Chapter 6 - Vacant Time

203 5 1
                                    

Vacant time---masaya! Chika-chika-- wala na yatang hihigit pa sa kakadaldalera ni Tanya. Madaldal din ako pero ibang klase siya. Parang manok na naghahanap ng kanyang mga inakay. Mula noong First Year pa naman, di na kami magkatugma sa lahat ng bagay. Pero di ko siya kaaway, di ko lang siya feel. Si Kristin naman ay dakilang "julalay" niya. Kulang na lang yata magtayo ng beauty parlor sa mga shed pag vacant period namin. Kung hindi liha sa kuko ang dala, malamang may tweezer, at buong manicure set ang dala. At kasama pa nila ang mga dakilang chihuahuas na sina Mildred at Becky.

"Hay alam nyo ba may bago daw tayong classmates na spokening dollars.", ayan simula na ng kanyang "talumpati" si Tanya.

"Saan mo naman nasagap ang chizmax na yan, Tanya? Ikaw talaga wag kang magbiro ha."

"Ano ba ang pangalan ng registrar natin?"

"Miss Morales---Miss Geraldine Morales.", sagot ni Becky habang nakatunganga kay Kristin na nagmamanicure kay Tanya.

"Hay naku ang slow motion nyo ano? My name is Antonia Maria Morales Abraham. Titang-tita ko siya." Mukhang naiinip na siya dahil di nakukuha ng 3 niyang alipores.

"Hay talaga?", sambit naman ni Janice na nasa tabi ko sa boses na ala-Tanya.

Si Janice yung mataray ang dating. Matapang at walang pakialam. Wag mo lang siyang pakitaan ng pagka-antipatika at okay kayo. Minsan natatawa lang ako sa kanyang banat. At ang minsan na yan ay ngayon kaya....bigla ba naman akong nadamay.

Biglang tumayo itong Tanya at pinagalitan si Janice. "Ikaw, weirdo ka, wag kang sagot nang sagot pag di ka kinakausap ha. Kung hindi ay..."

Tumayo din ito na parang nanghahamon---"At ano? Papatalsikin mo ako dini sa Manuel Roxas---hoy, public school ito ano? At bukas sa lahat na mga weirdong teenagers katulad ko at mas lalong katulad mo.Babaeng bakla!!!"

"Aba, aba, aba...ugaling palengkera yata ang kausap ko..."

Bigla na lang akong tumayo at naging "referee".

"Prrttt!!!! Teka ha, madadaan ito sa magandang usapan," ako ay pumagitna sa kanila at nakita ko na ring tumayo ang 3 alipores ni Tanya.

"Pwes! sabihin mo dyan sa kaibigan mo, tigilan na ako...at wag kang maging hero diyan, Lisa dahil nakita kitang tumawa din. Pareho lang kayo!!!"

Yan na ang sabi ko. Di ko naman talaga close friend si Janice. Nagkataon lang kaming nagkatabi sa bench.

"Alam mo, Lisa--halika na", hinatak ako paalis ni Janice at may binulong sa akin habang papunta kami sa kabilang shed, "yang mga yan nai-estress pag inaway ko. Pati si Dante mamaya, hindi makakadiga kasi wala sa mood si Tanya."

"Hayaan mo na lang sila, Janice."

"Alam mo, Lisa pag di mo kalabanin ang mga yan, ikaw ang kawawa. Don't be a doormat. Minsan inaartehan ko lang ang mga yan. Dinadala sa sarcasm pero kinakagat naman nila. Akala nila nalalamangan nila ako. Pwes hindi, I am just a good actress."

"Ang galing mo nga."

" Lisa---you're too nice a person. You should know to hate sometimes. Kahit konti on the right reasons."

"Ayokong maghate ng tao. Gusto ko lang gumawa ng mga bagay para sa sarili ko at sa pamilya ko."

"Ganon din yun. Pag inuna mo yung sarili mo, aayaw na yan sa yo. Pumili ka lang---magtago ka sa lungga mo o F--- you all!!!"

"Gusto ko nasa gitna lang ako---- mapagkaibigan pero may paninindigan sa sarili."


Bigla na lang akong natahimik---beep! beep!-- may nagtext.

Janet: Baj m d2 n sa cafe.Buti aq tanggp, d c boss.Paktay k kung xa.

Tale of Two TeenagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon