Chapter 10- "Kakampi natin ang Diyos."

196 6 1
                                    

Nakakatawa naman ang hilaw na kanong yun pero in fairness, cute siya pero ang alam ko may girlfriend na siya at wala akong laban don. Pero ang alam ko sa pagsasayaw --meron akong ibubuga. Hindi naman na man-hater ako, meron din akong mga crush pero yun nga lang hanggang pangarap lang. Ang tatlong lalaki sa buhay ko ay si Itay at ang dalawa kong kapatid na sina Daniel at Lester. Oo nga pala, bibilangin ko na rin si Rod, ang matiyaga kong "tagahanga" pero matagal ko nang pinagdiinan sa kanya na di kami talo dahil "prends" lang kami. Naks, pang-showbiz epek pa. Pero mabait si Rod at talagang matapat na kaibigan. Sabi ko sa kanya, pag ako ay 30 anyos na at single pa at ganon din siya, sasagutin ko siya.

Pero sa lahat na to, naghahari pa rin ang pangarap ko sa buhay ko at para sa pamilya ko.

"Anak, wag mo namang pagdamutan ang sarili mong magsaya paminsan-minsan. " Paalala ni Inay minsan. "Noong kaedad mo ako, ganito rin kami kahirap pero pumupunta pa rin kami sa sayawan sa kabilang baryo. Minsan, pumupunta kami ng papa mo at barkada namin sa dalampasigan dala-dala ng pagkain at yun, swimming at kasiyahan. Simple lang pero masaya."

"Nay, yan ba yung panahon na nabuntis ka ni Tatay?", tanong ni Lester na nakikinig habang gumagawa ng assignment niya.

Bigla tinakpan ni Nanay ang tenga ni Daniel. "AT sino naman ang nagtsismis sa yo nyan?"

"Sino pa kung di si Lola Choleng. Palagi niya kayong pinagsasabihan ni Tatay noon kapag naghihingi tayo ng tulong sa kanya. " Bigla siyang tumayo at nag-ala Lola Choleng,"Kaya ayan ang kinahinatnan ng di nagtatapos ng pag-aaral at naglalandi-landi, ang mga walang pangarap sa buhay...ayan..wala kayong ginawa kung di ang bumigay sa tukso ng laman. Ayan instant pamile kayo."

Pinigilan siya ni Nanay at patago akong ngumiti sa kapatid ko.

"Ayan, Nay....naisahan kayo ni Lester."

"Oo na. Oo na. Isang pagkakamali namin ng tatay nyo ay tama na. Kailangang matuto kayo sa pagkakamali namin at andito ako para sa inyo. " Bigla na lamang siyang tumigil sa pagsasalita at nalungkot. Alam kong naalala niya naman ang tatay.

"Nay, alam naming walang kasalanan ang tatay at na-frame up lang sya pero ang pangako ko gagawin ko lahat ng makakaya ko na mapawalang sala ang tatay."

"Anak, mayayaman ang nagpakulong sa tatay mo at mahirap silang kalabanin..pero di pa rin tayo titigil sa kakapanalangin para makahanap ng paraan. Kakampi natin ang Diyos."

Sa likod ng pagkamasayahin ng pamilya namin ay ang lungkot na nadarama na wala sa piling namin ang aming ama. Kaya nga maingat kami sa dalawang kong kapatid na wag isipin na pamarisan si Tatay. Pinapaalala namin palagi sa kanila na walang kasalanan ang aming ama.

Tale of Two TeenagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon