Twelve: Crush

40 1 19
                                    

"I couldn't forget the day I first saw him. Ano na namang kadramahan 'to, Faith?" biglang tanong ng nanay niya, este ng best friend pala niya.

She paused from reading her favourite novel and looked up at her. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang hawak nito. Pat was holding her diary.

"Akin na yan!" sigaw niya.

"Nope, unless you tell me." she wriggled her brows and grinned impishly. Faith scowled at her.

"Wala yan. Ibalik mo na!" sigaw niya ulit.

Pero hindi siya nito pinansin. Binuklat nitong muli at tahimik na binasa ang nakasulat.

"Sino ba ang tinutukoy mo dito?" takang tanong nito.

"Wala," tumayo siya para agawin ito pero agad nitong itinago sa kanyang likuran. "Pat, please. Sige ka, hindi kita bibigyan ng Girardhelli."

"Actually, nakakuha na ako," sabi nito sabay ngisi.

Napatingin siya sa coffee table at nakitang nagkalat ang foil ng tsokolate. Walangya. Tiningnan niya ito ng masama pero bumelat lang ito sa kanya.

"Sabihin mo na kasi."

She sighed. "Fine. Ibigay mo muna."

Pat looked at her suspiciously.

"I have one word, Pat." wika niya na nakapamaywang.

"Okay!" bumungisngis ito saka inabot sa kanya.

Agad niya iyong kinuha at napahinga ng maluwag. Buti na lang at isang sentence pa lang ang naisulat niya. Inaantok na kasi siya kagabi kaya hindi na niya natapos. She was fond of writing diaries. Mostly, about sa lovelife niya. Pero yung sa kanila ni Raven, hindi pa niya nasusulat at mukhang wala na siyang balak na isulat pa. That was just the worst break up she ever had.

Bumalik siya sa pagkakaupo at sumunod si Pat.

"So, ano na?" tanong nito at nakatingin sa kanya.

"What?" kinuha niya ang libro at kunwari'y nagbabasa. Pilit rin niyang pinipigilang tumawa. Pero agad itong hinablot ni Pat at sinarado. Sinimangutan niya ito.

"It's nothing, Pat." sabi niya.

"Anong nothing ka dyan? Hindi ka nagsusulat sa diary mo ng mga walang kwenta."

Walang kwenta. Kaya pala hindi niya masulat-sulat ang sa kanila ni Raven dahil naging walang kwenta ang kanilang relasyon.

"Siguro si Raf yan, noh?"

Shoot.

Napatingin siya sa kaibigan at hindi napigilang ngumiti. Bakit kasi hindi niya mapigilang mapangiti kapag maalala niya ito? Hayan tuloy, buking na siya.

"Oh, my God! You're in love with him!" Patricia squealed happily.

"Grabe, in love agad?" umirap siya. Pero lihim siyang napangiti sa salitang yun.

"So, ano man pala? Crush mo lang siya, ganun?"

Nagkibit-balikat siya. But maybe that's the word that exactly fits for her feelings for him. It was just so early to tell she's in love. Crush nga lang siguro niya ito.

"Uy, Faith, ah. Kaya pala ang ganda-ganda ng aura mo kahit kakabreak mo pa lang sa ugok na yun." She just rolled her eyes.

"So what's about him?"

"Nothing."

"C'mon, girl! I need details," Pat prodded. Bumuntong-hininga siya. Hindi talaga siya titigilan ng babaeng ito hangga't hindi niya ito nauulanan ng impormasyon.

Falling In Love With A JokerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon