Twenty-One: His Ex

29 2 15
                                    

Raf's family had an abundant life back in Portugal. His father was a businessman. He gives all their needs, he's been a supportive dad to him and a loving husband to her mom. But it only takes one secret to ruin their happy life. Lumantad ang unang asawa ng daddy niya. That means, hindi sila ang legal nitong pamilya. It turned out that he's an illegitimate child and his mom's a mistress. Pero hindi iyon alam ng mommy niya dahil inilihim ito ng dad niya. Ito rin marahil ang rason kung bakit hindi pa nito pinapakasalan ang kanyang ina.

His mom was so depressed that time. Halos mabaliw ito sa nalaman. Pero kahit ganoon ay hindi nito ipinagtabuyan ang asawa. Mahal na mahal pa rin ito ng mommy niya. Even his dad also felt the same. Sila ang pinili nito, sila ang itinuring nitong totoong pamilya. His father explained everything. Arranged marriage daw ang nangyari at hindi daw nito mahal ang una nitong asawa. His dad apologized to his mom and she accepted him again. Their life slowly went back to normal. Pero sandali lang iyon dahil ginugulo sila ng unang asawa nito. Ayaw silang tigilan hangga't hindi hinihiwalayan ng mommy niya ang daddy niya. The first wife even threatened his mom to file a case against her. Sa huli, ang mommy na niya ang sumuko. Wala itong laban pagdating sa korte. Hindi pa sana payag ang daddy niya pero buo na ang desisyon ng kanyang ina. Ito na mismo ang nagparaya. So when Raf was twelve years old, that's when his parents totally parted ways. Buntis pa naman noon ang mommy niya kay Andreia. Bumalik sila dito sa Pilipinas at hindi man lang nakita ng kanyang kapatid ang kanilang ama. Dito na kasi ito ipinanganak.

"Sorry to hear that," parang naiiyak na wika ni Faith.

Raf slightly chuckled. He didn't expect she would be that emotional after hearing his story.

"Don't cry," aniya.

Tumawa ito. "I am not. Na-carried away lang ako. At naisip ko, ang swerte ko dahil buo ang parents ko."

"Yeah, you're such a lucker."

She smiled at what he said. Pinunasan nito ang pisngi nang may nakatakas na luha mula sa mga mata nito. He actually wanted to do it for her. But he cannot do the move. Naalala kasi niyang pinigilan siya nito kanina nang tangkain niyang hawakan ang pisngi nito. Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit ganoon ang naging reaksyon nito.

"But you don't hate him, do you?" tanong ni Faith sa kanya.

Bumuntong-hininga siya.

"No. I don't hold a grudge. That's what mom told me. He's still my father after all. And he never failed to support us despite of what happened." paliwanag niya.

Faith smiled. "That's good. Matagal na kayong hindi nagkikita?"

"I actually went to visit him just last year," sagot niya.

"Oh...you mean you went back to Portugal?" mangha nitong tanong.

"Yup. That was my first visit after six years," bahagya siyang tumawa. "But I didn't bring my mom and sister along."

"Bakit?" curious na tanong ni Faith.

"Ayaw ni mommy dahil baka makita siya nung first wife ni dad," tumawa ulit siya.

But Raf knows how much her mom wanted to see his dad. She's still in love with his father, he could tell. It was a prove that his mom didn't seek a replacement for his father. Alam niyang umaasa pa rin itong magiging buo ang pamilya nila. At maging siya kahit mukhang malabo itong mangyari.

"Sayang, hindi man lang sila nagkita ng kapatid mo."

Mapait siyang ngumiti at tumango. "But I know there will be a time for that."

Sumang-ayon si Faith sa sinabi niya.

"Do you miss him already?" tanong nito pagkatapos.

"Yup," ngumiti siya. "I actually missed Portugal. And also my friends there." Tumingala siya at muling sinariwa ang alala niya sa lugar na iyon.

Falling In Love With A JokerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon