Chapter 8- Tameme

187 8 1
                                    

Nang inabot sa akin ni Janet ang badge ko, ang saya-saya ko. Save na ako sa terror naming boss. Mahirap na mawalan ng trabaho. Para makaipon din naman ako para sa college ko. Kahit sisimulan ko na muna na ako ang magbayad tapos mag-aaral o mag-working student para makatapos.

"Nagpakilala ba sa yo ang nagbigay nito?"

"Hindi pero parang driver yata kasi maganda at mamahaling kotse ang minamaneho at saka parang naka-uniporme. "

"Iniisip ko nga kung saan-saan ako nakapadpad bago nawala to e. Pumasok pa ako nang Biernes at nawala ko ito malamang Nang gabing yon o Sabado."

"Nang pumasok ka ng Sabado wala na yan."

"Di ba siya nagsabi kung saan niya napulot."

"Hindi naman parang nagmamadali nga e."

"O siya sige balik muna ako ng school. "

"Oo nga pala, Lisa puede ka bang mag-substitute mamaya mga 2 oras lang? May meeting kasi ang kapatid ko sa school at di puede ang nanay. Mga 4:30 hanggang 6:30 lang."

"O sige at pag nakauwi ka, pakisabi kay nanay na andito ako ha."

Weird talaga! Di ko naalala kung saan ko talaga nawala ang badge ko.A Tama!!! Noong Biernes nang gabi nang tumambay ako diyan sa may Blue Ridge. Tumakbo ako kaagad palayo sa mama. Malamang siya ang nakakita nito o hindi kaya isa sa mga estudyante pagkatapos ng ball nila. Kungsabagay bakit ko naman talaga iisipin kung sino talaga. Bumalik na sa akin to at yan ang importante.

Pagbalik ko sa school, mag-e-elective na. Dahil mahilig akong sumayaw at kumanta, ay nasa Dance and Music Arts ako. Ka-grupo namin ang Dramatics class pero tuwing may show lang kami nagkasama-sama. Papasok na ako sa auditorium nang ..........

"Miss, miss, I think I am lost...do you know where the Dramatic class is.."

Ito na siguro yung sinasabi ni Tanya na spokening dollars na bagong salta. Natameme ako nang ilang segundo at nang pabukas na yong bibig upang sagutin siya....

"Brandon!!!! Here you are. Dramatics class over here", nasa likod ko pala si Tanya. Kaya ayun disappearing act kaagad ang lalaki. Oh well at least di ako nakapalabas ang konti kong baong ingles. Pero.....wait up! Bakit ang slow motion ngh memory ko? Siya yun! Siya yun! Bigla akong tumakbo papuntang room ng Dramatics class at sumilip. Nagtransfer siya dito sa Blue Ridge? Bakit kaya? Hayyyy!

"Lisa! Anong ginagawa mo dyan, mali-late na tayo sa Elective." Paalaala ni Rod na nasa harapan ng Performing Arts classroom namin.

Aha-hay, alis muna ako Joshua Jackson! Bakit andito siya sa Roxas High School? Ha-hay ang dami kong tanong.

Nawala na lang ang kakaisip ko nang tinawag ako ni Ms. Gaitan at ang lahat ay nakatingin sa akin.

"Lisa, are you with us?"

Yayks! Naging sentro ako ng atraksyon ---sanay naman ako pero hindi dahil parang malalim ang iniisip ko at parang nasa ibang mundo ako.

"I just called your name, because I have 3 spots for full scholarship in Performing Arts sa UP. I may turn in your name as one of the probables dahil you are also academically capable and commendable.", sa pagkakataon na ito ay narinig ko na si Ms. Gaitan.

"Scholarship po? sige po..", nawala sa isip ko ang lalaking nakasalubong ko kanina at bumalik ako sa realidad.

"Good. I will open this also sa Dramatics class because we belong to the Performing Arts umbrella kaya lang, sila boring, tayo exciting!!!"

Hindi naman na kinakampanya ni Ms. Gaitan ang di pagkaunawaan sa gitna ng klase namin at ng Dramatics...I think may personal na rason siya sa konting rivalry sa gitna nila ni Mr. Trillo. Balita ko dati silang magka-on..as in BF-GF noong college. (Chismis mode on!) Tapos para yatang may 3rd party at nagbreak up pero sa dinig ko di daw babae ang dahilan kung hindi lalaki. Yes---tama ang iniisip niyo--- baklush ang teacher ng Dramatics club.

"Lisa at Melody, you prepare 3 performing piece and according to the guidelines that they sent us---it's lyrical dance, ballroom and contemporary sa yo Lisa. Sa yo Melody, you need to sing a classical Filipino composition, one foreign and one pop. I am not sure what are the requirements doon sa kabilang classroom. Who cares."

Nagtawanan sa loob ng classroom.

"And Lisa, by tomorrow kailangan tapos na yong choreography ng lyrical hip-hop nyo for the coming alumni presentation. So that maituro mo na sa grupo--likewise Rod ang ballroom and Melody yong mga kakantahin ng minstrels."

"Yes, Ma'am", sabay kaming tatlo.

"Lisa, you are now excused and you can use the right side of the auditorium to create choreography. While the others, we need to brainstorm for the concept and everything."

Scholarship? Thank you, Lord. Ito na yong pinapangarap ko.

Tale of Two TeenagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon