Chapter 9: Joyride

53 0 0
                                    

CHAPTER 9: Joyride

<Leyran's POV>

"Sakay na." pag-aaya sa akin ni Kylie. Habang nag-uusap kasi kami ng tungkol sa kadramahan ko sa buhay, bigla niya akong inayang magmotor. Pumayag naman ako, kasi sa tingin ko kailangan ko rin 'to para makalimot, kahit konti lang. Umangkas na ako sa motor niya.

"Kapit kang mabuti ah." hala, teka lang, saan ako kakapit?

"Kumapit ka sa akin." parang nabasa niya yata yung iniisip ko. Hahawak na sana ako sa beywang niya, kaso parang nakakailang yata yun.

"Huy! Ano bang nangyayari sa'yo? Gusto mo bang mahulog habang nagmomotor ako? Humawak ka sa akin." sabi niya sa akin.

"Ah. Eh.. S-saan ba ako kakapit?" tanong ko sa kanya.

"Sa gulong siguro. -____-" sarcastic niyang sabi.

"Eh? Kutusan kita dyan eh!"

"Kaya mo? Kaya mo?! Subukan mo lang!" sabi niya habang nakalingon sa likuran niya dahil nga nakaupo siya sa harap ko.

"Hahaha. Joke lang po. So, saan nga ako kakapit?"

"Sa balikat ko na lang. Baka kasi naiilang ka eh." sabi niya habang nakasmirk. Aba, nang-aasar ba siya?

"H-hindi ako na-naiilang ah!"

"Hahaha. Sabi mo eh. Humawak ka na sa balikat ko." at humawak na nga ako sa balikat niya. Pinaandar na niya yung makina ng motor niya at tuluyan na kaming umandar.

"AAAAAAAAAHHHHHH!" sigaw ko. Eh paano naman kasi, napakabilis palang magtakbo ng babaeng 'to!

"Hahahahaha! Kapit lang ng mabuti Buenviaje. Biyaheng langit 'to."

"Ho-hoy! A-anong biyaheng langit?! Mahal ko pa ang buhay ko!" kailangan naming isigaw yung mga sinasabi namin para magkarinigan kami.

"Ayos lang yan! Bakit, wala ka bang tiwala sa akin?" tiwala? May tiwala nga ba ako kay Kylie? Oo naman. Kahit sandali pa lang kaming nagkakakilala, alam kong mapagkakatiwalaan ko nga siya. Pero sa ganitong klaseng sitwasyon, ewan ko na lang! May balak yatang magsuicide ang babaeng 'to eh.

"May tiwala ako sa'yo, pero kung ganito ka magpatakbo, wag na lang!"

"Hahahaha! Wag kang mag-alala, wala pa kong balak mamatay. Mas masaya nga yung ganito eh. Mas nakakaenjoy magjoyride, lalo na kung may thrill!" sabi niya sa akin.

"Thrill ka dyan! Teka nga, bakit ba wala tayong suot na helmet?! Baka maaksidente tayo niyan sa ginagawa mo eh!"

"Yun nga yung thrill eh. Saka wag kang matakot. Hindi mo mararanasang maging masaya, kung pangungunahan ka ng takot mo." natahimik ako sa sinabi ni Kylie. Double-meaning. Takot? Takot nga ba akong sabihin kay Lorraine ang nararamdaman ko? Siguro nga. Ang pagiging torpe ay maituturing din na isang kaduwagan.

"O? Natahimik ka dyan?" tanong sa akin ni Kylie.

"Aah, wala lang. May naalala lang ako. Teka, saan nga pala tayo pupunta?"

"Di ko alam." ano raw? Pinasakay niya ako sa motor niya, walang helmet, at napakabilis ng takbo... tapos sasabihin niya sa akin na wala pala kaming patutunguhan?!

Can Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon