Chapter 14 - Nagbabadyang Pag-asa

217 8 2
                                    

Pagkauwi ko ng bahay ng Lunes ng gabi, nakita ko ang nanay sa labas na wari may malalim na iniisip. Alam ko na tulog na ang mga kapatid ko dahil pasado alas nuebe na. Gabi na rin natapos ang praktis namin sa dance competition para sa Division Meet.

"Ang drama natin yata ngayon a. Para kang nasa teleserye at sinasaliwan ng malungkot na musika." Sabay halik ako sa noo at umupo sa tabi ni Inay.

"May pagbabago lang kasing nangyari ngayong araw na to."

"Talaga? Sana magandang pagbabago."

"Alam kong ikakatuwa mo..."

"Okay...? Pasiyahin mo ako."

"Pumunta kanina si Atty. Elizalde sa tindahan at muli niya daw bubuksan ang kaso ng Tatay mo."

"Talaga? Bakit? Ano ang tumulak sa kanila na buksan ang kaso?"

"Kasi nakakita sila ng koneksyon sa mga gun and drug trafficking hindi lang dito sa Luzon kung di sa Mindanao din. Tapos, nakita nila mahigit na isang taon na may ganyang aksyon na nangyayari at ang tatay mo, matagal na taxi driver pero wala pa siyang isang taon sa Two Brothers taxi company. At isa pa, pagkatapos na pagkatapos ng kaso ay pumunta ng America at 2 magkakapatid na may-ari."

"Baka nga may kinalaman ang 2 magkakapatid."

"Wala silang sinasabi pero kailangan din nila imbestigahan ang kapatid na babae ng 2. Pero sana naman mapawalang sala ang tatay mo dahil alam naman natin na wala talaga syang kasalanan. Ipagdadasal natin yun."

************************************ "Maaga pa yatang HB itong si Miss Tan," bulong ni Iris sa akin habang nakaupo kami sa bleacher habang nagbi-break sa dance rehearsal.

"Kabuwanan yata", dagdag ni Alex. Dance instructor namin si Miss Tan. Palagi siyang masayahin at kwela kaya pag wala sya sa modo, alam na alam mo talagang may isyu siya sa buhay.

"We need to dry the floor for the next routine. Somebody get the mop or any rag from the storage room. We will start in 10 minutes."

Tumayo ako at..."Ako na, Miss Tan."

"THank you, Lisa." Sa hallway kung saan yung storage room, parini't parito si Tanya.

"A Lisa...mm..have you seen Brandon? I've been looking for him e. He's nowhere to be found.

"

Anak ng tinapa, ginawa na naman akong Lost and Found.

"Tanya, alam mo naman siguro kung saan ka pupunta kung may nawawala , di ba?"

"Pero tao yung nawawala, Lisa..di bagay."

"Alam ko. Mahirap kasi hanapin ang nagtatago sa yo."

"Si Brandon? from me? Bakit???"

"Di ko alam. Sige ha..."

Pinagmamasdan ko syang nagdadabog pabalik ng DRamatics classroom nila.

Pumasok ako ng storage pero madilim. Nalimutan kong lagyan ng harang yung pintuan kaya di ko nakita tuloy ang switch. Kinapa ko sa kaliwang banda ng dingding at nahanap ko pero nawalan ako ng balanse at muntik na akong nadapa pero dumapo ako sa isang tao. Napayakap ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Para bagang nawalan ako ng ulirat ng ilang segundo dahil feeling ko ang sarap na lang yumakap pero bigla akong pumiglas.

"Teka..sino..?" Kinapa ko uli ang switch at .."BRandon?" ANong ginagawa mo dito?"

"I...I am sorry. It was all accident."

"At gusto mo pa akong chansingan ha."

"It's not what you think, Lisa. I was running away from Tanya."

"Malaki siguro ang mga kasalanan mo sa mga babaeng yan kaya you are running away from them."

"I don't know...I honestly don't know."

"Alam ko na..." Hinawakan ko yung mukha niya sa may panga nya at biglang tinuro ang mukha niya.

"Ito o..ito...itong mukhang yan...yan ang dahilan", saka ko binitawan.

"MY face?"

"OO, the problem is your face."

"I didn't know that."

"Weeee...kunwari pa ito na di aamin na.."

"..that what?" Seryoso yata ang mokong na to na di alam na may itsura sya.

Bigla lang akong natigilan...."may itsura ka..that you have a face."

Sa unang pagkakataon nakita ko siyang ngumiti.

"Everyone has a face including me and I don't find anything special about it. But I do find some faces so angelic."Nilagay nya yung daliri sa chin ko, " ...specifically and specially yours."

"Hoy, wag mo akong utuin. Paalis na nga at hinihintay na ako sa klase", dinampot ko yung mop.

"Lumabas ka na dito at pinapawisan ka na dito."

Hmmm Lisa, ba't ka flattered sa sinabi nya? Matagal ko namang alam na maganda talaga ako a. Wala nga lang nakakahalata.

Tale of Two TeenagersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon