sorry hindi talaga ako nakapag update ahh. eto na ginagawa na habang nakababad yung labahan ko sa downy :D hahahaha
Medyo nagdadalawang isip kasi ako kung isasama ko to sa story ko yung scene na to. pero sige habang andito na ko pursue na itu :D
_________________________________________________________________________
Hailey's POV
Bago ako tuluyan mag paligaw kay Dan .. nauna muna akong niligawan ni Nikko classmate ko, isang buwan syang nanligaw pero isang linggo lang tumagal yung relasyon namin Hindi ko maintindihan pero sakanya ko talaga napatunayan yung katagang tinatak ko sa katawan ko na.. pag tropa .. tropa lang
Hindi ko rin naman kasi inasahan liligawan nya ako, first love nya ako, nakita ko sya kung pano masaktan ng dahil sakin. Naawa ako pero hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. damn!
Si Dan naman, palabiro sya, kalog din dalawang buwan din syang nanligaw sa akin non.
Una pa lang napansin ko na masyado syang mahigpit sakin, marami syang bawal sakin at napapansin ko rin na unti unti nya kaong nilalayo sa mga kaibigan ko.
"Dan, may iinum daw kami mamaya kasama ko mga classmates ko "
"Ano? inum na naman?"
"anong na naman ka dyan eh ngayon ko na nga lang gagawin to ulit ah syempre galing kaming bakasyon ng pasko saka bagong taon bago mag start ng pasukan namiss din naman namin ang isa't isa! "
"tsss. lagi naman eh ! "
"pumayag kana minsan lang naman to eh"
"sige basta sasama ako"
"ok.."
Ganyan si Dan, kahit labag sa loob ko yung pag payag ko sa gusto nya eh hinahayaan ko na lang dapat pala hindi ko yung ginawa, Oo nga legal kami sa bahay at sa kanila sya yung unang lalaking nakilala ng magulang ko.
Pangalawa masyado syang seloso sa mga bagay bagay, kahit katext ko lang yung isa sa mga kaibigan o kaklase ko ayaw nya, kahit babae o bading pa ayaw nya din . Masyado nya akong kinukulong sa mundo nya, kahit ayaw ko wala akong nagagawa kasi nakakainis makipagtalo. sya kasi yung tao na
Papakinggan yung side mo, then sasabihin nya yung side nya the poooof ! bandang huli Kelangan At dapat sya parin yung mananalo. So what's the point of explaining diba ?! So boys don't be like that !
Pangatlo alam kong katawan lang yung habol nya.. sad but true :( ramdam ko sa mga tanong nya yung ganun ang gusto nya, sadly nakuha nya ng wala manlang akong kalaban laban, ang dahilan nya kaya daw nya yun ginawa dahil hindi ko na daw kasi sya iiwan, Mahirap makisama sa mga taong makitid ang utak, kahit anong paliwanag ang sabihin kahit idemo mo pa sa harap nya hinding hindi nya parin ito maiintidihan, Minsan pag nag aaway kame, hindi ko maiwasan hindi isumbat sakanya ang ginawa nyang pag agaw sa pagkatao ko. masama ba yun? o karapatan ko yun kasi sakin yun diba?!
Ok naman sana kami eh nameet nya pati yung relatives ko, kasi pag may outing sumasama sya. Sobrang bait nya pag kaharap nya yung mga kamag anak at magulang ko. Hindi nila alam sakal na sakal na ako sa sitwasyon ko. minsan nga pag nasa bahay sya inuutos ko sakanya lahat ng gawain ko eh. mas ok na sakin yung ako yung magmukhang maldita at masamang ugali sakanila ayoko kasi baka makita nila yung totoong kulay nya masira pa plano nya db? hahaha .
Hindi ko minsan maiwasan na magsisi kasi hinayaan ko syang gawin sakin lahat ng iyon.
TAMA SILA MARAMING NAMAMATAY SA MALING AKALA.. isa kasi ako sa naabuso sa maling akala na yan eh.ang nangyari kasi sakin ehh
AKALA KO KASI.. MAGBABAGO kaso hindi eh. lumala lang lalo.
Kahit nung nag college na ako, yung mga classmate ko dun natutuwa kasi nga sinusundo pa ako sa school damn! di nila alam sagot ko pa pamasahe pauwi nun!
Tuwing nakikita nila sa labas ng school yun tinatawag nila ako. eh ako naman napapatakip ng mukha niloloko pa nilang kinikilig ako eh sa loob loob ko ganito sinasabi ng isip ko
"tangna.. lagas na naman pera ko nito sagot ko na naman pamasahe nito"
Sa totoo lang hindi naman kasi talaga issue yung pera eh sa dami ng ginastos ko sakanya, minsan namamasyal o kakaen imbis na mapalitan ng saya yung nalagas mong pera eh hindi eh aawayin kapa! edi mababadtrip ka lang , badtrip kana nga eh lagas pa pera mo. malas diba.
After a year and a half with him, ramdam ko na wala na, hinayaan ko na lang sya ramdam ko na sa sarili ko na HINDI PALA ako masaya, hindi pala akong NAGING MASAYA at mas lalong hindi ako MAGIGING MASAYA sakanya.
Bukod sa hindi ko na nakakausap yung mga barkada ko nung high school kahit yung sa college hindi ko naman masyadong nakasundo. Kulang na lang nung mga panahon na yun pati facebook account ko ideact ko na, tapos sana wala na lang din cellphone para masaya. Nakikita ko naman na mahal nya ako eh kaso hindi sya marunong magpahalaga. That's not love obssession yung best na term dun.
may isang pang yayari pa na lalong nagpalayo ng loob ko sakanya, siguro nung 2012 lang to, Dahil may event sa school late na ako nakauwi, at empty ang battery ng phone ko hindi ko sya natext. pero alam ko namang naghihintay na sya dun sa shed. Pababa na ako ng bus at nakita ko sya nakangiti pa nga ako nun sakanya ehh kaso sablay yung salubong nya saakin.
"san ka ba galing" medyo malakas ang boses nya
"eh diba may event sa school! "
"yung totoo nag inum ka na naman no! hindi kita macontact! "
"hinaan mo yung boses mo nakakahiya! "
"hindi mo ba alam! muntik na ako masaksak dun kakahanap sayo! " sabay turo nya sa right side
"Bakit dun mo ko hahanapin! diba dito ako nang galing! galing akong school ! " napapahiya na ako kasi sinigawan nya ako.
"Eh dun ka lang naman pupunta ehh mag iinom na naman kayo ng mga kaklase mo sa LPA.! "
Sa sobrang inis ko sakanya nung gabing yun hindi na ako nagsalita. pakiramdam ko talaga napahiya ako ng husto nun. sigaw sigawan ka ba naman eh. Hindi ko parin talaga nakalimutan yung ginawa nyang yun kahit na naging ok kami sa totoo lang ako pa rin nag sorry kahit ako na yung nasigawan ako parin yung nagpakumbaba kasi hindi naman sya nagpapatalo ehh.
Pero sa ginawa nyang yun unti unti talaga akong lumalayo sakanya.. sinubukan ko na rin nun humingi ng space, ayaw nya cool off ayaw din lalo naman ng break ayaw nya .. the saddest part is tinatakot nya akong magpapakamatay sya pag iniwan ko sya. Ako naman si tanga matatakot sa konsensya. hindi ko na itutuloy, laging ganun ilang beses na palagi na lang akong tatakutin na magpapakamatay sya .
PAANO BA?! PAANO KA SASAYA SA PILING NG ISANG TAONG SINASAKAL KA??
GIRLS// BOYS PLEASE WAG NYONG HAHAYAAN NA MAGING GANYAN YUNG RELASYON NYO NG NOBYO/NOBYA NYO. BUKOD SA HINDI KAYO MAGIGING MASAYA. MASISIRA MO PATI PAGKATAO MO KUNG MANANATILI KA SA GANYANG RELASYON KAHIT MAGPUSTAHAN PA TAYO HINDI MO MARARAMDAMAN YUNG KILIG AT SAYA NA DAPAT MONG MARAMDAMAN PAG KASAMA MO SILA.
DONT EXPECT, NEVER ASSUME PARA HINDI MASYADONG MASAKIT :))
_____________________________________________________________________________
nakoo yung labahan ko 12am na hahahaha sa wakas na harap ko rin tong story ko.
next ud eh continuation lang ng pov ni hailey hindi na natin masydong ikkwento si dan kasi waley naman talaga syang kwenta ehh :)
oww sige na comment naman kayo ohh :)
12:20 4/15/2014\
ANONG FEELING PAG PATI IKAW HOLIDAY SA JOWA MO?? ANG SARAP DIBA?! ANG SARAP NYANG SAPAKIN HANO!
TANGNA THIS!
THIS <3 KASI EH
SECOND OPTION KA LANG UMAASA KA PA !
HUHUHUHUH KAMATIS TALAGA :(((((((((
![](https://img.wattpad.com/cover/6642081-288-k411148.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Still into You (TLS)
Roman d'amourShe is just 13 years old.. What do you expect?? She is too young for this! She is too young for love! Marami po kayong mababasang hindi kanais-nais dito so kung malawak po yung pang unawa nyo... Yan ahh nagbabala na po ako :D