University Week na. The whole campus was busy. Punung-puno ng estudyante ang field para sa opening program. Bawat college departments ay may color coding. CIT students were wearing blue t-shirt, CAS students in orange, COE students in yellow and CEA students were wearing gray. Palakasan rin ng cheers ang bawat departments at sa huli ay nanaig ang College of Engineering and Architecture. Halos mga lalake kasi ang mga estudyante doon.
Pagkatapos ng maiksing programa sa field ay nagsialisan na ang mga estudyante para manood ng mga exhibits at games.
"Faith, hindi ka sasabay sa amin?" tanong ni Ivy sa kanya.
"Hindi muna. Hinihintay ko pa ang best friend ko," sagot niya.
"Ah. Sige, mauna na lang kami."
Tumango siya.
"Bye, Faith!" paalam ng mga kaklase niya saka umalis ang mga ito.
Naiwan siyang mag-isa sa bench. Hinahanap ng tingin niya si Pat pero hindi pa niya ito makita. Kaya ni-text niya ulit ito.
Babae, saan ka na?
Ilang minuto ay nag-reply ito.
Dito pa sa field. Nakita ko si Raf. :p
Napabuntong-hininga siya. Buti pa si Pat, nakita niya ito. Pero siya, halos ilang araw na siya nitong iniiwasan. Hindi na niya maintindihan kung bakit. Wala naman siyang ginawang masama para iwasan siya nito. He was acting cold to her since on what happened at Starbucks a week ago and worst, parang pinapaselos pa siya nito. Madalas kasing kasama ni Raf ang girlfriend nitong si Roxanne. Naiinis siya, hindi kay Roxanne kundi sa sarili niya. Bakit ba kasi hindi niya pinaniwalaan si Raf? Kung sana, okay pa sila. Kung sana, sila ang magkasama ngayon. Marami pa naman sana siyang plano na kasama ito. But her plans all went down the drain.
She sighed again. Nireplayan na lamang niya si Pat na puntahan siya nito sa bench. Hindi na niya ito tinanong tungkol kay Raf dahil siguradong magtatalak rin ito kapag nagkita na sila. Pagkaraan ng sampung minuto ay dumating na si Pat. Natawa pa siya sa itsura nito. Namumutla ito sa suot na yellow t shirt.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong niya.
"Hay naku! Halos himatayin ako sa field. Sobrang init!" reklamo nito habang pinapaypayan ang sarili.
"Ano pa ba kasi ang ginawa mo doon? Kanina pa natapos ang program, ah."
Ngumisi ito at kinagat ang pang-ibabang labi.
"Sinundan ko pa kasi ang crush ko!" kinikilig nitong sabi. Natawa siya.
"So, stalker ka na pala ngayon."
Tumawa rin ito.
"Ano ba kasi iyong identity ng crush mo?" curious niyang tanong.
"Hmm...basta cute! Maraming nunal!" humalakhak ulit ito.
Tumaas ang dalawang kilay niya.
"Akala ko ba, ayaw mo sa mga lalaking may nunal sa pisngi?"
"Eh...iba kasi 'yong sa crush ko. Bagay tingnan sa kanya. Sobrang cute niya!" nanggigil na wika nito.
Natawa na lamang si Faith. Siguradong obsessed na naman ang best friend niya sa crush nito.
"Ano'ng pangalan?" tanong niya ulit.
"Hindi ko pa nga alam, eh." nakangusong sagot nito.
"Eh, 'yong course niya, alam mo?"
"Hindi rin. Pero CEA student siya kasi gray man 'yong damit niya. And wait, kilala yata siya ni Raf! Magkasama kasi sila kanina."