Simula nung nalaman ko lahat lahat ng tungkol sa kanya mas lalo akong napabilib ng lalaking to. Pero kaakibat din nun naramdaman ko na di ko dapat sya iwanan dapat ko syang tulungan kahit hindi na bilang girlfriend nya kahit siguro bilang matalik na kaibigan nalang.
Dahil napag usapan na naman naming magkita kahit wala pang napapagkasunduang pupuntahan tuloy padin kami.
"Ohhh saan ba tayo pupunta? " pangungulit ko sakanya.
"Di ko alam bahala na kung saan tayo dadalhin netong brum" - Gee
"Sige basta kasama kita kahit saan :) "
Habang nagmamaneho sya di ko rin pinapalagpas yung pagkakataon na yakapin sya. Baliw ako dito sa lalaki na to. Sa sexy back nya (^∇^)sa amoy nya naku po ang bango bango! yummy masyado hmmmmp!
*ugh back to reality*
"Huy! anong ginagawa mo?! gusto mo dito nalang tayo? mag stargazing tayo.. " - sabi nya sabay ng paghinto ng brum nya.
"inaamoy ko lang yung lamig ng hangin.. sige gusto mo eh! saka ok to! *kasama ka naman eh* "
"huling huli kana tumatanggi kapa, mabango no? di naman ako mahilig gumamit neto eh kaso kasi bigay mo kaya yan ginagamit ko na. "
Luuh! ginamit nya na nga yung pabango shete!! kaya pala sarap na sarap yung ilong ko sa likod nya! shemayyy hihi i'm so kilig!
"sabi mo nga nung una diba ayaw mo? " kahit na kinikilig ako sa amoy nya pilit ko padin tinatago.
"Oo pero nakakahiya naman sayo kung lalapit ako na mabaho diba?" -
"Hindi ko naman sinabing mabaho ka *gustong gusto ko nga amoy ng pawis mo ehh!* he-he-he "
"pakiramdam ko nga malapit mo na din ako masinghot ng buo eh!! Haha joke lang uy! Tignan mo oh ang ganda ng bituin dun oh yung korte nila parang puso,"
"Ang gandaaaa" habang amazed na amazed ako sa kalangitan naramdaman ko nalang na ang kati ng paa ko dedma pa nung una kaso ang kati talaga ang dami palang langgam dun sa kinatatayuan ko , napansin nya siguro nagpapadyak padyak na ko. at kinakamot yung paa ko.
"Ohh bakit maraming langgam? tsk. dito ka kasi sa harapan ko malayo ka kasi sakin eh "
Dahil sa pabor naman yun pumunta talaga ako sa harap nya nakatalikod ako sakanya habang nakatingin sa langit , nagulat nalang ako na bigla ko nalang naramdaman yung mainit nyang yakap mula saking likuran, nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Yung simpleng pagdampi palang ng balat nya sa balat ko kakaibang sensasyon na ang pinapadama sa buong katawan ko.
yung mga oras na kung pwde lang wag ng matapos. Yung ganun lang yun sitwasyon naming dalawa masaya na ko, yung tahimik lang basta kasama ko sya, yung wala akong kahit anong iintindihin, kakatakutan o kahit pag aalinlangan. Ang sarap eh ang sarap sa pakiramdam. Yung pakiramdam na alam mong mahalaga ka. na may nagmamahal sayo ganun eh.
"bakit tahimik mo dyan destiny? " - Gee
"Dinadama ko lang yung yakap mo.. :3"
Oo may tawagan na po kami Destiny, bago pa mauso sa GMA7 yung "MY DESTINY" ganito yun kaya nang yari.
(FLASHBACK)
Nung 1 & 2 monthsary namin binabati ko sya talaga nag aantay pa ko mag 12am para mabati sya. Kaso yung 2nd monthsary kasi namin nasabihan nya ako.
" Hindi ba parang pambata nalang yung mga monthsary monthsary na yan? " -G
"edii tawagan nalang endearment kumbaga.. " pangungulit ko pa.
"Eeh ganun din eh para naman tayong teenager nun. yung parang nasa high school palang pambata diba? " -
"Okay hindi na.. " nakakairita kasi i try to be sweet pero ayaw nya haay di bale wag na diba?! ayoko naman pilitin!
pagkatapos ng scene na yun hindi ko na sya pinilit na mag isip pa ng endearment bahala sya ayaw nya eh pambata daw.
But one day sya na yung nag insist na mag isip ako ng tawagan namin,
"Ehh wala na nga akong maisip na maganda eh sobrang common na kasi nung iba at dahil weird tayo gusto ko iba padin " - pag rereklamo ko sakanya pano ba naman wala nga kasi akong maisip eh ako lang pinagiisip nya
"Ako din nga wala akong maisip puno yung utak ko" - G
"Haaay wag na nga lang, mamaya na pag may naisip na ko" -
"sige " -
"ugh wala padin talaga ko maisip haha pero alam mo nakakatuwa noh yung pagtatagpo natin ulit after 3 years nakakakilig alam mo yun baka kasi destined for each other talaga tayoo! " - paglalandi ko kinikilig kilig pa ko pag naaalala ko talaga yun.
"Ayun!! Nadale mo! destiny!! ano maganda ba?!" - biglang kislap siguro yung utak ng boyfriend ko nung naisip nya yun. lumawak ang pag ngiti eh
"Oo nga no?! bagay satin hehe ang sweet pa pakinggan destiny :) " - actually kanina ko pa naiisip kaso nag aantay pa kasi ako ng suggestion nya eh
"Ayan ha, destiny kita destiny mo ko. Heheh" - Gee with his sweet smile on his face
talagang tinotoo nya na talaga ang tawagan naming destiny ang sarap nga pakinggan tuwing tinatawag nya akong ganun.
Yung 3rd month namin hindi ko talaga sya binabati hinihintay ko na sya makaalala, na sya unang babati sakin yun success sya nga tuloy tuloy nya na yun ginagawa.
---------
ugh yan na lang muna.
sorry depressed talaga ko ngayon.
gusto ko parin ituloy yung story na to kahit pakiramdam ko malapit ng umalis sa buhay ko yung kasama ko sa storyang to.
sorry try ko bukas ulit :)
eto nalang magpapalibang sakin ehh yung mga alala namin nung di pa kami komplikado.
sorry mobile
-eihm
![](https://img.wattpad.com/cover/6642081-288-k411148.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Still into You (TLS)
RomansaShe is just 13 years old.. What do you expect?? She is too young for this! She is too young for love! Marami po kayong mababasang hindi kanais-nais dito so kung malawak po yung pang unawa nyo... Yan ahh nagbabala na po ako :D