Eight: It's Over

34 2 12
                                    

Ring ng ring ang phone ni Faith pero hindi niya ito sinasagot. Si Raven ang tumatawag at naka-five missed calls na ito pero hindi pa rin ito tumitigil. She just stared at her phone with blank expression. There's no way she's gonna pick it up.

Just seeing his name flashing on the screen made her cringe. Isang araw na ang nakalipas buhat nang mangyari 'yon pero parang hindi pa rin niya makalimutan. It was like a nightmare. Parang nararamdaman pa rin niya ang mga braso nitong mahigpit na nakapulupot sa kanyang baywang. Napapikit na lang siya habang pilit na winawaksi ang eksenang iyon sa kanyang isipan.

Pagdilat niya ay tumigil na ang tawag pero nagpadala naman ito ng mensahe. Tamad niyang binuksan ito at binasa.

I'm sorry. Can we talk?

No way. She muttered under her breath.

She turned her phone off para hindi na makatawag pang muli si Raven. Pagkatapos ay nag-ayos na siya para pumasok sa klase.

~~

"Babe, sandali!"

Faith stopped abruptly nang marinig niya ang boses ni Raven. Pero saglit lang at nagpatuloy ulit siya sa paglalakad at hindi man lang ito nilingon.

"Babe, please, mag-usap tayo." narinig niyang muling wika nito. Patuloy pa rin ito sa pagsunod sa kanya.

Hindi pa rin niya ito nililingon at binilisan lalo ang paglalakad. Kung pwede nga lang tumakbo siya para lang makatakas sa demonyong nakabuntot sa kanya.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang classroom nila. May mga tao na sa loob kaya pumasok na rin siya. She sighed in relief the moment she sat down on her seat. Sumulyap siya sa pintuan at nakitang nakatayo si Raven sa labas. He was looking at her with a sad look on his face.

Wag kang magpapaloko sa ganyang mukha, Faith. Wika ng maliit na boses sa kanyang isipan.

Tama. Ilang beses na siyang nagpadala sa mga paawa ni Raven pero ngayon hindi na. Ginantihan niya ito ng matalim na tingin bago niya ibinaba ang tingin. Pagkaraan ng ilang minuto'y sumilip ulit siya pero wala na si Raven sa labas. She let out a heavy breath.

Dumating na rin ang teacher nila at nagsimulang mag-lecture. Itinuon na lang niya ang atensyon sa guro kahit parang tinatamad siyang makinig. Hindi niya naman kasi gusto itong course na kinuha niya. It's her parents' decision to take HRM course. Plano kasi ng papa niya na ipasok siya sa pinagtatrabahuhan nitong luxury hotel sa Dubai. Manager na ang papa niya ngayon doon at gusto nitong sundin ni Faith ang yapak nito. Pero kung siya lang ang masusunod, she wanna take Education course. Gusto  talaga niyang maging teacher simula pa noong bata pa siya. She had always imagined herself wearing a teaching uniform and doing a lecture in front of her students, kagaya ng ginagawa ng professor nila ngayon. But that dream would just forever be a dream.

After one hour and thirty-minutes, natapos na rin ang klase nila. She joined her classmates as they headed on their next subject.

~

It was lunch time nang mag-text muli si Raven. Gusto raw nitong makasabay siya sa lunch. She again ignored his message. Mas gusto niyang kumain ng mag-isa kaysa sa makasabay si Raven. At wala rin siyang balak na magpakita rito.

Sa halip ay si Patricia ang tinext niya. She missed lunching with her best friend. Ever since naging sila ni Raven ay bihira na lang siyang makasabay kay Pat. Except lang kung pupunta ito sa apartment niya. At alam niyang iyan din ang itinatampo nito sa kanya minsan kaya ngayon ay gusto niyang makabawi.

Nagdesisyon silang doon kumain sa labas ng school para makaiwas na rin kay Raven. Sigurado si Faith na nandoon ito sa cafeteria at naghihintay. Pero asa pa ito dahil hindi talaga siya magpapakita.

Falling In Love With A JokerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon