Twenty-Seven: Succeed

21 2 33
                                    

"Pat...confirmed."

Kumunot ang noo ni Patricia sa sinabi niya pero agad ding nawala iyon nang may ma-realized ito. Her eyes turned wide.

"Oh, my gosh! Congrats, girl!" Pat exclaimed happily.

Siya naman ngayon ang nakakunot ang noo. Patricia probably misunderstood her statement.

"Ano'ng pinagsasabi mo diyan?" natatawa niyang tanong.

Tinaasan siya nito ng kilay.

"Di ba sabi mo confirmed? So confirmed na kayo na ni Raf!"

Tumawa siya.

"Baliw! Hindi iyan ang ibig kong sabihin."

Pat frowned and crossed her arms over her chest.

"Ano naman pala?"

Huminga siya ng malalim at tiningnan ang best friend niya.

"Si Raven at Jamie...sila na."

Tiningnan lang siya ni Pat na para bang wala itong pakialam sa sinabi niya.

"Uy!" kinalabit niya ito.

"What? The hell I care with them!" masungit nitong sabi.

She sighed. Wala nga talaga itong pakialam sa sinabi niya. Bakit pa kasi niya ito kinuwento?

"Alam mo, Faith, hindi na dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga walang kwentang tao," sabi ni Pat.

"Pero kasi..."

"Ano? Affected ka?"

She shrugged. Hindi niya alam kung affected nga ba talaga siya. But the pain she felt yesterday screams yes.

"Akala ko ba naka-move on ka na?" tanong nito.

"Oo...pero hindi ko lang maiwasang makaramdam ng sakit lalo na no'ng nakita kong naghalikan sila."

Nanlaki ang mga mata ni Pat.

"Talaga? Mismong sa harap mo? Saan?" sunud-sunod nitong tanong at sunud-sunod din ang pagtango niya.

"Sa cr kahapon," matamlay niyang sagot.

"You mean, they were making out inside?" Pat asked in disbelief.

"Yup."

Napailing si Pat. "Grabe, ang landi talaga ng babaeng 'yon! Bagay nga talaga sila ni Raven."

Matipid siyang ngumiti.

"Buti na lang talaga hiniwalayan mo ang manwhore na 'yon," dagdag pa ni Pat.

Tumango naman siya. Ayaw niyang gatungan pa ang sinasabi ni Patricia.

"Nagseselos ka ba?" tanong nito maya-maya.

Tinitigan niya ang kaibigan saka umiling. Hindi naman talaga siya nagselos kahapon. There was just this unexplainable pain that bothered her.

Patricia sighed.

"Buti naman. Hindi ka dapat magpaapekto sa mga 'yon. Kung magpapaapekto ka, for sure, pagtatawanan ka lang nila. Don't make yourself look like a loser," payo nito.

Faith nodded.

"Thanks, Pat. I'll put that in mind." then she gave her an assuring smile. Patricia smiled back.

"Kung ako sa 'yo, paselosin mo rin siya. Parang revenge mo na rin," wika nito pagkatapos.

She frowned. "Ha? Paano?"

"Si Raf," Pat suggested, smirking.

Agad niyang na-gets ang ibig sabihin nito. Umiling siya.

"No! Ayaw kong maging user," mariin niyang tanggi.

Falling In Love With A JokerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon