A/N: This chapter is dedicated to you. ;) Kasi ang sipag mong mag-comment sa mga chapters. Hihihi :""> Hope yah like it!
*****
CHAPTER 7: What's On Their Minds.
<Alexis' POV>
"AJ!"
"AJ!"
"AJ!"
"AJ!"
"AJ!"
Ay leche! Paulit-ulit?! Napatigil tuloy ako sa ginagawa kong make out session with a random girl. Nandito kasi ako sa bar ngayon. Wala lang trip ko lang maghanap ng hot na babae. Inaya ko si Leyran pero di naman sumama. Ayaw niya daw mambabae, tsaka may pasok pa daw bukas. Tssss. Ang KJ!
"Is there something wrong, honey?" malanding sabi ng babaeng nakakalong sa hita ko. Habang nakakapit naman yung mga braso niya sa leeg ko. Teka, ano nga ba ulit pangalan neto?
"Wala naman. Nawala na ko sa mood." sabi ko.
"But why? Don't you like my kisses?" at tinuloy na naman niya ang paghalik sa akin. Grabe naman 'tong babaeng to, ang agresibo! Medyo tinulak ko siya palayo sa akin.
"Sorry sweetheart. But your kinda boring." sabi ko sa kanya. Parang na-offend naman siya dun sa sinabi ko. Well, totoo naman eh. Di siya ganun kagaling humalik. Bumaba na siya mula sa pagkakakalong ko sa kanya.
"Excuse me?! What the hell did you just say?" maarte niyang tanong sa akin.
"I said you're boring. You may leave now. Thanks, Brenda." sabi ko sabay inom nung alak na nasa table ko.
"It's Beatrice!" oooooh. Yun pala yung pangalan niya. Well, who cares?
"Yeah. Yeah. Whatever. Pareho naman B yung umpisa. You may go now. You're not a good kisser, anyway." parang namula naman sa inis yung babae kaya inirapan niya ako saka umalis ng padabog.
Bwisit lang ah. Hanggang dito iniistorbo pa rin ako ng boses nung Christian na yun. Maganda pa naman siya, actually type ko nga siya, kaso parang lalaki kumilos! Tomboy yata yun eh! Tsk. Sayang. Tapos tinawag niya pa akong "AJ." Pangalan ko ba yun? Hindi naman ah! Pauso masyado. Pero teka, pumayag nga pala akong tawagin niya ako ng ganun. Hala, bakit nga ba ko pumayag na mabigyan ng bagong nickname?
"Eh ayoko nga ng Jayro! Ang panget eh. Parang kanta ng Pussycat Dolls. Yung ano... yung... 'Jayro... You are the reason that I breathe. Jayro... You are the reason that I still believe. You are my destiny! Jayro...' Oh di ba? Kaya ayoko nun! AJ na lang."
"Pffft. HAHAHAHAHAHA!" bigla na lang akong natawa nung nagreplay sa utak ko yung napacorny na joke ni Maj. Oo nga pala, yun nga pala yung dahilan kung bakit ako pumayag sa "AJ." Grabe, laughtrip rin pala yung babaeng yun. Parang nawala agad yung pagkabadtrip ko ah. Weird? Badtrip ako sa kanya, pero at the same time, natutuwa ako sa kanya. Ibang klase rin talaga siya.
"Hoy Alexis! Anong tinatawa-tawa mo dyan?!" napatigil ako sa pagtawa nung sinigawan ako ni Ken, yung owner/bartender ng bar. Close friend namin ni Leyran si Ken.
"Hahahaha! Wala. May naalala lang ako."
"Dude, babae ba yan? Maganda ba?"
"Medyo."
"Anong medyo? Medyo maganda?"
"Hindi. Medyo babae."
BINABASA MO ANG
Can Love Exist?
RomanceA story about individuals who see love in different ways. What if their worlds collide? Can love really exist among them? <3