Chapter 5: Name Issues

97 3 2
                                    

CHAPTER 5: NAME ISSUES... HIDDEN MEANINGS

<Kylie's POV>

Pareho kaming gulat na gulat sa nangyari, nanlalaki ang mga mata namin habang nakatingin sa isa't isa. At ngayon ko lang napansin, siya pala yung lalaking pakialamero na tumulong sa akin nung nasa parking lot ako ng mall. Langya! Eh isa rin pala 'tong manyak eh! Tinulak ko siya kaya natumba siya tapos tumayo naman ako. Lumapit ako sa kanya tapos...

"MANYAK KA! PERVERT! WAAAAAAAAAAH! T___T" binatukan ko siya, sinapak, sinampal, tinadyakan, hinampas, kinurot, kinagat, inuntog ang ulo sa semento hanggang sa dumugo, dinukot yung eyeballs niya, kumuha ng palakol at pinugot ang ulo niya, binalatan siya ng buhay gamit ang nail cutter, chinop-chop, at itinapon sa Ilog Pasig ang pira-piraso niyang katawan, dahil sa kanyang kamanyakan.

Okaaaaay, ang OA na masyado. Di po ako ganun kabrutal. Iexclude niyo na lang yung mga morbid na scene. Pero, sheeeeeeeet naman kasi... >////<

"Te-teka la-lang miss! W-wait! A-ano ba?! S-sorry na! Di ko naman sinasadya eh!" sabi niya habang umiilag at pinoprotektahan yung sarili niya sa pananakit ko. Lumabas tuloy ang pagka-amazona ko! Pano naman kasi, sa dami ng mahahawakan, bakit yun pa?! Waaaaaaaah T___T Magugunaw na ang earth!

"Arghhhhhh! Bwisit ka! Nahawakan mo yung... yung... WAAAAAAAAH! >____<" sinigaw ko yun habang patuloy pa rin ang pang-totorture ko sa kanya.

"KYLIE!" may narinig akong tumawag sa akin, pero di ko nilingon. Naramdaman ko na lang na parang may yumakap sa may beywang ko, tapos binuhat ako palayo kay manyak.

"Kylie, ano bang nangyayari?!" pagtingin ko, si Maj pala yung naglayo sa akin dun sa lalaki. Napatingin din ako dun sa manyak, nakita ko na nakalapit na rin sa kanya yung kaibigan niya. Inaalalayan siyang tumayo. Mukhang napuruhan yata sa akin. Sige na, ako na ang warfreak. -___-"

"Maj! T___T Yang... Yang... Yang lalaking yan! Manyak siya!" sabay turo dun sa lalaki.

"Te-teka... W-wag mong sabihing..." di niya matuloy yung sasabihin niya kaya tumango na lang ako.

"Oo... Maj..." nanlaki yung mata niya. Mukhang na-gets na niya yung sinabi ko.

"Halaaaa ka... Bestfriend... HINDI KA NA VIRGIN!" 

Huh?

Te-teka... Ano daw?

ANO?!

Di na ako VIRGIN?!

ANO DAW?!

Ay tanga!

Binatukan ko yung bobo kong bestfriend. Siraulo pala 'to eh! Iba yung pagkakaintindi niya.

"Aray naman! Bakit mo ko binatukan?!" sabi niya habang himas-himas yung ulo niya.

"Akala ko naman gets mo na yung sinasabi ko! Virgin pa ako! Baliw!"

"Eh... Te-teka... Sabi mo, manyak siya! Eh, di ibig sabihin... Minanyak ka niya!" 

"Hindi yung ganung 'kamanyakan!' Na-nahawakan niya... yung... yung..." tapos tinuro ko na lang yung dibdib ko. Nanlaki yung mata niya.

"NAHAWAKAN NIYA YUNG BOOBS MO?!" wow, nice! Isigaw mo pa more! Binatukan ko ulit siya. Langya talaga 'to oh!

"OO! Pero wag mo namang isigaw!"

Napatingin si Maj dun kay Mr. Pervert. And she glared at him. +__+

"Hoy, ikaw! Bakit mo ginawa yun sa inosenteng katawan ng bestfriend ko?!" ay, hanep, ang OA naman yata ng pagkadeliver niya sa line na yun. Di naman po ako na-rape.

Can Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon