CHAPTER 8: A Day With Him
<Kylie's POV>
"Hang shaaraaaap!" with full conviction kong sabi habang kinakain yung cake na ginawa namin sa baking class namin.
"Hoy! Ipapatikim pa natin yan kay Prof!" sigaw sa akin nung isa kong classmate. Di ko na papangalanan, di naman magtatagal ang role niya sa istoryang ito. Bwahahaha!
"Isang slice lang naman ang iseserve natin kay Ser Chef eh." Ser Chef kasi ang tawag namin sa instructor namin sa baking. Hahaha. Inspired sa isang TV show. (siguro naman alam niyo na yun :D )
"Haaay. Bahala ka nga dyan. Takaw mo talaga. Penge nga ako!" ay, biglang ganun? Kunwari pa 'to gusto rin namang kumain. -___-" Binigyan ko siya ng fork. Nakikain na rin yung iba naming classmate at nagtira na lang kami ng slice na iseserve namin kay Ser Chef. Lumabas na ko ng room, bahala na silang magbigay nun kay Prof.
After ng baking class namin, may two hours akong vacant kaya naglakad lakad muna ko sa campus namin. Habang naglalakad ako, napansin kong yung ibang estudyante, nakatingin sa akin. At yung iba, tumatawa pa? Hala, anong problema nila? Aaaah. Baka kasi dahil nakasuot pa ako ng chef uniform. Eh? Ano namang kakaiba at nakakatawa dun? Di ko na lang sila pinansin. Wafakels.
Pupunta na lang ako ng cafeteria, nagugutom ako eh. As always. ^___^
Pagkadating ko sa cafeteria, nilibot ko na yung tingin ko sa mga stalls. Malaki ang cafeteria ng E.A. Maraming food stalls at ang sasarap pa ng mga pagkain. Eto ang heaven para sa akin! Hahaha :D
Habang naglalakad ako, nagpapaikot-ikot ang tingin ko para maghanap ng makakain. Kaya di ko napansin na may tao na pala sa harapan ko.
"Aray..." umaray ako, pero di naman talaga ako nasaktan. Hahaha. Wala lang. Naramdaman ko lang na tumama yung mukha ko sa dibdib ng babae. Sigurado akong babae yun, kasi alam niyo na. Sa dibdib nga kasi ako tumama di ba? Hahaha!
Mas matangkad siya sa akin. At pagtingin ko sa kanya, napa-WOW na lang ako. Grabe, ang ganda naman niya! Parang ang perfect ng features ng mukha. Tapos ang angelic pa. Hindi ko namalayan na I was already staring at her for a long time. Sobra akong namesmerize sa ganda niya. *O*
"Um.. Are you okay?" tanong niya sa akin. Pati boses niya ang soothing pakinggan.
"Ah. O-oo. Naku, sorry ah. Di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." buti na lang di malakas yung pagkakabungguan namin.
"It's okay. No harm done." then she smiled a little. A little lang talaga kasi parang nagtwitch lang yung side ng lips niya. Siguro bagay na bagay sa kanya kapag nakangiti talaga siya. Baka mas lalo siyang magmukhang anghel. Napatingin ako sa uniform niya. Kumunot yung noo ko nung nakitang may stain yung uniform niya. Eh? Saan naman kaya yun nanggaling? Parang may kulay brown, tapos red. Sa itsura pa lang, alam kong cake yan. May cake na pala dito sa cafeteria namin? Hohoho. Kailangan kong makabili nun. Mukhang masarap eh. ^O^
"Ah. Eh. May something sa uniform mo." sabi ko sabay turo dun sa mantsa. Napatingin siya dun.
"Oh. Don't worry magpapalit na lang ako ng uniform ko later." sabi niya habang pinupunusan ng panyo yung stain.
"Saan mo nabili yung cake?" tanong ko sa kanya.
"Huh? Cake?" sabi niya.
"Yup. Cake yang nasa uniform mo, right? Baka nung kumakain ka, may nahulog na cake sa uniform mo kaya nagkaroon ng stain. Saan mo nabili yan? Mukhang masarap eh. ^__^"
BINABASA MO ANG
Can Love Exist?
RomanceA story about individuals who see love in different ways. What if their worlds collide? Can love really exist among them? <3