CHAPTER 4: AND SO THEY MEET AGAIN... AWKWARD WAY!
<Leyran's POV>
Maaga akong nagising dahil first day ngayon ng school. At isa pang reason, excited na kong makita ang pinakamamahal kong si Lorraine. Hihihi. :"> Dumiretso agad ako sa c.r. at naligo. Syempre kailangan fresh na fresh ako. Halos isang oras din akong naligo. Ganun talaga pag gwapo. Hahaha! Paglabas ko ng c.r. nag-ayos na ko ng sarili ko. Sinuot ko na yung uniform ko. Prinepare ko na rin ang mga gamit ko. Humarap ako sa salamin at syempre nagpagwapo (kahit di naman talaga kailangan kasi gwapo na ko.) Nilagyan ko ng wax yung buhok ko, nagpabango, at kung ano-ano pa. Oo na, may pagka-vain po talaga ako. Pero wag na wag niyong iisiping bakla ako, baka halikan ko kayo dyan! Di ako defensive, nagsasabi lang po ng totoo. Alam niyo naman ang mga tao nowadays, may pagka-judgemental. Okay, ang haba na naman ng monologue ko. Nasa may pintuan na ako, pero bumalik ulit ako sa harap ng salamin.
"Last look!" tinignan ko ulit yung sarili ko sa salamin.
"Gwapo mo talaga Leyran! Hahaha!" sabi ko sa sarili ko. Pasensya na, masyado talaga kong bilib sa kagwapuhan ko eh. ^___^
Bumaba na ko at pumunta sa dining room. Nakita ko na nag-bebreakfast na dun si mom.
"Good morning, Ma!" bati ko sa mama ko. Sabay halik sa pisngi niya.
"Good morning, Ley! Gwapo mo natin ngayon ah! Hahaha. Kain ka na." sabi naman ni mama.
"Ma, matagal ko ng alam na gwapo ako."
"Aba, syempre mana ka sa akin! Hahaha." sabay pasok ni daddy. O ngayon alam niyo na kung saan ko napupulot 'tong confidence ko. Like father, like son talaga. ^__^
"Haaay naku. Parehong-pareho talaga kayo ng daddy mo. Kumain na nga lang tayo." natawa na lang kami ni daddy. Ang swerte ko talaga kasi ganito kasaya ang pamilya ko. Sobrang close namin sa isa't isa.
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kami kay mama. Si daddy kasi pupunta na ng office niya. Ako naman, papasok na sa school. Sumakay na ko kay Lyric at napangiti ako nung nakita ko dun yung dalawang bear na binili ko. Hindi ko na siya inalis sa kotse kasi baka makalimutan ko pa. Excited na kong ibigay 'to kay Lorraine. Nagdrive na ko papunta sa school ko.
*****
<Kylie's POV>
"Lie-Lie!"
"Hmmmpp..."
"Lie-Lie, ano ba! Gumising ka na dyan! Malelate ka na! Naghihintay na sa baba si Maj!"
"5 minutes pa, Ma." sabi ko, sabay talukbong ko ng kumot. Inaantok pa ko eh.
"KYLIE ANGELA DEONA! BUMANGON KA NA DYAN!" napabalikwas ako at nahulog sa kama. Pano ba naman, biglang sumigaw si Mama, and take note, with matching megaphone pa. Opo, ang weirdo niya. Lagi niya yang ginagamit, lalo na pag di niya ako magising.
"Eto na po. Gising na nga po. Di niyo na po kailangang gamitin yan." tumayo na ko at kinusot-kusot pa yung mata ko. Antok pa talaga ko. =___=
"Bilisan mo ng kumilos dyan Lie-Lie. Nasa baba na si Maj!" ay hala. Oo nga pala, sabay kaming papasok ni Maj ngayon. Tumakbo na ako agad sa c.r. at nagmadali ng maligo. Pagkalabas kong mag-c.r., nagbihis na agad ako. Nag-ayos lang ako sandali sa harap ng salamin. Nagsuklay ako and nagpabango. Para kahit papano, matino ang itsura ko. Pagkatapos ay bumaba na ko. Nakita ko dun si Maj na mukhang asar na asar na.
BINABASA MO ANG
Can Love Exist?
RomanceA story about individuals who see love in different ways. What if their worlds collide? Can love really exist among them? <3