Chapter : Twenty One

42 1 0
                                    

lalalalalalalalaa

happy 11 months pogi :)

----------------------------

Sorry ngayun lang ulit makakapag update.. Naging busy eh! Adik sa chris ellis ko hahahah

Game...

-----------------

continuation lang to ng POV ni Hailey

------

Hindi ko na rin alam kung papaano ko sya mahihiwalayan.. Bukod sa nasasakal na ko sa ugali nya, yung pagmamahal ko sakanya wala na rin.. Hangang dumating sa araw na

Nagkaroon ako ng lakas ng loob.

July 1 2013..

Papunta ako sa bayan dahil nagpadala ng pera yung tita ko kasama ko yung pinsan ko. Hindi ko inaasahan yung makikita ko dun. Isang taong hindi ko inaasahang matatagpuan ko.

Naglalakad na ako pauwi ng biglang may dumaan na lalaking naka motor at mukhang pamilyar..

"si Geeboy"

Nagkatitigan kame, ang laki na nag pinagbago ng itsura nya, makapal na buhok, lalong nangitim yung kulay ng balat nya pero may naramdaman ako kahit malayo sya saakin hindi ko man alam kung anong dahilan pero kita sa mukha nyang meron syang problema, ramdam kong hindi sya masaya.

"Ley!!" tawag nya saakin. Iba parin yung pakiramdam pag tinatawag nya yung pangalan ko, gumaganda sa pandinig yung pangalan ko pag sya yung bumabanggit kahit pa pasigaw Hindi kase sya nakahinto sa harap ko.

Ang layo nya na sakin kaso nagkusa yung paa ko papalapit sakanya. Naguguluhan ako pero nagpatuloy parin yung mga paa ko papalapit sakanya.

"Kamusta na?" bati ni Geeboy

"Ok lang naman ikaw? Hala! Bakit ganyan na itsura mo? I mean umitim ka lalo oh! "

"Grabe ka naman! Panget na ba ako? So hindi mo na ko crush?? ..... Namiss kita!"

(°_°) (~_~;)

"Pahingi nga kong digits mo! para text text tayo" dagdag pa nya..

"Ayoko nga!! grabe ka!" nahihiyang sabe ko

Kaso wala na kong nagawa inabot nya yung cellphone nya inilagay ko na lang din yung number ko. Hindi ko na save.

" Tama ba to? baka hindi sayo to ah! dalaga kana oh! Sige na Hailey inuutusan lang ako ehh! Itetext nalang kita mamaya ha?! ingat ka pag uwi! Bye.."

"Bye.."

Nakaalis na sya sa harap ko ng wala manlang akong nasabi. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang saya saya ng puso ko.

"Ate tara na! " sabay kalabit ng katabi ko.

Habang nasa byahe ako pauwi iniisip ko sya sa hindi ko malamang dahilan nagtataka ako tatlong taon lang ang lumipas bakit ganun na yung dating nya. Malungkot sya ramdam ko.

Pagkarating ko sa bahay may nagtext sakin. Dahil unknown number at yung klase ng text nya alam ko na kilala ko na. Si Geeboy aaminin ko sa sarili ko iba talaga yung dating sakin ng lalaking to. Walang nakakabago.

Ng replyan ko ang text nya, tuloy tuloy na yun. Halos inabot kame ng 4am sa mga usap namen.

Sobrang daming napag usapan nakakamiss sya.

Oo namiss ko sya

Oo masaya akong nagkita kami ulit

Nung madaling araw na yun napag usapan din yung tungkol sa PROMISE ko sakanya noon na sakanya ko nilaan yung bandera ko.

Nung una balak ko pa sanang magpasalamat sakanya kase nga alam ko kahit kayang kaya nya naman talagang kunin sakin yun hindi nya kinuha..

"Ha?! Anong pinagsasabi mo?! Diba nakuha ko na?!!! ibig sabihin hindi mo alam?!! " sabi nya na gumulantang sa mundo ko

Hindi ko alam ang irereply ko sakanya. Pinilit kong alalahanin yung gabing yun pero wala basag na talaga ako sa alak nun. Pero sya alam na alam nya.

"Akala ko pa nga noon galit ka sakin, kase kinuha ko sayo ng ganun ganun na lang.. Ang alam ko galit ka sakin kaya mo ko iniwasan, nakaramdam din ako ng pagsisisi nung hindi na kita nakikita at nakakausap naramdaman ko na mahalaga ka pala sakin kaso huli na wala ka na iniwasan mo na ko. Sorry sa ginawa ko lahat sayo nun. Sorry Hailey"

Nakaramdam ako ng sakit sa mga sinabi nya alam kong hindi nya talaga ako minahal noon. Tinanggap ko na yun noon pa. kaso masakit pala talagang malaman na saka nya lang narealize lahat nung nilayuan ko na sya.

Sabagay minahal ko naman sya talaga hindi naman ako humiling nun na sana mahalin nya rin ako.

Naikwento ko rin sakanyang may nobyo ako.. kaso loko loko talaga sya eh

"So.. madami na tayong napag usapan, anong lagay natin ngayon?? Hindi naman tayo naghiwalay diba?!iniwasan mo lang ako so for confirmation lang?! Tayo na ba ulit? Isang tanong isang sagot oo o hindi?"

Grabe talaga to lagi nya kong naccorner sa isang tanong isang sagot na yan.. tumatanggi pa ko nung una kaso hindi talaga sya sumusuko sa mga ganung usapan.

Oo. Pumayag akong maging kami ulit

Sa kabila ng may nobyo ako at may asawa sya.

Oo na easy to get! Hindi ko alam sakanya lang naman ako nagiging ganito eh alam kong one-sided love na naman ang mangyayari..kung sakaling mahuhulog na naman tong puso ko sakanya. Bukod sa Wala naman laman yung puso ko nun kahit may nobyo ako uso pa nun yung pusong bato diba?! Hahaha

July 2 2013.

Kinagabihan non napagkasunduan naming magkita, natatakot pa akong puntahan sya non kasi nga baka malaman ni Dan na meron ng iba

at baka malaman ng babae yung tungkol samen..

Nung nagkita na kami naiilang ako sakanya nahihiya ako. Di ako makapag salita

"Alam mo parang hindi ka na yung Hailey na kilala ko nun, pakiramdam ko ibang tao kana hindi ka naman ganyan nun ah! Wala ka ngang takot nun! Kahit nalaman mong may mag ina na ko pinaglaban mo parin yung pag ibig mo sakin non! Bakit ngayon parang takot na takot kana ni wala na ngang kwentong lumalabas sayo. Sige umamin ka sakin.. "

Sakanya ko lang pala maamin lahat.

"Boy hindi ko alam eh nagpakabait naman ako diba? Kahit sakal na sakal na ko sa mga gusto nya pinagbibigyan ko sya , kaso kumbaga sa basketball foul na pala talaga yun. Alam ko naman na hindi talaga ako ganon kabait eh! Pero iniwasan ko lahat kase nakakapagod makipag talo masyadong makitid ang utak nya. Pinapahiya nya ko sa maraming tao, sinigaw sigawan nya ko ng walang sapat na dahilan nilalayo nya ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko rin sya maiwan dahil sa tinatakot nya ko. Mahal na mahal nya daw ako eh! ganon ba talaga ang pagmamahal? Ano bang gagawin ko? Tama pa ba to? Ako pa rin ba si Hailey? Hindi ko na nga kilala sarili ko. "

Pagkasabi ko nun hindi ko maiwasang hindi umiyak.. Hindi ko alam na sobrang sama na pala talaga ng mga tinatago ko sa sarili ko.. Akala ko okay na ko pero ang sakit sakit pala pag naririnig mo yung sarili mo na ganun pala yung pinag daanan ko sakanya.

"Sana pala aso na lang yung kinuha nya.. para kahit anong gusto nya sunod sunuran sakanya. Gago yun ah! Bakit ka naman pumayag ng ganyan?! Pati pagkatao mo binago nya!"

Habang sinasabi nya yun hindi ko parin mapigil ang sarili ko sa pag iyak damang dama ko na kahit papano napapatanag yung puso ko sa tabi nya.

-----------

Ayan n po muna hirap mag mobile ehh hahaha

Baka bukas na yung continuation ng pagkikita ng dalawa! Maraming salamat po!

Vote and comment(^∇^)

(^ω^)

July 4 2014

I'm Still into You (TLS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon