Chapter 12 - Shakes... and Hide

190 8 1
                                    

Sabado --kakabukas ko lang ng Internet Cafe. As usual, nagtext si Janet na mali-late siya ng 10 minutes. Traffic daw. Buti na lang, late palagi si Bossing pag Sabado. Ang masaklap nito ay kailangan kong ihanda ang lahat ng sangkap ng shakes sa counter at magkayod ng isang container ng shaved ice. Di naman ako si Wonder Woman na kakayanin ang lahat at saka may customer na sa mga computers. Pero ang alam ko ay madali lang yan pag may music at sabayan ng indak.

Pina-andar ko ang music at para bang nasa music video daw ako na nagsasayaw habang tinatapos ang mga dapat kong gawin. Pinaandar ko ang lahat na computer, inaayos ang mga upuan, nag-shave ng ice, hinanda ang mga sahog para sa shakes at sandwiches. Voila---natapos kong lahat.

Paglingon ko sa may pintuan, nakita ko ang mestisong hilaw na nasa labas pala at papasok. Gusto kong mag-disappear nang sandali at parang gusto kong murain si Janet dahil late siya. Bakit ba? Lisa, kumalma ka. Lalaki lang yan. Wala akong baong maraming english ngayon. Puede ba maging bola at magroll sa ilalim ng counter? Anyway, sige, ako yata si Lisa---may matapang na apog.

Teka, ba't sya ngumingiti? Baliw yata to.

"Hi there. I always caught you dancing. You really love to dance."

"Oh yeah, and I always see you ....see you stalking."

Umiling siya.

"I am not stalking you. I bet next time I see you, you will still be dancing."

"Ay lab..ay lab to dance."

"I see that."

"Why you here? You want to use internet?"

"Oh no, I have my laptop but I like your shakes here. Can I have a large size choco mint shake?"

"21 pesos...."

"Okay."

Ayan ginagawan ko siya ng order nya pero ito pala ang feeling ng pinapanood ng lalaking to. E bakit naman kasi wala pang ibang customer para may iba pang tao dito.

Bigla na lang pumasok si Janet.

"LIsa, hay naku sorry ha. Traffic kasi. Ako na dito dito sa cash register" Lumingon at nakita si Brandon. "Uy, you're back here."

Nagtaka ako sa "you're back" ni Janet. Nakapunta na dito si mestisong hilaw?

"I like your shakes here."

"Oh good. So you met Lisa...?"

"Mmm..yes and met her in school,too."

"Talaga? Aba Lisa, di mo sinasabi sa akin na kaklase mo pala si Mr. Badge saver."

"Ha?", sabay lagay ng straw sa shake at binigay kay Brandon.

Inabot niya ang bayad kay Janet.

"Siya yung nakapulot ng badge mo at binalik dito. Di ka naman pala nagpasalamat."

"Ha a e...salamat...a e thank you."

"No problem. That's why you are so familiar."

Bigla na lang nag-text alert yung cellphone niya at binasa ang message. Tumingin sya sa labas at bigla na lang na-alarma.

"Hey, can I hide somewhere? I need to get away from someone."

"Doon sa storage room. Pasenya ha, mainit don."

"I don't care." Sabay pasok sa storage room.

Pumasok bigla ang ....sa aking ala-ala ito yung babae na kausap niya noong gabi.

"Have you seen a cute guy na pumasok dito? Mestiso, dark hair, kissable lips.....boyfriend ko?"

"Hindi po ito Lost and Found store...Internet Cafe po ito. Baka don sa kabila sa may Pet store.", bigla ko na lang siya sinagot.

"I'm not looking for my lost pet. I'm looking for my lost boyfriend."

Patagong tumatawa si Janet kaya siniko ko siya.

"I swear that car is his."

"Sure pa kayo, Miss? Wala pa kaming customer dito. Masarap ang shakes dito." bungad ni Janet.

"I'm sorry, I don't eat in an unknown place---yung sa tabi-tabi lang. O sige, if he gets lost in here, tel him Krizzia was here looking for him."

"Kanino namin sasabihin? Sa boss namin o sa pulis?"

"Arrggg!! Diyan na nga kayo...unbelievable!!!!" At saka siya umalis.

Lumabas si Brandon nang wala na si Krizzia.

"THanks guys, I owe it to you."

"O ayan, I already paid you by hiding you. Wala na akong utang. No debt anymore because of the badge."

"Ha? seriously, thank you."

"Talaga? Seryoso?, tanong ni Janet,"bakit mo...ah e why are you hiding from your girlfriend?"

"Correction, ex-girlfriend.

"Baka buntis", bigla lang akong sumibat,"I mean ..maybe she's preggy."

"Whoa!!No....", bigla tumaas ang boses nya, "if she is, it's not mine."

"Naku, joke lang!!!"

"GUess I better get going. Thanks for the great service and the help."

"Sure..." sabay ngiti ni Janet.

Siniko ako ni Janet, "You're welcome."

"Come back again! ", pahabol ni Janet.

Kinurut lang akong bigla ni Janet. "Hoy bruhilda, ang mean mo sa babaeng sosyalerang yun. Haha....lumalabas ang pagka-Gabriela Silang mo."

"Hay naku, kung may hahanapin siya, ba't dito sya naghahanap."

"Hay naku pero pag andito si bossing, pagagalitan ka non."

"Alam ko kaya sinamantala ko. At isa pa di naman siya kawalan dahil di naman siya bibili at ayaw niya ng shakes natin dito."

"OO nga, sister....she missed everything pag hindi niya natikman ang shakes natin.

Tale of Two TeenagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon