Chapter 6: Another Chance Maybe

80 3 6
                                    

CHAPTER 6: ANOTHER CHANCE MAYBE

<Lorraine's POV>

Papunta na ako nun sa meeting place namin ni Leyran. Ibibigay na daw niya kasi yung kung ano mang regalo niya sa akin. Hindi ko naman birthday? Ano nga kaya yun? Pero parang may idea na ako eh. Kasi naalala ko nun yung sinabi sa akin ni Leyran. 

*Flashback*

Nasa park ako nun, nakaupo ako sa swing habang nakatingin sa kawalan. Tapos maya-maya, napansin kong gumalaw yung katabi kong swing. Pagtingin ko, nakita ko dun na nakaupo si Leyran. Nakatatingin siya sa akin.

"Oh? Nagmumukmok ka na naman dyan. Ang ganda ganda mo bestfriend pero lagi ka namang nakasimangot." sabi niya sa akin.

"May naaalala lang kasi ako."

"Sino? Siya na naman? Haaaay. Bestfriend kita kaya ayokong nakikitang malungkot ka." alam niya kasi yung nangyari noon sa amin ni Kristoff, pero lagi niyang iniiwasan yung topic na yun. Alam niya kasing sensitive ako pag yun ang usapan. Sa kanya ko laging sinasabi yung mga nararamdaman ko. Si Leyran kasi ang confidant ko.

"Sorry. Di ko kasi maiwasan."

"Bakit kasi siya pa? Nandito naman ako." anong ibig sabihin niya dun? Siguro, ayaw niya lang nakikitang malungkot ako. Ganyan talaga mag-care si Leyran, para na ngang magkapatid ang turingan namin. 

"Ley, alam mo namang hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya di ba? Saka alam ko namang lagi ka lang nasa tabi ko. Bestfriend kita eh." 

"Bestfriend..." sabi niya ng pabulong. Parang sinabi niya lang yun sa sarili niya. Diretso lang yun tingin niya tapos ngumiti siya pero, ang lungkot ng mga mata niya. Ang weird niya ata ngayon.

"Ley, okay ka lang?"

"Ha? Ah. Oo naman. Iniisip ko lang kung ano kayang pwedeng makapagpasaya sa'yo." tapos tumingin siya sa langit na para bang nag-iisip. Ano nga bang makakapagpasaya sa akin? Eh di ang bumalik siya sa'yo. Ano pa ba?  Narinig kong sabi ng utak ko. Hahaha. Nakakatawa, para na akong baliw. Pati utak ko, kinakausap ko. Pero alam ko, tama siya. Yun nga lang siguro ang makakapagpasaya sa akin. Pero alam ko rin, imposible na yung hinihiling ko.

"Alam ko na! Bibigyan na lang kita ng teddy bear!" nagulat ako nung biglang nagsalita si Ley. At ano daw? Teddy bear? Anong gagawin ko dun?

"Teddy bear? Leyran, di na ako bata."

"Bakit? Para lang ba sa mga bata ang teddy bear? Pwede rin yun sa mga taong malungkot no!"

"Ha? Paano?"

"Kasi pwede mo silang yakapin pag nalulungkot ka. Hugging someone can somehow ease and cure the pain of a broken heart. Hindi nun, basta-basta maaalis ang sakit pero at least, it will give you comfort. Saka, masaya kayang i-voice out lahat ng feelings mo sa isang bagay na hindi nagsasalita."

"Paano naman magiging masaya yun? Eh di ba mas kailangan ng mga taong malungkot ang words of encouragement and comfort para maging okay sila?"

"Not all the times. Sometimes, you just need someone or 'something' that is willing to listen to all your burdens. May ibang tao kasing mas gustong magsabi ng nararamdaman nila sa mga taong handang makinig kaysa dun sa mga nagbibigay ng magagandang advice."

"Bakit naman?"

"Eh kasi, ipaparamdam nila sa'yo na handa ka nilang damayan at handa silang makinig sa lahat ng sasabihin mo. Hindi sila magsasabi ng mga magagandang bagay para lang maramdaman mong magiging ayos lang ang lahat, kahit ang totoo, hindi naman talaga."

Can Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon