Falling in love is easy but moving on is quite hard, but you don't just have to sit in one corner, curl up to your knees and weep the pain; you have to get up and start like life is new again.
'Yan ang ginagawa ni Faith kung kaya unti-unting nawawala ang sakit na nararamdaman niya dulot ng paghihiwalay nila ni Raven. She admitted it was kind of hard pero natuto siyang tanggapin na wala na sila ni Raven at hindi ito ang lalaki para sa kanya.
There are so many fishes in the sea, ika nga ng best friend niya. But you have to wait to have a good catch kung ayaw mong masaktan ulit. 'Yan ang isa sa mga leksyon na natutunan niya. Aminado siyang naging madali siya sa pakikipagrelasyon kay Raven. Masyado siyang nagpadala. At nagpaloko. Ngayon ay natuto na si Faith. Love is not something you have to rush in, it is something you have to patiently wait.
~~
Nasa ladies' cr si Faith at nag-aayos nang may pumasok na dalawang nagtatawanang babae. Mula sa salamin ay namukhaan niyang si Jamie ito kasama ang kaklase nito. Their laughter died down as soon as Jamie saw her.
"Oh, look who's here!" Jamie said, smiling mischeviously at her.
Hindi ito pinansin ni Faith at dali-dali niyang iniligpit ang make up kit niya.
"I heard break na raw kayo ni Raven." napatigil siya sa pagliligpit. Ang bilis namang kumalat ng tsismis.
"Well, it's actually a good news." Jamie pulled herself up and sat on the sink with her legs crossed. Napasulyap siya sa mahabang legs nito. Maputi at ang kinis ng balat. Kaya naman pala maraming nagkakandarapa rito.
Isa na si Raven dun. Sabad ng kanyang isipan.
"So how's the feeling, girl? Masakit ba?" narinig niyang tumawa ang kaklase nito. Bakit ba ang mga mean girls kailangan talagang may alipores? Pero hindi siya sa kasama nito nairita kundi sa pagmumukha ni Jamie at sa mga sinasabi nito. Faith knew right that she's humiliating her.
"Uy, magsalita ka naman. Wala ka bang dila?"
Nanatili lang siyang tahimik. Pilit niyang pinipigilan ang galit at inis na namumuo sa dibdib niya. This girl just have no right to mock her. If only she have the courage to yank her hair off her scalp, she would've already done it. But Faith have to keep her cool at wala rin sa ugali niyang manakit ng tao.
"Hayaan mo na siya, Jamie. Mukhang wala siyang balak kausapin ka," wika ng kaklase nito.
"Oh, well..." Bumaba ito sa pagkakaupo mula sa lababo at nagsimulang mag-ayos. Pero ramdam niyang tinitingnan siya nito sa salamin.
Aalis na sana si Faith nang bigla siyang pigilan ni Jamie sa braso. Napatingin ito saglit sa suot niyang bracelet at bahagyang tumaas ang kilay nito. Hindi nito siguro akalaing nagsusuot siya ng mamahalin. Bumalik ang tingin ni Jamie sa kanya at ngumiti ng peke.
"You are a perfect girl, Faith," she paused to give her another fake smile, "but you just can't give Raven the satisfaction he needs."
She swallowed the invisible lump in her throat. She knew what Jamie meant and she's right. Hindi niya kayang punan ang pangangailangan ng mga lalaking kagaya ni Raven. At mga kagaya lang ni Jamie ang makakabigay nito. She felt pity to this girl. Jamie thought giving herself to guys makes her look lovable, she doesn't think she actually looks cheap.
"You can have him your own," sa huli'y sabi ni Faith at peke rin niya itong nginitian.
Matalim siya nitong tinitigan bago binitawan ang braso niya.
"Bitch." narinig niyang sambit ni Jamie nang palabas na siya. She just let the word slipped off her ears. She had no time dealing with those bunch of airheads. And she mentally lauded herself that she got over her without the help of her best friend.
~~
Tahimik siyang naghihintay sa tambayan nila ni Patricia. Pero hindi si Pat ang taong hinihintay niya dahil may klase ito. She was actually waiting for Raf to appear. Wala naman silang pinag-usapang magkikita sila but she just have this gut feeling na dito niya ito muling makikita. Malay niya, maisipan nitong dumaan dito man lang.
Hawak-hawak niya ang panyo ni Raf at plano niyang isauli ito sakaling magkita sila. Nilabhan niya ito nang maayos, sinigurong walang laway o sipon na nadikit at pinabanguhan pa niya ng kanyang mamahaling perfume. Napangisi pa si Faith habang iniimagine si Raf na inaamoy-amoy ito.
Ang landi mo, Faith. She admonished herself. Iwinaksi na lang niya ang eksenang iyon sa kanyang isipan.
Ilang minuto ang nakalipas pero hindi pa rin niya nakikita ang anino ni Raf. Luminga-linga siya sa paligid, nagbabakasakaling makita niya ito pero wala talaga. Sa halip ay ibang tao ang kanyang nakita. Ang taong ipinagdadasal niyang sana ay hindi na niya makita pa.
Malayo pa lang ay ramdam na niyang nakatitig si Raven sa kanya. Kasama nito ang dalawang kasamahan nito sa basketball. Nagtatawanan ang dalawa nitong kasama at si Raven lang yata ang hindi. Faith looked away and pretended that she didn't see him. Binuksan niya ang laptop niya at in-open ang kanyang facebook account. She got a friend request.
"Hi, cute!" napatingala siya sa pinanggalingan ng boses. Nakangising nakatingin sa kanya ang isa sa mga kaibigan ni Raven habang ito naman ay nakatingin sa malayo, halatang umiiwas. Matipid lang siyang ngumiti.
"May LQ ba kayong dalawa?" tanong ng isa pang kaibigan nito. Napansin siguro ng mga itong hindi sila nagpapansinan. Tumikhim lang si Raven at siya nama'y tahimik lang. Hindi ba ito nagkwento sa kanilang break na sila?
"Pre, pansinin mo na. Wag kang pabebe." Nagtawanan ang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang reaksyon ni Raven dahil hindi niya ito tinitingnan pero siguradong magkasalubong ang mga kilay nito. Nakatuon lang ang atensyon ni Faith sa pag-scroll ng newsfeed at hindi pa rin niya nao-open kung sino ang nagpadala sa kanya ng request.
"Tayo na. Hayaan niyo na siya," malamig nitong sabi sa mga kasamahan nito.
"Bye, Faith!" sabay na wika no'ng dalawa. Tumango lang siya na hindi man lang sila tinitingnan.
Naramdaman na lang niyang lumalakad na ang mga ito palayo. She sighed in relief. Sumulyap siya sa kanila at saktong lumingon si Raven. Their gazes met but she quickly averted her gaze. Pakiramdam niya'y parang nanginig ang buong katawan niya.
Calm down, Faith. You are already over him. She told to herself.
Uminom siya ng tubig para humupa ang tensyon sa dibdib niya. Nag-log out na rin siya at sinarado ang kanyang laptop. Muli niyang iginala ang paningin sa paligid pero wala talaga ang taong gusto niyang makita.
Asa ka pa, Faith.
Siguro nagkataon lang na napadaan si Raf dito kahapon. At baka hindi na nito maisipang mapadaan dito ulit. Bahagya siyang nalungkot. Napakalaki nitong unibersidad para hanapin si Raf. At ito lang ang tanging lugar na alam niyang alam rin nito. Sana man lang ay mapadpad ito ulit.
Tiningnan niyang muli ang panyo niya at inamoy ito. Nandyan pa rin ang pabango niya. Itatago na lang niya ito sakaling hindi sila magkita. Pero umaasa si Faith na magkikita pa rin sila.
She stayed for few minutes before she finally decided to leave. Aalis na sana siya nang makarinig siya ng tawanan mula sa likod. Napalingon siya. And there she saw him, laughing together with his friends. And by the look of him, he seemed like a happy person. Napako ang tingin ni Faith sa kanya at naramdaman niyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakatingin sila Raf sa direksyon niya habang patuloy na nagtatawanan pero hindi siya sigurado kung sa kanya nga sila direktang nakatingin. Bigla siyang nahiya kaya napayuko na lamang siya. Nakalampas na sina Raf nang muli siyang napatingala. Sayang, hindi man lang ito tumigil. And why the hell was she expecting? She groaned inwardly. She watched as they walked passed her. Mas mabuti pa sigurong umalis na rin lang siya. Dinampot niya ang bag at laptop saka nagsimulang lumakad. Hindi pa man siya nakakalayo ay narinig niyang may tumawag mula sa likuran.
"Wait!" She turned around and their gazes met. He let out a sweet smile and she found herself smiling at him, too.
~~