CHAPTER 1: MY PRINCESS-IN-SHINING-ARMOR?
<Leyran's POV>
"If you leave me tonight
I'll wake up alone
Don't tell me,
I won't make it on my own
Don't leave me tonight
This heart of stone
Will sing 'til it dies
If you leave me tonight.."
Galing ko kumanta noh?! Hahaha! Feeling vocalist ako eh! Kasama ko ngayon ang pinakamamahal kong si Lyric. At saan kami pupunta? Syempre, SA LANGIT! ^__^ Hahahaha! At kung tatanungin niyo naman kung sino si Lyric, siya lang naman ang girlfriend ko! Kaya sorry girls, but I'm already taken. Better luck next time! Pero joke lang yun, baka mawalan ako ng mga babaeng readers pag nalaman nilang taken na ako. Saka isa lang naman ang taong nagpapatibok ng puso ko. Hahaha! Si Lyric ay ang aking astiging Montero Sports. In short, isa po siyang kotse.
Ay teka, mas nauna ko pang ipakilala yung kotse ko kaysa sa sarili ko! I'm Leyran Kiel Buenviaje, incoming senior sa Eufronches Academy, taking up B Music. I play guitar, drums, keyboard, at kung ano ano pang instruments. Pwede na nga akong maging one-man band eh. Sandamakmak din ang collection ko ng mga albums and records ng mga astig na artists at banda. Sabi nila gwapo daw ako, pero dahil humble ako, OO, TOTOO! GWAPO TALAGA AKO! Capslock yan para damang dama niyo! Hahahaha!
So yun nga, dinadrive ko ngayon si Lyric dahil pupunta kaming LANGIT. Pagkadating ko sa aking destination, pinark ko na yung kotse ko, at pumasok na ko ng mall. At yun nga, nakita ko na ang LANGIT! Kung cartoon character ako, malamang kumikinang na yung mga mata ko. Nandito kasi ako sa harap ng Blue Magic. Oh, bakit? Eto ang HEAVEN para sa'ken! Sa dami ng mga cute na bagay dito, para na kong nasa langit! \(*O*)/
Pumasok agad ako ng store nila at nagtingin-tingin ng mga cute na stuff toys. Sabi nung bespren ko, childish daw ako! Eh ano ngayon? Bata pa naman ako ah! Saka ang cute kaya nila parang ako! Palibhasa puro babae lang inaatupag nung kumag na yun! Pagkapasok ko, may nakita akong isang light blue na medium size bear at may bow tie pa! Kawaii! Ay, shet, ang gay! Hahaha! Kinuha ko yun at tinignang mabuti, saka ko niyakap! Sobrang lambot!
"Hi Sir! Mukhang nagustuhan niyo yan ah. Para po ba sa girlfriend niyo? Naku! Sigurado po akong magugustuhan niya yan!" sabi nung lumapit sa akin na sales lady.
"Girlfriend? Haha. Hindi noh! Bibilhin ko 'to para sa'ken! Ang cute niya noh?!" tapos nilapit ko yung mukha ng teddy bear sa mukha ko habang ngiting ngiti.
"Aaah. Hehe. Ganun ba sir. Uhmm, o-o nga po. Cute yung teddy bear. Hehe." ang weird nung tawa saka nung tingin nung babae sa'ken. Haaaay. Parang alam ko na kung anong nasa isip nito.
"Miss, kung iniisip mong bakla ako, nagkakamali ka! Mahilig lang talaga ako sa mga cute na bagay. Ang judgemental mo naman! *pout*" lagi na lang kasing ganito ang scenario pag pumupunta ko sa mga ganitong shop. Mga tao nga naman. -___-"
"Naku sir! Wala naman po akong sinasabi! Sorry po! Ang cute nga po nung bear, parang kayo! Hehe."
"Talagaaaaa?! Alam ko namang cute ako eh! Hahaha! Kahit di mo na sabihin!" totoo naman eh, cute talaga ako!
Bigla kong nakita yung isa pang bear, kapartner yata nung kinuha ko kaninang teddy bear. Eto naman kulay pink tapos may red na ribbon. Kinuha ko yun at tinignang mabuti, saka ko niyakap! Sobrang lambot!
BINABASA MO ANG
Can Love Exist?
RomanceA story about individuals who see love in different ways. What if their worlds collide? Can love really exist among them? <3