Chapter 2: The Beginning and The End

127 3 2
                                    

CHAPTER 2: THE BEGINNING AND THE END

<Lorraine's POV>

"Manang, aalis po muna ako ha." sabi ko dun sa isa naming kasambahay.

"Saan po kayo pupunta Ms. Lorraine?"

"Ah, basta po. Dyan lang po sa malapit."

"Ah, sige ma'am. Ingat po kayo." tumango na lang ako at lumabas na ng bahay namin.

Pumunta ko sa garage at kinuha ko yung bike ko. Pupunta ko sa isa sa mga memorable na lugar para sa akin. Sumakay na ko ng bike at nagpidal hanggang sa makarating ako sa park. Bumaba na ko ng bike at hinila na lang yun hanggang sa marating ko ang isang puno. Nilagay ko muna yung bike sa isang tabi. Tapos umakyat na ako ng puno. Dito kasi ang favorite spot ko sa lugar na ito. Kitang-kita ko kasi ang lahat mula sa taas. Nung makaakyat na ko, umupo na ako dun sa isang branch nung puno. Don't worry, sanay na ko dito. Matagal ko na ring tambayan 'to, at so far, hindi pa naman ako nahuhulog o nababalian ng buto. Umupo ako ng maayos at sinandal yung ulo ko sa parang pinakatrunk nung puno. Tinignan ko ng mabuti yung park. Iilan lang yung mga tao na nandito. Medyo secluded kasi yung park kaya commonly, mga taong gustong magrelax ang pumupunta dito. Ang ganda, ang peaceful. And it brings back all the memories... How it all started, and how it ended painfully.

*Flashback*

6 years ago...

Inaya ako ni Leyran dito sa park-- Sandara Park. Hahaha! Sige na, corny na. Walang pakealamanan! Eto yung pangalan ng park namin eh. Yun nga, inaya ako ni Leyran kasi may event daw na mangyayari dito. Saka parang may mini carnival. Pagdating namin, ang daming tao.

"Grabe Ley! Ang dami namang tao dito! Ano ba kasi talagang meron?" tanong ko kay Leyran.

"May event nga dito! Ang alam ko may mga banda daw na tutugtog eh. Tapos meron atang fireworks display later."

"Oy! Mag-stay tayo hanggang mamaya dito ah! Gusto kong makita yung fireworks display!" gustong gusto ko kasi talagang nakakakita ng fireworks.

"Hahaha! O sige! Isip bata ka talaga! Tara dun muna tayo!" tapos hinila na niya ako kung saan.

Naglibot-libot lang kami tapos nag-foodtrip sa mga booths dun. Tapos narinig naming nagsigawan yung mga tao. At nagkumpulan na sila dun malapit sa stage na nakaset-up.

"Nandyan na ata yung banda! Tara manood tayo!" aya sa akin ni Leyran. Tumango naman ako at nakipagsiksikan na kami dun sa maraming tao. Nakapunta naman kami dun sa medyo gitnang part. Good thing, medyo matangkad kami ni Leyran kaya kitang-kita namin yung band na magpeperform on stage. Nag-start na silang tumugtog. At wow! All Time Low ang peg nila!

No, I won't call you baby

I won't buy you daisies

'Coz that won't work

And I know I'll get you crazy

I'll make you want me

So bad it hurts

Ang astig nila! Ang ganda pa nung boses nung vocalist. *O*

I wanna be good, good to you

But that's not, not, not your type

Can Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon