CHAPTER 10: Lorraine, Tofer and...
<Lorraine's POV>
Weekend ngayon kaya wala akong masyadong gagawin. Lalabas na lang muna ako, mas mababagot lang ako pag nag-stay ako sa bahay. Kinuha ko yung bike ko sa garahe. Hmmm, saan naman kaya ako pupunta? Bahala na. Nagsimula na kong magpedal. Bahala na kung saan ako makakarating.
After ilang minutes...
Sabi na nga ba, dito ko dadalhin ng mga paa ko. Sa park. Siguro ganito na talaga ko kaattach sa lugar na 'to. Parang parte na ng pagkatao ko ang park na 'to. Weird? Siguro ganun talaga dahil naging saksi ang lugar na 'to sa bawat saya at sakit na naranasan ko. Pumunta ako sa usual spot ko, dun sa isang puno. Yung puno na puro alaala. Isinandal ko yung bike ko sa puno pagkatapos ay inakyat ko na yun, gaya ng lagi kong ginagawa. Pagkaupo ko ay iginala ko ang paningin ko sa buong lugar.
Nadako ang paningin ko sa dalawang batang naghahabulan, isang lalaki at isang babae. Yung batang lalaki ang humahabol dun sa batang babae. Mukhang enjoy na enjoy sila. Biglang nadapa yung batang babae, at nakita kong mangiyak-ngiyak na siya. Yung batang lalaki naman, tumatawa. Maya-maya ay umalis yung batang lalaki at iniwan yung batang babae na umiiyak. Bakit niya iniwan yung batang babae?
Bababa na sana ako sa puno at lalapitan yung batang babae nang bigla akong mapahinto. Bumalik yung batang lalaki, at may dala-dala siyang ice cream. Yung batang babae, nakaupo pa rin sa damuhan. Lumuhod yung batang lalaki sa harapan niya para magkapantay na sila, pagkatapos ay inabot nung batang lalaki yung ice cream sa batang babae. Tinignan muna yung nung batang babae, pagkatapos ay kinuha na niya yun. Nakita kong nginitian nung batang lalaki yung babae, ganun din ang ginawa nung batang babae. Tinulungan nung batang lalaki na tumayo yung batang babae. Pagkatapos ay may inabot siyang panyo. Gamit ang panyong yun, pinunasan nung batang babae yung luha niya. Hinawakan nung batang lalaki yung kamay nung batang babae at naglakad-lakad sila.
"Ang cute." napangiti ako sa nasaksihan ko. Para akong nanood ng commercial o kaya ng short film. Biglang umihip ang sariwang hangin. Nakakarelax. Dahil dun, sumandal ako dun sa sanga ng puno at ipinikit ko ang mga mata ko.
*CRAAAAASH*
Nagulat ako dun sa tunog na parang may bumagsak kaya idinilat ko yung mata ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng iyak ng bata.
"Waaaaaaah! T___T" napatingin naman ako sa ibaba ng puno para makita kung saan nanggagaling yung iyak. Nakita ko yung bike ko na nakatumba, tapos may bata. Hala shet! Nadaganan yung binti nung bata!
Dali-dali akong bumaba para tulungan yung bata. Tinalon ko na lang yung puno. Itinayo ko yung bike ko at isnandal ulit dun sa puno. Tinulungan ko naman na makatayo yung bata na ngayon ay umiiyak habang pinupunasan ng maliliit niyang kamay yung mga mata niya.
"Hey, are you okay?" tanong ko dun sa bata pero patuloy lang siya sa pag-iyak. Kinuha ko yung isang kamay ng bata tapos nilagay ko dun yung panyo ko. Nang iangat nung bata yung kamay, dun ko lang nakita yung mukha niya. Wait, this kid looks familiar? Aha!
"Tofer?" napatingin naman sa akin si Tofer. He tilted his head as if trying to remember who I am.
"Lorraine?" he said with his oh-so-cute voice.
"Yup! Teka, ano bang ginagawa mo dito? Saka paano ka nadaganan nung bike ko?" sabi ko sa kanya habang pinupunasan yung luha niya. Maya-maya ay huminto na rin siya sa pag-iyak.
"This is your bike?" sabay turo sa bisikleta ko. Tumango naman ako.
"Well, I was just strolling around here and then I saw your bike. I really want to learn how to bike but I don't have one. So when I saw your bike, I got curious and thought maybe I could borrow it for a while and try to ride it. I grab its handle and suddenly it fell down and it landed on my legs." sabi niya. Natawa naman ako, like, hello? Eh mas malaki pa sa kanya 'tong bike ko eh. Paano naman niya kaya masasakyan 'to?
BINABASA MO ANG
Can Love Exist?
RomanceA story about individuals who see love in different ways. What if their worlds collide? Can love really exist among them? <3