CHAPTER 3: THE REASON WHY SHE DOESN'T BELIEVE
<Kylie's POV>
Haaay. Grabe. Asar talaga yung mga hinayupak na manyak na yun! Akala mo naman ang gagwapo, eh mukha namang mga kuhol. Badtrip! Pauwi na ko galing sa mall, nakakabwiset talaga yung nangyari! Pasalamat talaga yung mga mokong na yun at hanggang dun lang nagawa ko sa kanila. Papunta na kasi ako nun sa parking lot, kasi hinihintay na ako ni Cross, yung motor ko. Wag na kayong magtanong kung saan ko nakuha yang pangalan na yan, kasi di ko rin talaga alam. Kumakain ako nun ng donut. Tapos bigla na lang akong pinalibutan nung mga manyak na yun. Hinawakan pa nung isa yung braso ko, kaya ayun nahulog tuloy yung donut ko. -__-" Langya, Krispy Kreme pa naman yun! T___T Dapat talaga bubugbugin ko na yung mga yun kaso may dumating na lalaki.
May itsura siya, ay hindi lang pala may itsura, gwapo talaga siya. At yun tinulungan niya ko. Siya na ang bumugbog sa mga mokong na yun para sa akin. Natuwa na sana ako kasi hindi na ko napagod pa dahil ginawa na niya yung dapat na gagawin ko, kaso ayun! Nasuntok rin siya, kaya ang ending, ako lang din ang nagpatumba sa mga lalaking yun.
"Tsk. Tsk. Akala niyo naman kaya niyo ko! Mga lalaki ba talaga 'to? Partida, mag-isa lang ako! Haaaaay. WEAK!" walang kwenta naman pala 'to eh. Napalingon naman ako dun sa lalaking tumulong kanina sa akin. Nanlalaki yung mga mata niya, nagulat ata sa ginawa ko.
"O? Tinitingin-tingin mo dyan?" tanong ko sa kanya.
"Te-teka! Wag mong sa-sabihing, i-i-ikaw yung bumugbog sa ka-kani-l-la?!" Ay malamang. Kami lang naman ang nandito. Alangan namang binugbog nila yung sarili nila? -___-"
"Malamang! Sino pa bang gagawa niyan?! Tsss, akala ko pa naman knight-in-shining-armor na kita. Eh ako pala ang magliligtas sa'yo!" di ba ganun yung mga knight-in-shining-armor? Dadating siya pag in trouble yung damsel-in-distress? Psssh. Sabi na eh, kalokohan lang talaga yung mga ganyan.
"Eh kaya mo naman pala sila eh! Bakit ka pa humingi ng tulong?" aba! Di naman ako nanghingi ng tulong ah!
"Hindi naman ako humingi ng tulong ah! Bugbog-sarado na sana sa akin yung mga yun kung di ka lang umepal!"
"Hoy! Pasalamat ka pa nga tinulungan kita dyan eh! Malay ko bang amazona ka, at di mo kailangan ng tulong ko! Pasigaw-sigaw ka pa dyan!"
"Haaaaay. Ewan ko sa'yo! Bahala ka na nga dyan! Isa ka ring weak eh! Tssss." at tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Wala na ko sa mood makipagtalo.
"Thank you ha!" sarcastic niyang sabi. Tuloy pa rin ako sa paglakad. Kaso parang nakonsensya naman ako, kung sa bagay, dapat pa rin akong magpasalamat kasi kahit papano, tinulungan niya pa rin ako. Huminto ako at lumingon sa kanya, nakita ko siyang naglalakad na rin palayo.
"HOY!" sigaw ko sa kanya. Huminto naman siya at lumingon.
"Oh? Ano na naman?" kunot-noo niyang sabi.
"Kahit na parang ako pa nagligtas sa'yo sa huli, salamat pa rin." at nginitian ko siya. Parang natulala naman siya dun kaya tumalikod na ulit ako at naglakad palayo. Ewan ko rin kung bakit ko siya nginitian. Pero kasi, he seems like a very nice person. And besides, parang ang gaan ng loob ko sa kanya, sa hindi malamang kadahilanan.
Pagkadating ko ng bahay namin, pinark ko na si Cross sa garahe namin. Pumasok na ko sa bahay, at dumiretso sa favorite kong lugar sa bahay, KUSINA! Binuksan ko agad yung ref namin at kumuha ng dalawang pack ng chips, tatlong bars ng chocolate, isang slice ng cake, at dalawang bote ng mogu-mogu. Pasensya na, hindi kasi ako gutom. ^__^
BINABASA MO ANG
Can Love Exist?
RomanceA story about individuals who see love in different ways. What if their worlds collide? Can love really exist among them? <3