Chapter 11: At The Hospital

41 1 1
                                    

CHAPTER 11: At The Hospital

<Lorraine's POV>

"Pauline..." si Pauline nga, ang babaeng nakita kong kahalikan ni Kristoff. So siya pala ang nanay ng ni Tofer.

"Mommy, you know her?" Tofer asked.

"Uhmm. Baby, you want to play there? You can ride a swing there. And look, there's also a slide. Play with the other kids." sabi ni Pauline kay Tofer habang nakaturo siya dun sa malapit na playground na may mga naglalarong bata.

"Can I, Mom? Is it really okay with you?"

"Yes baby. But just stay there okay?" tumango naman si Tofer at tumakbo na papunta sa playground. Sinundan namin siya ng tingin ni Pauline. Maya-maya ay nagkatitigan na kami. 

Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit towards her. Siya yung babaeng ipinalit ni Kristoff sa akin. Isa siya sa dahilan kung bakit ngayon, hindi pa rin ako makaramdam ng sobrang kasiyahan. Kasi alam kong may kulang sa buhay ko. At siya ang dahilan kung bakit nawala sa akin si Kristoff.

"Lorrai-" hindi ko na pinatapos yung sinabi niya. Agad-agad akong lumapit sa kanya at sinampal siya. Sobrang nagagalit ako. Galit ako sa kanya, galit rin ako kay Kristoff, at may part sa akin na nagagalit din sa sarili ko, kasi hanggang ngayon di ko pa rin matakasan yung nakaraan ko.

"Bakit kailangan mo pang dumating noon sa buhay namin? Bakit kailangan mo pang sirain ang lahat? Bakit kailangan mo pang kunin ang kaisa-isang taong minahal ko? At bakit ikaw ang pinili ni Kristoff, imbes na ako?" tuloy-tuloy kong sabi kasabay ng mga luha ko.

"Sana nga... Sana nga ako ang pinili niya. Pero hindi eh, hanggang ngayon ikaw pa rin." sabi ni Pauline at nakita ko na naiiyak rin siya.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ba iniwan niya ako dahil sa'yo? Ikaw ang pinili niya!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi yan totoo Lorraine! Hindi ako minahal ni Kristoff! Ikaw lang, ikaw lang ang minahal niya!" di ko maintindihan. Anong ako lang? Eh kitang-kita ko nung mga oras na yun, hinahalikan siya ni Kristoff.

"Di kita maintindihan."

"Yung nakita mo, hindi yun ang buong istorya."

"Ano?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Hanggang sa napansin ko na hawak-hawak niya ng yung ulo niya. Habang yung mukha niya, hindi na maipinta. Halatang may masakit sa kanya.

"Pauline?" hinawakan ko yung balikat niya at bahagya siyang inalog. Nagulat na lang ako ng bigla siyang mawalan ng malay.

"PAULINE!" buti na lamang at nahawakan ko siya. Tinapik-tapik ko yung pisngi niya pero ayaw niyang magising.

"Mommy!" maya-maya ay nakita kong tumatakbo na palapit sa amin si Tofer.

"Help! Somebody help us!" sigaw ko. 

May mga lumapit namang tao sa amin. May dalawang guy na tumulong na magbuhat kay Pauline. Hawak-hawak ko naman si Tofer na umiiyak. Sobrang nagpapanic na ako. Pumara agad kami ng taxi at isinakay namin si Pauline dun. Nagpasalamat ako sa mga tumulong sa amin. Sumakay din kami ni Tofer sa taxi. Siya sa backseat, kasama yung mommy niya. Ako naman, katabi ng driver. 

Sinabi ko sa driver na dalhin kami sa pinakamalapit na ospital. 

"Manong, pakibilisan po!" natataranta na talaga ako, hindi ko alam kung ano ba ang nangyari kay Pauline. Sinilip ko si Tofer sa backseat. He's fumbling through his phone. Itinapat niya sa tenga niya yung phone.

"Daddy! Something bad happened to mom! Please go to the hospital right now." sabi ni Tofer. 

Nakarating na kami sa hospital. Tinulungan kami ni manong driver na buhatin si Pauline, at inilagay sa stretcher na nakastand-by. Dali-dali siyang ipinasok sa hospital. Kumuha na lang ako ng 500 sa wallet ko at binigay yun kay manong at nagpasalamat.

Sumunod na kami ni Tofer sa loob. Chineck ng doctor and nurses si Pauline. Niyakap ko na lang si Tofer at cinomfort dahil iyak pa rin siya ng iyak. Nasa isang room si Pauline habang chinicheck ng doctor. Nang lumabas ang doctor ay sinabi niyang maaari na naming puntahan si Pauline.

"Doc, ano po bang nangyari?" tanong ko sa doctor.

"Nahilo siya at sumakit ang ulo niya, symptoms ng sakit niya kaya binigyan na namin siya ng painkiller."

"Ano po bang sakit niya?"

"Siya na lang daw ang magsasabi sa'yo. Sige, I have to go." sabi nung doctor. Pumasok na kami ni Tofer sa room niya. Agad-agad tumakbo si Tofer palapit sa kanya at niyakap siya.

"Mom, are you okay? I'm really worried." 

"Yes, baby. I'm fine. I'm sorry for making you worried." 

"That's fine, Mom. At least you're already okay." 

"Pauline, ano bang sakit mo?" tanong ko sa kanya. Nacucurious na kasi ako, feeling ko hindi basta-basta yung sakit niya.

"Baby, upo ka muna dun sa couch. Just play with your phone. Mom and Tita Lorraine will just talk, okay?" sumunod naman si Tofer at umupo dun sa couch at nilabas niya yung phone niya. Umupo naman ako dun sa seat na katabi ng kama ni Pauline. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita.

"I have brain cancer. There's a tumor in my brain, and it's malignant. And the truth is, I was already given an 'expiration date.'" ngumiti siya ng malungkot.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ganun na kalalala yung sakit niya? 

"Does Tofer know about this?"

"He knows I'm sick. But he's not aware that I'm already dying. At ayoko namang ipakita sa kanya na nanghihina na ang mommy niya."

"How about your husband?" at biglang pumasok sa isip ko si Kristoff. Sila pa rin ba?

"I don't have a husband." ibig sabihin wala na sila ni Kristoff?

"What? Then, who is Tofer's dad?"

"Tofer's dad is not my husband." ewan ko, pero bigla akong kinabahan. Is there a possibility na si Kristoff ang daddy ni Tofer?!

"Is Tofer's dad... Kristoff?" kinakabahan kong tanong. Bago pa siya makasagot ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napalingon kami dun, at tumakbo si Tofer palapit sa kanya.

"Daddy!" 

Niyakap niya si Tofer. Napatingin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

Tama nga ako.

It's Kristoff.

And he is Tofer's dad.

Can Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon