Chapter Eleven :

111 3 2
                                    

~Bakit hindi ko masabing nasasaktan din ako? Bakit hindi ako makaangal sa harap nya? Tangina kasing kilig yan nauuna  pag nasa harap ko na! Tapos pag ganitong panahon na.. Daig ko pa naiwan sa ibang planeta pota!! ~

(A/N = Sorry sa drama.. )

Simula nung bumaba kami ni Liz kila Jim hindi na sundan yon kasi nga busy ako sa school dahil sa clearance na yan nakakapikon din kumpletuhin yun mga gusto ng mga guro ko ah! Pero estudyante ako eh kailangan ko gawin to. Wala naman akong balak maging tambay habang buhay eh.

Si Kier at Rizza busy din kasi kung hindi ako madalas nagsusulat ng lecture.. sila malinis malinis ang notebook  ewan ko ba sa dalawang yun pero laging walang ballpen. :3

Andito kami sa may ilalim ng acacia eto ang bonding namin ngayon... Magsulat eh sa kailangan kasi naming magpasa ng requirements eh.

"Oyy Kier tapusin mo na nga yan mamaya ka na makipagtext sa mga sya mga atoys mo!Malapit na kasi ako matapos dito gagamitin ko na yan! " makulit kasi tong si Kier eh text ng text. Nananahimik lang ako kasi masakit na yung kamay ko kakasulat wala ako sa mood makipagusap sakanila gusto ko na rin kasing matapos to ng masulit ko na yung mahigit dalawang linggong natitira ng pagiging first year ko.

Nakausap ko na rin naman yung mga subject teacher ko tinanong ko naman kung nakapasa ako sa mga subjects nila.The Good news is OO!! *yehey! magdiwang yung mga pasaway na gaya ko!!* the medyo bad news para saakin eh kumpletuhin nga tong mga requirements na ito.

"Oyy mga Ati! tara na munang mag lunch Tom Jones na akis eh " pag aaya ni Kier

"Oo nga tara nga muna mamaya na to wala naman ata dyan si Maam eh "

*CANTEEN*

Dahil lunch time na talaga ang daming tao, maingay talaga tong mga 4th year na to nayayabangan talaga ako pag tinitignan ko sila ewan ko ah hindi ko naman talaga kilala yung bawat isa sa kanila. So paki ko na lang din diba ?!

"Oyy kakainin natin ? " tanong ni Kier parang ayaw ko na naman kumain. :3

"Magkakanin ka ba? Softdrinks lang ako ayaw kong kumain. Ikaw Rizza?"

"Candy na lang wala akong madaming pera ehh " haist kung mayaman lang ako libre ko na tong tropa ko.

"Ayan, hindi kayo bibili walang agawan ng kutsara ah!! " nagdadamot na naman to si Bading!

"Sus! ang damot mong bakla ka! sakalin kita ehh. hati na nga lang tayo para makakain tayong tatlo! selfish ka masyado eh! " magkano lang naman kasi baon ko. 50pesos yung lunch sa canteen nasa 35 pag yung mga baboy at manok eh kung itlog itlog lang nasa 20 pesos naman.

"oyy wait jingle bells lang muna ko ahh " paalam ni Rizza

"30 na ko pati ikaw 30 din, para makapaglunch naman si Rizza gagi! selfish ka talaga ehh! "

"oo na oo na.. "

"Gagu ka bakla ah! baka labag sa loob mo yan tangina magsuka-tae kami dyan! "

"grabe ka naman ganyan ba tingin mo saakin?! "

"oo ! bumili kana tatawagin ko yung isa! " pinuntahan ko na si Rizza wala naman sya sa c.r eh nakita ko sya  

sa may acacia nagsusulat na naman.

"Hoy dyan ka umihi?! "

"hehe hinde ahh.. edi nakita ng guard yung puwet ko! Loko ka talaga!!"

"Ikaw ahh! tara na sa canteen nilalandi mo lang yung guard eh heheheheheh "

"Gagu! Kadiri ah!" 

Pagdating namin sa Canteen tong Kier na to wala pa rin pagkain hindi sya pinapasingit nung mga makukulit na lalaki. Parang baliw ehh basta lalaki na bobola agad eh! 

"Ano ba ang tagal tagal naman nyan bakla! ako na nga! tange ka nagugutom na ko ah! maya na yung landi! " inagaw ko sakanya yung pera kulit eh! 

Tinawag ko yung tindera sa Canteen, kabiruan ko kasi to eh kaya madali lang. simple lang naman yung pagkain namin eh, 3 kanin 3 itlog. Ayos na pero mas masarap dun yung sawsawan na toyo tapos may sili. Solve na solve na :)) 

"Ohh ayan na tara na kaen na madami pa tayong susulatin. " sabay lapag nung tray yung mukha ni Rizza halatang nagtataka.

"Oyy teka wala akong pambayad, wala nga akong pera eh binabaon nyo naman ako sa utang eh.. " pagrereklamo pa ni Rizza

"Tumigil ka ! kumaen ka na dyan.. :) "

Nakakatuwa naman ang sarap sa feeling na kahit sa simpleng bagay nakakatulong ka sa mga kaibigan mo. Kinikilig kami ni Kier sinisipa nya kasi yung paa ko. Baliw to ehh.

"Hi?!" 

from - 09*********

Sino na naman to? pag may nagtetext kasi sakin na hindi ko kilala pinapatextmate ko na kay Bakla  eh.

"Sino ka po ?? " 

"Si Hailey Isabelle ka po ba ?!" 

"Oo sino ka po?" 

"Kahit sabihin ko naman name ko hindi mo naman ata alam eh?! " 

"Huh?? sino ka ba? naku! kung nagttrip ka lang po stop na wala akong time, pero kasi sino ka ba ? Ate/Kuya? " 

Dahil sa hindi nagreply tinext ko ulit! ayoko kasi nung ganun eh curious ako kilala nya ako ehh.

"Hey! Ate/Kuya ano ba? sino ka ba bakit kilala mo ako??!!!  ui ui ui " 

Dahil hindi na sya nagreply hindi ko na kinulit. Bahala sya kamote sya!  

"Sorry late reply tropa ako ni Jim " 

"Ahh ok. Sino don?! member din po ?" 

"Hindi" 

"Ehh sino nga dun??? dami nya kasing tropa diba! " 

"Kailan ka baba dito?! hindi na kita nakikita eh " 

"ehh. ang kulet. sino nga don!! dami dami eh pinapaisip pa ko.! " 

Hayyy nagkaron ng katext bigla ah!! sino kaya to??? Dahil sa inis ko at ayaw magpakilala nun ewan na yun tinext ko na si Jim sya na tinanong ko sya lang naman kasi yung nakakaalam ng number ko sa barkada eh . ang nakakainis ang reply lang nya saakin eh. 

" Oh! tinext ka na pala! tagal ng kinuha nyan number mo eh! itxt mo!   wala akong load. ge "

Taragis yan! oo na may kwenta yun sagot nya sino ba to kasi!!!

"Hey! last txt na to kung hindi ka  pa magpapakilala hindi na kita replyan. " 

"hala! pambihira! hindi mo pa nga alam pangalan ko. Pero ako yung lalaking naka blue nung huling punta mo dito?!" 

 sinoooooooo?!!!!!!!!! 

Hindi ko maalala yung mukha?!! may naka blue ba non??!!!!

__________________________________________________________________________________

OK sorry sa sooooobraaaanggg laaaaateeeee update !!!

naguguluhan kasi ako ngayon eh pero ok lang 

Happy naman kami pero yung feeling na parang ma bbroken hearted ka ?! haha weird no?!! 

Thank you po! yung  continuation neto next ud na po

-Eihm

(10/19/13 __12:33am )

I'm Still into You (TLS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon