ilaw sa Blue Ridge School. Prom Night pala nila. Maki-usyuso nga. Minsan, napag-isip isip ko rin kung paano kaya kung iba yong buhay ko at sila yong mga kaklase ko. Para akong timang na umupo doon sa may lobby nila at bigla na lang nakasaksi ng isang drama......

Tale of Two TeenagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon